CHAPTER 16 THIRD PERSON POV Mainit pa rin ang pisngi ni Jo Ann nang una siyang bumitaw mula sa pagkakayakap kay Mr. U. Halos hindi siya makatingin ng diretso, pero sa loob-loob niya, parang gusto niya pang manatili sa pribadong kusina na iyon habambuhay. Si Mr. U naman, nakasandal sa counter, may ngiti sa labi na parang nanalo sa Lotto. Kung may confetti lang na babagsak mula sa kisame, malamang nagpa-party na siya. “Okay ka lang ba?” tanong ni Mr. U, pero halata sa tono niya na hindi talaga iyon tanong kundi papogi lang. “Hmm,” tugon ni Jo Ann habang inaayos ang palda niya. “Ikaw? Mukha kang masaya.” Napangisi si Mr. U at nag-ayos ng polo. “Masaya? Jo Ann, ito na yata ang pinakamasarap na ‘merienda’ na naranasan ko sa buong buhay ko.” “Edi wow,” balik niya, pero halata sa dimple niy

