TAGONG DAMDAMIN

1716 Words

CHAPTER 38 KAEN POV Mainit. Mabigat. Parang may kumot na hindi ko kayang alisin sa katawan ko. Nag-unat ako saglit, sabay mariing pumikit dahil sa sakit ng ulo ko tang*na, parang may martilyong kumakabog sa loob ng bungo ko. Ang alat ng lalamunan ko, tuyong-tuyo, at pakiramdam ko ang bigat ng bawat galaw ko. “Ughhh…” napaungol ako, sabay muling bumalikwas. Pero bigla akong natigilan. May mabigat na nakadagan sa dibdib ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata, at halos tumigil ang puso ko nang makita ko kung sino. Si Wyn. Nakahiga siya sa ibabaw ko, nakadikit ang mukha sa leeg ko, mahimbing ang tulog, at mahigpit ang yakap sa akin. Napakagat ako sa labi, parang biglang nawala ang antok at hilo ko. Putng ina… totoo ba ‘to?* Bumalik sa isip ko ang mga eksena kagabi. Ang dance floor.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD