CHAPTER 15

2098 Words
Hindi na ako nakapagsalita sa sinabing iyon ni Andrew, nagmukha pa akong uod na binudburan ng asin nang matanto kong tama nga ito at wala akong suot na bra. Dali-dali kong iniakap ang dalawang kamay ko sa dibdib ko, siya namang pagtawa ni Andrew. "Okay lang 'yan, wala naman akong nakita," tumatawang banggit niya dahilan para mas lalong mamula ang magkabilaan kong pisngi. Ramdam na ramdam ko ang ang pag-iinit ng batok at tainga ko, kasabay ng ulo ko na ano mang oras ay sasabog ako na parang bulkan. Inis na binalingan ko si Andrew, baka sakali na makuha ito sa tingin. Naiinis din ako sa sarili kung bakit ko ba ipinaglaban pa kay Anna itong suot ko, sana ay nakinig na lang ako sa kaniya kanina na magpalit ng damit. Ngayon ko mas na-realize na mas matalino ang anak ko kaysa sa akin. "Na-bother lang ako, akala ko ay totoong nakaumbok ang nguso ni Hello Kitty," dugtong ni Andrew na halatang inuudyo ako. "Hoy! Gago ka ba?" usal ko rito habang pinanlalakihan siya ng mata. Siya namang pagseseryoso nito. "Iyang bibig mo, kapag narinig talaga ni Anna iyang pagmumura mo ay baka iwan ka niya." Literal na nagpantig ang dalawang tainga ko, gusto ko pa sana itong sugurin at patikimin ng special back kick na itinuro pa ni Chloe ngunit hindi ko na nagawa sa kahihiyan ko sa katotohanang wala akong bra. Inirapan ko na lamang ito, mayamaya lang nang malingunan ko ang kotse. Pilit ko pang inaaninag ang loob nito, partikular ang pwesto sa passenger's seat ngunit wala naman akong makita roon bukod pa kay Anna na nasa likod. Napahinga ako nang maluwang, siya namang baling ko kay Andrew na tahimik akong tinitigan. Kung anu-ano na siguro ang pumapasok sa utak nito, kung hindi ko lang alam na may girlfriend ito ay baka isipin ko nang minamanyak ako nito. "Anyway, hindi mo ba kasama si Jinky?" pukaw ko sa atensyon niya, bilang sagot pa ay umiling siya. "It's her restday, ayoko siyang gambalain. Isa pa ay palagi ko naman siyang nakikita sa trabaho," mababang boses na pahayag niya. Tumango-tango ako. "Okay. Have a nice day ahead. Pakiingatan na lang si Anna, iuwi mo rin siya bago magdilim." "Copy." Tipid itong ngumiti at saka pa bahagyang tumalikod upang buksan ang pinto sa gilid niya. "May gusto ka bang pasalubong?" Bulgar na nalaglag ang panga ko sa sahig, hindi pa makapaniwalang napatitig ako sa mukha ni Andrew habang pilit kong hinahanap ang pagbibiro sa dalawang mata nito. Minsan talaga ay sala sa malamig at sa init ang mood niya. "Napkin?" segunda nito, rason para maglaho rin ang mga maliliit na paru-paro sa tiyan ko. Muli ko siyang inirapan. "Diyan ka na nga!" Hinawi ko ang buhok ko, kapagkuwan ay wala nang lingun-lingon na tinalikuran ko ito. Lakad-takbo pa ang ginawa ko para lang mapadali ang paglayo ko sa kaniya dahil ayokong lingunin pa siya. Tumigil lang din ako nang sa tingin ko ay malayo na ang narating ko, nang hindi rin makatiis ay isang beses kong nilingon ang pwesto nila ngunit hindi na iyon umabot pa sa paningin ko kung kaya ay kibit na lamang din ang balikat ko. Nang makapasok sa bahay ay padarag akong napaupo sa may sala at maagap na sinapo ang dibdib ko kung saan damang-dama ko ang malakas na pagtibok ng puso ko, marahil sa kaninang pagtakbo ko. Ngunit alam ko na sa loob-loob ko ay naroon pa rin ang mumunting kakiligan ko na ayokong i-tolerate dahil na rin sa reyalisasyong hindi na pwede. Andrew and Jinky are now happy together and I respect that. Para malibang ay kinuha ko na lamang ang cellphone ko at saka iyon binuksan. Nagulat pa ako nang maging sunud-sunod ang pagtunog at pag-vibrate nito para sa pagdagsa nang maraming text messages. Nakita ko pang karamihan doon ay kay Jinky, mayroon ding ilan kay Chloe at Sir Melvin. Amba pang bubuksan ko ang mga text ni Jinky nang halos mapasigaw ako nang mag-ring ulit iyon para sa isang tawag. Kaagad na rumehistro ang pangalan ni Jinky, nagulat man din ay maagap ko iyong sinagot at itinapat sa tainga ko. Siya namang pagmumura nito sa kabilang linya habang dinig na dinig ko ang frustration sa boses niya. "After how many years! Jesus, Elsa! Bakit ngayon mo lang sinagot? At mabuti naman ay hindi ka na out of coverage? Hindi mo ba alam kung gaano ako nag-aalala, lalo pa at hindi ka pumapasok sa trabaho? Kulang na lang ay mag-report na ako sa mga pulis at sabihing missing ka na sa higit limang araw? Ay, mahabaging Diyos talaga!" walang katapusang palatak nito kung kaya ay napangiti ako. "Sorry na, sis. Nagpahinga lang talaga ako," tumatawa kong banggit. "Nagpahinga? Samantalang kababalik lang natin sa trabaho. Teka, may problema ka ba? Kung mayroon ay sana sinabi mo kaagad sa akin, matutulungan naman kita. Lumubog ka ba sa utang? Magkano? Pwede kitang pahiramin—" "Jinky..." pagtawag ko rito upang patigilin siya. "Kalma ka lang at ayos lang ako... oo, nagkaroon nga ako ng problema, pero hindi naman iyon ganoon kalala. Kaya okay lang ako, relax ka lang at baka mapaano ka riyan." "So, ano ngang problema mo?" "Wala, naayos ko naman na. No need to worry na, sis Jinky." Malamang na kung magkaharap kaming dalawa ay kanina pa ako nito binatukan, o 'di kaya ay sinabutan. Nakikinita ko rin sa utak ko ang itsura niya ngayon na umuusok ang ilong at ang dalawa nitong tainga sa inis. "Alam mo, ikaw, kaunti na lang talaga ay sasabihin ko nang pinaplastik mo lang ako. You know everything about me, Elsa, even my darkest secret, pero pagdating sa 'yo ay kakaunti lang ang alam ko. Ni hindi ko alam kung saan ka nakatira, hindi ko alam kung sino ang mga magulang mo..." "Wala na akong magulang, Jinky. Akala ko ay nabanggit ko na sa 'yo iyon." "I'm sorry," buntong hininga nito. "Pero ang unfair mo pa rin, para kang may tinatago sa akin. Tell me, mayroon ba talaga, Elsa?" Sandali akong hindi nakaimik, maging si Jinky na para bang hinihintay ang sagot ko. Iniisip ko pa kung tama bang sabihin ko sa kaniya ang nangyari, may parte kasi na naaawa ako kay Jinky dahil masyado akong masikreto. Lahat patungkol sa buhay ko ay wala siyang idea. Wala sa huwisyo nang mapahinga ako nang malalim, kapagkuwan ay nakagat ang dila upang pigilan ang sarili sa kagustuhan kong magkwento sa kaniya. "Mayroon..." kalaunan ay sagot ko at saka pa muling bumuntong hininga. "Pero hindi ko sasabihin ngayon na sa cellphone lang tayo nag-uusap. Saka na kapag nagkita na tayo." "Nasaan ka? Pwede kitang puntahan, o magkita na lang tayo," dali-dali niyang wika ngunit umiling lamang ako na para bang tunay na nasa harapan ko si Jinky. "Hindi, pahinga natin ngayon 'di ba? Alam ko na pagod ka dahil napunta sa 'yo ang trabaho ko, kaya siguro ay sa monday na lang." "Gusto mo ay bukas? Night out tayo, sagot ko na," pagpupumilit nito, gusto ko pa sanang tumanggi ngunit dahil sa seryosong boses niya ay wala sa sariling napatango ako. "Sige, bukas na lang." "Mabuti naman at akala ko ay tatanggihan mo pa ako. Magtatampo na talaga ako sa 'yo," angil nito, ilang sandali rin nang matawa ako. "Sorry, sis. Pero na-miss kita," maagap kong sambit bilang bawi sa pag-aalala niya. "Dapat lang naman, kasi na-miss din kita. Kaya dapat ay matuloy tayo bukas, kung 'di ay mag-friendship over na tayo," tumatawang saad nito dahilan para umalingawngaw ang malakas kong pagtawa sa kabuuan ng bahay. Ilang oras kaming nag-usap ni Jinky sa cellphone. Doon na nito ipinagpatuloy ang tsismis na noon lang ay gustung-gusto niyang sabihin sa akin. Umabot ang pagiging Marites namin hanggang hapon. Kahit kanina na nagluluto at kumakain ako ay walang tigil ang bunganga namin na nakalimutan ko na ring maglaba. Ngayon nga ay nakahiga naman ako sa sahig kung saan may nakalatag lang na manipis na kumot. Panay pa ang pagkulot ko sa dulo ng buhok ko, samantalang ang dalawang paa ko ay nakatungtong sa upuan na nasa paanan ko. Iginagalaw ko pa iyon habang nakatingala ako sa bubungan ng bahay. "Maiba naman tayo, kumusta na kayo ni Andrew?" Out of curiousity at sa kadahilanang hindi ko pa sila nakakasama nitong nagdaang araw ay naitanong ko iyon. Saglit na natahimik si Jinky sa kabilang linya, 'di rin nagtagal nang mahina siyang bumuntong hininga. Hindi ko gusto na mangialam, pero syempre bilang ganap na Marites at kaibigan niya— makikibalita lang ako. "Hmm, ayos lang naman kami, sis." "Bakit parang labas naman sa ilong ang sagot mo? LQ ba kayo?" kunot ang noong palatak ko. "Hindi, no! Never pa naman kaming nag-away simula nang maging kami." "Mabuti kung ganoon, pero bakit nga parang problemado ka riyan? Ang lalim pa ng buntong hininga mo," sagot ko, kitam at bumalik din sa kaniya ang pangungulit nito kanina sa akin. Mayamaya lang nang tumikhim ito. "Oo nga pala, sis, maglalaba pa pala ako. Babush na muna, okay? Maya ulit, mwah!" "Hoy! Sandali lang! Hindi mo ba alam na ipinagpaliban ko ang paglalaba ko para sa 'yo at ngayon ay ganito ang igaganti mo—" Napahinto ako nang walang sabi-sabing binabaan ako nito ng linya. Literal na nagsalubong ang dalawang kilay ko nang matingnan ko ang cellphone at nakitang pinatayan talaga ako ng bruha. Imbes na tawagan at kulitin pa si Jinky ay ibinaba ko na lang ang cellphone ko sa sahig at mas piniling pumikit. Kung ano man din ang problema nila ni Andrew ay sa kanila na lang iyon, total ay malalaki na sila. Sa ganoong ayos ay hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Naging mabilis lang din ang paglipas ng oras na halos mapamulagat pa ako nang may kumatok sa labas ng pinto, rason para maagap akong tumayo sa pagkakahiga ko. Pupungas-pungas ako nang lumapit ako roon at madaling binuksan ang pinto. Hindi na rin ako nagtaka nang makitang si Anna iyon ngunit nagulat ako nang pati si Andrew ay bumungad sa paningin ko. Nauna nang pumasok si Anna sa loob. Samantala ay bulgar na lumuwa ang dalawang mata ko habang maiging pinagmamasdan si Andrew. Alam kong huli man din ay nagawa ko itong hatakin at baka maabutan siya ng tatlong Powerpuff Girls sa labas. Maging siya ay napatigalgal sa ginawa ko, lalo pa nang isarado ko ang pinto. Naku, malamang na ako na naman ang laman ng tsismis dito sa barangay namin. Inis na binalingan ko si Andrew na hanggang ngayon ay gulat na gulat pa rin ang reaksyon. Katulad kanina ay natanaw ko ang dahan-dahan niyang pagpasada ng tingin sa kabuuan ko, kaya ay muli ko na namang nayakap ang sariling katawan. Kasunod nang paghablot ko ng tuwalya na nakasampay sa likod ng pinto at ginawang pansalag sa dibdib ko. "Hindi ka naligo, 'no?" pang-uudyo nito dahilan para tuluyang magising ang diwa ko. "Kung nandito ka lang din para mang-asar ay mabuti pang lumabas ka na bago ko pa man mahanap iyong pamalo ko," angil ko rito at saka siya nilampasan. Dumeretso ako sa kusina upang makapagsaing na rin dahil huli ko nang na-realize na alas singko na pala ng hapon. Sumunod naman si Andrew sa akin at nakita ko ang paglapag ng isang plastic bag sa lamesa. "Ulam," aniya nang makita ang nagtatanong kong mga mata. "Sinabi ni Anna na hindi pa kayo nakakapag-ulam ng ganito, pero alam ko na paborito mo ito." Hindi ko pa man nakikita ang laman ng plastic ay nalaman ko kaagad na kare-kare iyon. Honestly, kaya ko namang lutuin iyon ngunit ayokong gawin. Naging paborito ko lang din naman iyon dahil iyon palagi ang niluluto ni Andrew noong nasa Cordova kami. Napakurap-kurap pa ako nang mapanood ang paghila nito ng isang upuan at saka siya marahang naupo roon. Muli ay nag-angat ito ng tingin sa akin kung kaya ay mabilis pa sa alas kwatro nang mag-iwas ako ng tingin. Umiling-iling ako sa kawalan upang iwaglit ang namumuong saya sa puso ko sa katotohanang alam pa rin nito ang paborito ko. Kung tutuusin ay maliit lang na bagay iyon, pero iba pa rin ang epekto sa akin. Nang hindi makatiis ay nilingon ko ulit ito sa pagitan ng leeg at balikat ko. Naalala ko pa iyong huling usapan namin ni Jinky kung kaya ay nagkaroon ako ng pagkakataon na itanong na lang kay Andrew, since nandito na rin naman siya at para may mapag-usapan naman kami habang wala pa si Anna na malamang ay nagbibihis pa. "Siya nga pala, kumusta na kayo ni Jinky?" That's right— itaas ang bandera ng mga Marites. "Wala na kami, Elsa."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD