KINABUKASAN pag kagising ko naligo na ako at nagbihis ng ng yello shirt at black short at black dollshoes. Nakita ko ito pagkabukas ko ng closet sa bago kong kwarto.
Pagkalabas ko ng kwarto, sakto naman bumukas ang pintuan ng kwarto ni kuya theo. Tinitigan niya ako mula hulo hanggang paa at bigla naman naglukot ang noo niya.
"Where are you going?" Tanong niya.
"W–wala naman kuya, sige una na ako." Naiilang na sagot ko.
Naramdaman ko naman na sumunod sakin si kuya theo pababa kaya hinayaan ko nalang. Nakita ko naman si mommy lady sa sala kaya tumabi ako sakanya. Si kuya theo naman umupo sa harapan ko na nakakunot noo parin.
"Hmmm. Mommy p–pwede po bang makahingi ng pera?" Nagaalangan na tanong ko.
"Yeah sure." Bigla naman siyang kumuha sa wallet niya. Kumuha siya ng 2000 sa wallet niya at ibinigay sakin iyon.
"Hm, mommy sobra po. Eto po yung sobra." Pagsosoli ko sa isang libong piso. Napatawa naman si mommy pero tinanggap naman niya iyon.
"By the way lovely hija, this is your new phone para kung sakaling may emergency tumawag ka lang. Nandyan narin ang mga numero namin pati sa bahay meron." Paliwanag niya at may kinuha na cellphone sa tabi niya.
"Salamat po mommy. Aalis po muna ako." Pagpapaalam ko.
"One more question. Where are you going?" Tanong ni kuya theo.
"A–ano kuya. May bibilhin lang ako." Nakayukong sagot ko.
"Na ikaw lang mag-isa?"
"Opo kuya." Naiilang na sagot ko habang nakayuko parin.
"Hindi pwede! Maliligaw ka lang!" Paggigiit ni kuya.
"M–mommy." Panghihingi ko ng tulong.
"Ano ka ba naman theo, kayaan mo na yung kapatid mo na gumala para naman mapasyal niya itong lugar natin. Atsaka pag lumabas siya madadaanan niya rin yung bagong school na papasukan niya." Paliwanag ni mommy lady.
"Mom, paano pag naligaw siya?"
"Wala ka dapat ipagalala pwede naman niya tayong tawagan." Nakangiting sagot ni mommy.
Wala naman nagawa si kuya theo kundi ang sumangayon sa gusto ni mommy lady kaya naman napangiti ako.
"Sige po mommy, thankyou po. Alis na po ako." Pagpapaalam ko bago tumayo at humalik sa pisngi ni mommy.
"Ingat ka hija." Paalala ni mommy kaya tumango ako bilang sagot.
Alam ko na nakatingin lang si kuya theo, kaya hindi ko na pinansin at lumabas ng bahay.