Nandito na kami ngayon sa bagong titirahan ko, kasama ang bagong magulang ko. Napakalaki ng bahay. Siguro tatlong bahay na ipinagdikit.
Hindi lang siguro ako sanay, pero kakayanin ko na mabuting anak para lang sa mga bagong magulang ko. Masasanay rin ako.
"Lovely anak, tara pasok na tayo sa loob. Naghihintay na satin yung kuya mo. Ipapakilala na kita sakanya at kakain na tayo dahil gabi na nang makarating tayo dito. At alam ko na gutom kana anak." Paliwanag na sabi ni mommy lady.
"Sige po." Sagot ko.
Pagkapasok palang namin sa loob ng bahay ay sobrang laki at napakaganda ng bahay na ito. Alam ko na lahat ng gamit rito ay mamahalin base narin sa itsura.
"Manang, nandito na po ba si william theo?" Tanong ni mommy lady sa ginang na may kaedaran na.
"Oo hija, sandali lang tatawagin ko lang." Umakyat na ito.
Pinaupo ako ni mommy lady sa kanang bahagi ni daddy leo. Maya-maya may narinig ako na yabag papunta rito sa pwesto namin. Kaagad naman akong napatingin sa gawi na iyon.
May lumapit kay mommy lady na matangkad na lalake, gwapo at napakatangkad kaso nga lang nakakatakot ang aura niya. Napakaseryoso niya kung tumingin.
Napakado naman ang tingin niya sa pwesto ko hanggang sa magtama ang aming pangin kaya yumuko ako.
Alam ko na hindi niya parin tinatanggal ang tingin niya sakin, na mukhang kinikilala niya ako base sa tingin na ibinibigay niya sakin.
"Who's this mom? Dad?" Tanong ng binata. Sa boses palang alam mo ng walang kabuhay-buhay.
"She's Lovely Kwon. She will be your sister. Lovely anak, siya si William Theo pero itawag mo siyang kuya theo dahil siya ang magiging kuya mo." Nakangiting paliwanag ni mommy lady.
"S–sige po m–mom." Nauutal na sagot ko.
"N–nice to meet you, K–kuya Theo." Kinakabahan na bati ko.
Lumapit naman ito sa pwesto ko at niyakap ako. "Welcome to this fvcking family lovely." May diin na sabi niya at hinalikan ako sa pisngi.
Kumalas na siya sa pagkakayakap sakin at tinitigan ako ng masama na para bang may ipinahihiwatig ang mga tingin niya.
"Nice to meet you too lovely, I'm kuya theo." May diin parin na bati niya at ngumiti. Mukha naman peke yung ngiti niya.
Habang kumakain kami nakikinig lang ako sakanila. Hanggang sa nanghingi ako ng pakiusap.
"D–daddy, mommy pwede po ba akong makiusap?" Nagaalangan na tanong ko habang kasalukuyan kaming kumakain.
"Yeah sure, what is it?" Tanong ni daddy leo.
"P–pwede po ba na huwag niyo pong palitan yung last name ko?" Nagaalangan na tanong ko.
Nagkatinginan sina mommy lady, habang si kuya theo naman ee parang wala lang sakanya dahil kumakain lang ito.
"Bakit naman anak?" Tanong naman ni mommy lady.
"Wala lang po, yun lang po kasi ang meron ako matapos po akong iwanan ng magulang ko sa ampunan." Nakayuko na sagot ko.
"Okay I understand princess." Masuyong sabi ni daddy leo.
"Thankyou po daddy. Mommy." Sinseer na sagot ko habang nakangiti.
Hindi naman pala sila mahirap pakisamahan maliban na nga lang sa magiging kuya ko ngayon.