CHAPTER 24 JO ANN POV Hindi pa rin ako sanay sa bigat ng mga tingin sa akin tuwing pumapasok ako sa kusina ng Le Prestige. Ang bawat galaw ko ay parang sinusukat, hinuhusgahan, at hinahanapan ng mali. Simula nang unang araw ko rito, ramdam ko na ang malamig na pagtrato ni Wyn. Hindi ko siya masisisi, siguro dahil bago lang ako at dumating ako sa isang lugar na matagal na niyang pinaghirapan. Pero sa tuwing nagtatama ang mga mata namin, parang may kuryenteng dumadaloy hindi ko alam kung galit ba iyon o may halong iba pa. Habang hinihiwa ko ang mga sibuyas, hindi ko maiwasang mapangiti nang maalala ko si Mama. Lagi niyang sinasabi, “Anak, kahit saan ka mapunta, dalhin mo ‘yung pagmamahal mo sa pagluluto.” Kaya kahit na nangingilid ang luha ko sa anghang ng sibuyas, pinipilit kong gawing

