KILIG

1898 Words

CHAPTER 17 JO ANN’S POV Hindi ko pa rin mapigilan ang ngiti ko habang nakasakay sa tricycle pauwi. Para akong baliw, hawak-hawak ang bag ko na para bang yakap ko ang buong mundo. Kanina lang, naglalakad kami ni Mr. U sa ilalim ng mga ilaw sa kalsada, kumakain ng ice cream na parang mga batang walang iniisip. Pero ang totoo? Ang daming iniwan ng gabing ‘yon sa puso ko mas marami pa kaysa sa mga tamis ng ice cream. “Miss, dito ka na ba?” tanong ng driver, at halos mapatalon ako sa gulat. “Opo, dito na lang po,” mabilis kong sagot, sabay abot ng bayad. Pagkababa ko, diretso agad ako sa pintuan ng maliit kong apartment. Pero bago ako pumasok, napahinto muna ako at napatingala sa langit. Ang dami ng bituin. Parang sabay silang nakikismis sa akin. “Oh, tumigil nga kayo,” bulong ko sa mga bi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD