CHAPTER 38 URZIEL POV Lumipas ang isang linggo mula nang magdate kami ni Jo Ann sa peryahan. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko, pero simula noon, mas lalo akong naging attached sa kanya. Para bang gusto ko siyang bantayan sa lahat ng oras. At dahil medyo crafty ako at syempre, medyo may kaya rin pinagawan ko ng paraan na malipat siya sa parehong condo building na tinitirhan ko. Siyempre, hindi niya alam na ako ang dahilan. Akala niya, tsamba lang na parehong building ang napili niya. Pero ang totoo, gusto ko lang na mas madali ko siyang makita. Mas madali ko siyang mabantayan. Mas madali ko siyang masurprise. At ngayon, maaga akong bumangon. Alas-singko pa lang ng umaga, dala ko na ang mga grocery na binili ko kagabi mga prutas, kape, at ilang ingredients na paborito niya. Pa

