ANOTHER INVITATION

1659 Words
CHAPTER 4 Third Person POV Pagkatapos ng cooking showdown, bitbit ni Jo Ann ang maliit na bag na puno ng mga natirang sangkap at ang premyong isang basket ng assorted goodies. Nakangiti pa rin siya pero ramdam sa likod ng isip niya ang pagod. Gabi na nang dumating siya sa maliit nilang bahay sa Bulan. Pagbukas pa lang ng pinto “AYAN NA! AYAN NA SI MASTER CHEF!” sigaw ni Tita Bebang, kapitbahay nilang malapit lang, habang kumakain ng fishball sa labas. “Naku Tita, hindi naman po master chef, natalo nga po ako eh,” tawa ni Jo Ann. “Eh kahit talo, mukha ka namang busog! Aba’t ang kinis mo pa rin!” sabat ni Mang Cardo, kapitbahay din, habang nakaupo sa bangketa. “Tito Cardo, baka ganyan ka rin kakinis pag puro mantika sa mukha,” biro ni Jo Ann bago pumasok sa bahay. Sa loob, nadatnan niya ang nanay niyang nakaupo sa maliit na mesa, may hawak na cellphone. “O ayan, anak, nakita ko yung live stream mo kanina! Ang galing mo magluto ng ano yun ‘shrimp alagalbi’? Tama ba?” “‘Shrimp aglio olio’ po, Nay,” tawa ni Jo Ann, inilapag ang basket sa mesa. “Teka, sino nag-video?” “Si Karen. Pinanood namin dito nina Ate Baby, ayun, sabay-sabay kami nagcheer.” Biglang sumilip mula sa kwarto si Karen, ang bunso niyang kapatid, naka-bonnet at hawak ang lumang tablet. “Ate, viral ka na yata! May nag-comment doon na bagay ka daw maging vlogger.” “Naku, huwag niyo kong gawing artista. Ayoko nang may nag-aabang sa labas ng pinto natin na may dalang bouquet,” biro ni Jo Ann. “Eh paano kung pogi?” balik ni Karen, sabay kindat. Pumasok din si Kuya Boyet, pinsan nilang mahilig magbenta ng kung anu-ano. “O, Jo Ann! May dala ka bang tira d’yan? Para matikman ko rin yang pang-contest mo!” “Meron po, pero shrimp. Baka naman mag-allergy ka gaya nung huli.” “Ah bahala na. Minsan lang ‘to. Baka magka-superpowers ako!” “Superpowers ng kamot?” singit ni Karen. Tawanan sila. Habang nilalabas ni Jo Ann ang tirang pasta at shrimp, napansin ni Nanay ang malaking bote ng olive oil sa basket. “Uy, sosyal! Olive oil! Ilagay natin sa altar para di maubos agad.” “Nay, mantika po ‘yan, hindi holy water,” natatawang sagot ni Jo Ann. “Eh mahal ‘yan! Di puwedeng basta-basta gamitin. Ilalabas lang kapag fiesta o may bisitang may kotse.” Habang kumakain sila, dumating si Mang Jun, kaibigan ng pamilya na parang tatay-tatayan na rin sa kanila. “O ayan, akala ko mananalo ka, Jo Ann! Pero kahit hindi, proud kami sa ‘yo. Tsaka” bigla niyang kinuha ang bote ng olive oil, “Pwede ko ba ‘to hiramin?” “Ano gagawin mo d’yan, Mang Jun?” tanong ni Kuya Boyet. “Panghilod. Sabi kasi sa YouTube, pampakinis daw.” “Naku, baka magmukha kang lumpia!” hirit ni Karen, na ikinatawa ng lahat. Matapos kumain, pumwesto sila sa sala. Binuksan ni Karen ang TV at pinakita ang replay ng showdown. “Ay Diyos ko, kita yung pawis mo doon, Jo Ann,” sabi ni Nanay. “Natural lang po ‘yun, mainit sa kusina.” “Tapos ayan o,” turo ni Karen sa screen, “nung tumawa ka, parang may dumikit sa ngipin mo.” “Hala! Hindi niyo man lang ako sinabihan!” “Eh live nga, paano kita kakausapin?” tawa ni Karen. Nag-umpisa nang magkwentuhan tungkol sa iba’t ibang cooking contests. “Alam mo, Jo Ann,” sabi ni Kuya Boyet, “dapat sumali ka sa mga barangay fiesta cooking challenge. Sigurado panalo ka. Tsaka baka may mag-sponsor pa sa ‘yo.” “Oo nga,” dagdag ni Nanay. “Kahit hindi pera, kung bigas at mantika, panalo pa rin tayo.” “Eh kung pagkain ng hotdog lang ang laban, panalo ako!” singit ni Mang Jun, na may dalang platito ng hotdog na nilubog sa olive oil. “Grabe ka, Mang Jun, mauubos mo yung mantika ko!” reklamo ni Nanay. Biglang may kumatok sa pinto. Pagbukas ni Jo Ann, si Tita Bebang pala ulit, may hawak na plato. “Jo Ann, natikman ko yung niluto mo kanina! Pwede ba akong magpa-reserve sa susunod mong contest? Gusto ko yung pang-judge portion.” “Tita, baka maubos ang luto ko kung ikaw ang judge.” “Eh di dagdagan mo!” Habang nagbibiruan sila, dumating si Karen mula sa kusina, may hawak na papel. “Ate, may sulat para sa ‘yo. Iniwan daw sa tindahan ni Aling Nena.” Binasa ni Jo Ann. Invitation pala para sa isa pang cooking event pero mas malaki, mas maraming kalaban, at may mas malaking premyo. “Naku, parang ayoko na munang sumali,” sabi niya. “Pagod pa ako.” “Hoy! Hindi puwede,” singit ni Kuya Boyet. “Anong klaseng pamilya tayo kung hindi ka namin itutulak sa labas para magluto?” “Tsaka baka doon mo na makilala ang future jowa mo!” dagdag ni Karen. “Ay naku, jowa na naman!” “Eh para may taga-kain ng luto mo araw-araw!” Tumagal pa ang kwentuhan hanggang halos hatinggabi. May dumaan pang mga kapitbahay para