CHAPTER 25 Wyn POV Akala niya siguro titigil na ako. Akala niya siguro iiwas na lang ako at hayaan siyang agawin sa akin ang lahat. Hell, no. Habang nakatayo siya sa harap ko, ramdam ko ang init ng dugo ko sa bawat pintig ng ugat ko. Yung simpleng presensya niya, yung lakas ng loob niyang tumingin kay Mr. U na para bang siya lang ang kayang mahalin, nakakapundi talaga. Lumapit ako, hindi ko na mapigilan. “Akala mo siguro tatantanan kita, no way. That’s a big NO, Jo Ann,” madiin kong sambit, halos pabulong pero puno ng apoy. “Kasi magiging akin lang si Mr. U.” Nakita ko ang gulat sa mukha niya, parang hindi niya inaasahan ang tapang ko. Nag-atras siya ng kaunti pero hindi niya ako matitinag. “Wyn, please. Ano bang sinasabi mo?” nanginginig niyang tanong. Napangisi ako. “Alam mo kun

