Lovely's POV
Hanggang ngayon ay hindi parin pumapasok sa isip ko na may kukupkop pa pala sakin, kahit nasa edad na kinse anyos na ako. Sa murang edad naranasan ko ng makaramdam ng sakit mula sa mga mahal ko sa buhay. Dahil sakanila kaya nandito ako sa bahay ampunan, pinadala nila ako dito.
Ni hindi ko maenjoy ang pagiging bata ko noon dahil hindi ako nakikipaglaro sa mga bata dahil mailap ako sa mga tao na nakapaligid sakin.
Eto ako nakatingin sa mga batang naglalaro sa play ground ng bahay ampunan. Nabalik lang ang sarili ko ng may narinig akong kumakatok sa pinto ng kwarto ko.
"Lovely labas na hija, nandito na yung mga susundo sayo." Sabi nung tagapagalaga samin, eto ang bumungad sakin ng buksan ko ang pintuan.
"Sandali lang po. Lalabas rin po ako. Kukunin ko lang po yung bag ko." Wika ko.
"Okay sige. Hintayin ka namin sa ibaba lovely." Paalam nito.
Tumalikod na ako dahil nangingilid na ang mga luha ko. Tinitigan ko muna yung buong kwarto ko at kinuha ang bag ko. Mamimiss ko itong kwarto ko dahil mukhang hindi na ako makakabalik pa rito.
Inayos ko muna ang aking sarili bago bumaba. Pagkababa ko nakita ko kaagad ang mag-asawa na kukupkop daw sakin. Napadako naman ang tingin nila sakin.
Parehas sila na may ngiti sa mga labi pagkalapit ko sakanila. Siguro ito na yung pamilya na aalagaan ako, hindi tulad ng mga magulang ko na pinadala ako dito noon.
Bigla naman akong niyakap nung ginang, nagalangan pa ako pero niyakap ko rin siya pabalik.
"Hi lovely, I'm lady. From now on you can call me mommy okay, and this is my husband william leo. You can call him daddy from now on. Kami na ang bagong magulang mo ngayon. Mayroon karin kuya pero nagpaiwan siya sa bahay. Makikita mo rin ang magiging kuya mo." Nakangiting paliwanag ng ginang na itatawag ko daw na mommy.
"Okay po." Nagaalangan na sagot ko.
"Let's go princess." Nakangiting sabi nung lalake na itatawag ko raw na daddy.
Tinanggap ko naman yung kamay niya at sumama na sakanila.