makisalo sa natirang pasta. May nagdala ng softdrinks, may nagdala ng tinapay, at may nagdala ng chismis na mas mainit pa sa kalan. Bago matulog, nakaupo si Jo Ann sa gilid ng kama, hawak ang invitation. Napangiti siya. Kahit pagod, masarap pala yung feeling na kahit talo ka sa contest, panalo ka sa kwentuhan, tawanan, at suporta ng pamilya. “Okay,” bulong niya sa sarili, “isang laban pa.” At saka siya nahiga, habang sa labas, naririnig pa rin niya si Mang Jun at Tita Bebang na nagtatalo kung mas masarap ba ang shrimp kapag niluto sa olive oil o sa mantika ng chicharon. Sa kabilang dako naman, naglalakad-lakad si Urziel sa loob ng kanyang restaurant, hawak-hawak ang isang cup ng malamig na kape. Halata sa mukha niya ang pagod at higit sa lahat, ang frustration. "Sir, wala na po ‘yung dalawang chef sa kitchen. They just left," bulong ng head waiter na si Alvin habang palinga-linga. Napahinto si Urziel at marahas na huminga. "Of course they left. Everyone’s leaving. This place is like a sinking ship," madiin niyang sabi habang umiiling. Pumasok siya sa kitchen. Halos walang laman ang mga workstations. Isang commis chef na lang ang abala sa pag-chop ng onions, mukhang kabado. "Where is everyone?" tanong ni Urziel, nakataas ang kilay. "Uh… Sir, nagpaalam na po kanina. They said… they can’t handle the stress anymore. And… late po daw sweldo," mahina ang sagot ng batang chef. Urziel pinikit ang mata at malalim na huminga. "I swear, if I hear ‘late sweldo’ one more time, I’m gonna" naputol ang salita niya at tinapik na lang ang mesa. Lumabas siya sa kitchen at tinawag si Alvin. "Alvin, schedule a meeting. Staff, managers, everyone who’s still here. We need to talk. Now." Nakaupo si Urziel sa dulo ng mahaba at mamahaling conference table. Kaharap niya ang natitirang anim na empleyado. Lahat ay mukhang pagod at alanganing magsalita. "So… let me get this straight," panimula niya, seryoso ang boses. "We’re losing chefs, we’re losing customers, and our bills are piling up. Is that the summary of our situation?" Tahimik. Walang gustong magsalita. "Come on, guys. I need honesty here. If you think I’m a terrible boss, say it. If you think the restaurant’s dying, say it. I won’t fire you for telling the truth… probably," may halong sarkasmo niyang dagdag. Nagkatinginan ang staff hanggang sa magsalita si Jenny, ang floor manager. "Sir, the problem is… kulang tayo sa marketing. And the menu" "The menu is fine!" putol agad ni Urziel, medyo tumaas ang boses. "Our dishes are world-class. I trained half of those chefs myself." "Yes, Sir, pero… hindi po natin na-aadjust sa market ngayon. People are looking for something trendy, Instagrammable… ‘yung mabenta sa social media," paliwanag ni Jenny. Urziel leaned back, crossing his arms. "So what, we replace fine dining with rainbow-colored burgers? Is that what you want?" No one answered. After the Meeting Bumalik si Urziel sa opisina niya. Binuksan niya ang laptop at tinignan ang latest sales report. Mas lalo siyang nainis. "This is a joke," bulong niya sa sarili. "How the hell did we go from five-star reviews to this mess?" Nag-ring ang phone niya business partner niya from overseas. "Urziel, I’ve been looking at the numbers. We can’t keep bleeding money like this. You need to either make drastic changes or consider closing." "Closing? No way. This restaurant is my life. I didn’t spend years building this just to walk away because of a slump." "Then do something big. Rebrand. Get a celebrity endorsement. Hire a top-tier chef. You can’t do this alone, my friend." Urziel napahawak sa sentido. "Fine. I’ll think about it. But I’m not giving up. Not yet." Later That Night Naglakad siya sa main dining area. Kakaunti lang ang customers, at halos lahat ay busy sa cellphone. Napatitig siya sa isang table kung saan magka-date ang isang mag-asawa. "See? That’s the problem," bulong niya sa sarili. "People don’t come here for the food anymore. They come for the photos." Lumapit si Alvin, dala ang maliit na notepad. "Sir, reservation for tomorrow night… cancelled. Big group. Sayang po." Urziel closed his eyes for a moment. "Perfect. Just perfect." Pero imbes na tuluyang mawalan ng pag-asa, bumuntong-hininga siya at nagpa-smirk. "Alright. If the world wants trendy, flashy, and over-the-top… then we’ll give them the best damn show they’ve ever seen. Call the suppliers, Alvin. We’re changing the game starting tomorrow." Alvin blinked. "Sir, ano pong gagawin natin?" "We’re going to make this place impossible to ignore," sagot ni Urziel, eyes gleaming with determination.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD