CHAPTER 3
MR. U POV
Lunes.
Masakit sa ulo ang araw na 'to, at hindi pa man ako nakakapasok sa opisina, may pakiramdam na akong may mali.
“Sir, andito na po ‘yung folder na pinabigay ni Ms. Fely,” bungad ni Jenny, ang PA ko, sabay abot ng brown envelope habang nakasunod ang takot sa mata niya.
“Leave it on the table,” malamig kong utos habang nakatingin lang ako sa city view ng malaking glass window ng opisina.
Alam ko na ‘tong folder na ‘to. Alam kong hindi ito simpleng financial summary lang ng restaurant. For weeks, ramdam ko na. May nililihim.
Binuksan ko ang envelope.
Sunod-sunod ang mga pages receipts, ledgers, bank transaction history, tax declarations, at payroll records.
Tumigil ako sa isang page.
₱500,000 para sa marketing?
For what? A one-time i********: post ng seafood platter?! Tangina.
Tumayo ako. Hawak ang papel. Hinampas ko ang glass coffee table na may mamahaling Italian espresso machine—hindi ko na tiningnan kung nauntog ‘yung tuhod ni Jenny o kung tumilapon ‘yung kape niya.
“CALL FELICIA. NOW.”
Napatakbo si Jenny sa cellphone niya. Nanginginig ang kamay. Bago pa niya matapindot ang contact ni Felicia—bumukas ang pinto.
“Speaking of the devil,” bulong ko.
“Hi, Drae! Good morning!” Masaya pa ang tono ni Felicia, naka-Hermès na scarf at bagong salon blowout ang buhok. Ang bango pa ng pabango niya.
“Close the door,” sabay balik ko sa upuan. Tumigil siya sa pag-ngiti.
“Something wrong?”
“Sit the f*ck down.”
Nagpalitan kami ng titig. Ilang segundo ang lumipas. Umupo siya.
Hinagis ko sa harap niya ang tatlong pahina ng financial summary.
“Explain.”
“Teka, Drae”
“EXPLAIN, FELICIA! Bakit may half a million na nawala sa marketing budget last quarter? Bakit halos doble ang supplier fee ng shrimp from last year? At bakit ang laki ng cash out sa payroll, samantalang ang staff natin ay kulang pa sa required minimum?”
Hindi siya agad sumagot. Nakatitig lang siya sa papel.
“Kailangan mo akong pakinggan”
“Hindi kita kailangan pakinggan. Ang kailangan ko ay sagot. At kung hindi mo ‘to maipaliwanag in the next ten seconds, I will call my lawyer and the f*cking police.”
“Drae”
“Ten.”
“Wait lang”
“Nine.”
“Hindi mo naiintindihan"
“EIGHT!” Sigaw ko. Tumayo ako, tinulak ko ang table papalapit sa kanya. Kumalabog ang mga papel.
“I—I used it for... promotions. Influencers. Ads. Commission!” Nanginginig ang boses niya. Pero diretso pa rin ang tingin niya.
“Commission?” Nilapit ko ang mukha ko sa kanya. “I never signed any contract for commission-based marketing. Alam mo ‘yan.”
Tahimik.
Napapikit ako. Malalim ang hinga ko.
“Kaninong bulsa napunta ang pera, Felicia?”
“Drae, please... kailangan ko lang ng konti noong time na ‘yon. Emergency...”
Emergency?!
“P*TA, SO YOU STOLE COMPANY FUNDS FOR PERSONAL REASONS?!” Sumigaw ako. Nag-echo sa buong opisina. Natigilan si Jenny sa labas ng glass wall.
“Hindi ko intensyon! Ibabalik ko”
“KAILAN? Kapag na-foreclose na ‘tong building na ‘to? Kapag nagsara na ang restaurant?” Tinuro ko ang glass view kung saan kita ang signage ng ‘MR. U Fine Dining’.
Hindi siya makatingin.
Huminga ako ulit.
Mas malalim. Mas mabigat.
“Do you know how much I’ve sacrificed for this place, Felicia?” Mahina na ang boses ko. Pero deadly.
“I sold my condo. I sold my fcking car. I borrowed from people. Tapos ikaw, ikaw na pinagkatiwalaan ko, you used the fcking company card like it was Monopoly money?!”
Tumulo ang luha niya. Hindi ko pinansin.
“You think this is just business for me? This is my life. This is my f*cking name. ‘MR. U’ isn’t a brand. It’s ME.”
Tahimik.
Tumingin ako sa kanya. Diretso.
“I want you out.”
“W-what?”
“You’re fired. Effective now. No explanations. No second chances.”
“Drae... please... kilala mo ako... Ilang taon na tayong magkasama...”
“I thought I did.”
Tumalikod ako. Tinawag ko si Jenny.
“Jenny, ipacancel mo lahat ng access ni Felicia sa system. Change passwords. Freeze all accounts. I don’t care how. Gawin mo ngayon.”
“O-opo, Sir.”
Felicia stood there, frozen. Then she stood up slowly, pinulot ang Hermès bag niya.
“You’ll regret this.”
“No, Felicia. Ikaw ang magsisisi. At sana every cent na ninakaw mo sa kumpanyang ‘to, worth it.”
Umalis siya. Tumunog ang heels niya sa marmol na sahig, paalis.
Tahimik. Sa wakas.
Pero hindi pa tapos.
Kinuha ko ang telepono. Tinawagan ko si Leo ang accountant na matagal nang nagtatrabaho sa lolo ko noon pa. Hindi ko na siya kinontak since nagsimula ako ng sarili kong kumpanya. Pero ngayon...
“Hello?”
“Leo. I need a full forensic audit. Now.”
“Akala ko ba”
“I changed my mind. I’ll send the documents.”
“Magkano ba ang nawawala?”
“Hindi ko pa alam. Pero simula ngayon, gusto kong malaman ang bawat sentimo ng ginastos dito sa kumpanya ko.”
“I’ll be there in two hours.”
“Good.”
Pagkababa ko ng tawag, napaupo ako.
Parang sumabog ang mundo sa ulo ko.
Akala ko, kaya ko na. Akala ko, stable na kami. Pero mali.
Yung pagkakakilala ko sa mga taong pinakakatiwalaan ko, isa palang ilusyon. Lahat pala kayang sirain ng isang maling diskarte. Ng isang traydor.
“Sir?” mahinang tawag ni Jenny.
“Anong kailangan mo?”
“May... may investor po na gustong makipag-meeting. Ngayon daw po sana... urgent daw po.”
Napailing ako.
“Huwag muna ngayon. Cancel all my appointments today. I need... time.”
“Okay po, Sir. Gusto niyo po ba ng tubig?”
“Bourbon.”
“Ha?”
“Joke lang. Tubig.”
Umalis siya.
At ako?
Napatingin ako sa reflection ko sa glass.
Urziel Drae Daque. Thirty years old. May restaurant. May pangalan. Pero ngayon, wasak. Galit. At lalong-lalo na, ubod ng dismaya.
Hindi ako susuko. Hindi puwede.
Pero ngayon, kailangan ko munang tumahimik at mag-isip.