"Daddy!!"
Napalingon si Mr. U, sa boses na iyon ng bata masaya buo ang ngiti.
Tumigil ang kanyang mundo nang makita ang batang lalaki. Mga walong taong gulang. Medyo payat pero buhay na buhay ang mga mata. Kulot ang buhok. Maputi. Malinis ang pagkakaayos. At sa bawat hakbang nito papalapit, para bang may kung anong gumuguhit sa dibdib niya.
"Daddy Urziel! Tara po laro tayo sa peryahan! Si Mommy nasa labas po ng clinic, nagpaalam po ako sa kanya na magpapasama ako sa inyo. Laro po tayo kasi fiesta po ngayon! Ang saya po doon!"
Tuwang-tuwa si Julian. Hawak pa niya ang maliit na lobo, kumikislap sa sinag ng araw. Ang maliit niyang kamay ay inabot kay Mr. U. Nanginginig na sa excitement.
Ngunit si Mr. U, hindi gumalaw.
Ilang segundo lang, bumigat ang kanyang hininga.
Tiningnan niya ang hawak niyang papel ang DNA Test Result.
NEGATIVE.
Negative.
Hindi siya ang ama.
Hindi siya ang ama…
Pumikit siya, nagpipigil ng galit. Nanginginig ang kamay niya, pero hindi sa takot kundi sa poot.
"You're not my son!" sigaw niya. Malamig. Matigas. Walang puso.
"Hindi kita anak!"
Napaurong si Julian. Naguluhan.
"Pero... pero sabi ni Mommy... kayo po..."
Hindi pa man natatapos ang salita ng bata, itinulak siya ni Mr. U. Malakas.
"UMALIS KA! WALA AKONG ANAK NA KATULAD MO!"
"Your mother is a homewrecker!"
"Sinira niya ang buhay ko, sinira niya ang negosyo ko at ngayon, ginagamit ka niya para habulin ang atensyon ko?!"
Napahiga sa semento si Julian, bumagsak ang lobo, pumutok. Tumama ang siko sa gilid ng sementado. Napaiyak. Nanginginig. Nanginginig.
"Daddy… bakit…?"
Tumakbo si Jo Ann papalapit, takot na takot.
"Julian! Anak!
"Urziel! Anong ginawa mo?!"
Pinalapit niya si Julian, iniangat ito. Namumula ang balat. Nanginginig ang bata sa iyak.
"BATA LANG SIYA! HANAP LANG SIYA NG AMA! BAKIT MO SIYA TINULAK?!"
Punit ang boses ni Jo Ann, umiiyak. Di na niya kinaya. Sinampal niya si Mr. U.
"WALA AKONG IBANG LALAKI NA DUMAAN SA BUHAY KO KUNDI IKAW! IKAW ANG NAKA-UNA, IKAW ANG HULI! BAKIT MO NAGAWA ITO SA ANAK MO?!"
Hindi sumagot si Mr. U.
Wala siyang masabi.
At sa gitna ng ingay, luha, at galit
Tumakbo si Julian.
"I HATE YOU, DADDY!"
"I WILL NEVER FORGIVE YOU!! NEVER!"
"JULIAN! Huwag kang tumakbo! Anak!"
Ngunit huli na.
Isang itim na van ang humarurot sa kalsada.
BRAKKKKKK!
"JULIAAAAN!!"
Napahinto ang mundo ni Jo Ann.
Isang sigaw. Isang hampas. Isang tunog ng katawan sa semento. Isang pagtigil ng oras.
DUGO.
DU-MI-RETSO.
Gulong. Dugo. Katawan.
At ang van UMARANGKADA hindi huminto dumating ang ambulansya at sinimulan rescue ang batang si Julian.
"Pulse?"
"Wala po, Doc!"
"CPR, bilis!"
"One, two, three"
"Nooo! Anak ko!!" sigaw ni Jo Ann habang hawak ang kamay ng anak sa stretcher.
"Julian, please! Mommy’s here! Mommy’s here baby! Wake up anak please!"
"Noo! Wag mong isara ang mata mo! Please anak!"
Tumitingin siya sa doktor, nanginginig, namamalimos.
"DO SOMETHING! PLEASE!"
"One more compression charge again!"
"WALA PA RIN, DOCTOR!"
Clock: 11:44 AM
"Time of death: 11:44…"
"NOOOOOO!!"
"NOOOO!!!"
"JULIAAAAAN!!! NOOOOOOO!!!"
Lumuhod si Jo Ann sa gilid ng anak. Yakap ang malamig na katawan ng kanyang anak. Puno ng dugo ang palad niya. Nanginginig siya.
"Don’t leave Mommy, please! Please baby… don’t leave me."
"Di mo pa natikman ang birthday cake mo this year. Di pa tayo nakakapaglaro sa peryahan. Julian, please! Gumising ka… Anak ko…"
Lumapit si Mr. U di makapagsalita. Parang sinampal ng realidad.
Wala na si Julian.
"KONG HINDI MO SIYA PINAGSALITAAN NANG GANUN HINDI SIYA TATAKBO! HINDI SIYA MAMAMATAY!"
SLAP!
Isa pang malakas na sampal.
"HALIMAW KA!"and
"YOU KILLED OUR SON!!"
"I HATE YOU, URZIEL! I HATE YOU! I WILL NEVER FORGIVE YOU UNTIL MY LAST BREATH!"