Habang naglalakad ako may nakita akong 7eleven kaya pumunta ako doon. Alam ko na maraming candy na pwedeng bilhin kaya kumuha na ako at bumili narin ako ng junk foods, pumunta na ako sa counter para bayaran.
Matapos kong bayaran lumabas na ako. Dumeretso na ako papuntang village kung nasaan na ako nakatira ngayon. Eto lang naman yung binili ko kaya okay na to.
Habang naglalakad ako papasok ng village hindi ko maiwasan na makaramdam ng hilo. Kaya umupo muna ako para sana magpahinga kaso ng hawakan ko ang bandang ibaba ng ilong ko may nakita akong likido na tumulo mula sa ilong ko. Dugo ang nahawakan ko.
Pero hindi ko na pinansin ang dugo na tumulo sa ilong ko at pununasan ko sa damit ko dahil wala naman akong dalang damit.
Pagkarating ko sa bahay pumasok kaagad ako sa loob at nadatnan ko si kuya na nanonood ng tv sa sala. Hindi ko na siya pinansin dahil baka sermonan niya pa ako. Alam ko na tumingin ito sa gawi ko pero hindi ko na pinansin at patungo na sana ako sa hagdan, ngunit hindi ko na namalayan na natumba ako. Nilapitan naman ako ni kuya.
"Hey, are you okay?" Nagaalalang tanong niya.
"O-opo kuya." Nanghihina na sagot ko.
"Are you sure? We are going to the hospital okay." Nagaalala na sabi niya.
"W-wag kuya. Natatakot ako doon." Yun na ang huling sagot ko bago ako mawalan ng malay.
William Theo's POV
Habang nanonood ako, may narinig ako sa yabag na papunta rito kaya napatingin ako, nakita ko si lovely na may dugo sa damit niya kaya kumunot noo ko siya tinignan pero damn! Hindi niya man lang ako pinansin o binati man lang.
Naglakad na ito sa hagdan pero hindi pa siya nakakarating ng hagdan ng bigla siyang natumba.
Dali-dali ko naman siyang nilapitan at may nakita akong dugo magmula sa ilong niya.
"Hey, are you okay?" Nagaalalang tanong ko.
"O-opo kuya." Sagot niya
"Are you sure? We are going to the hospital okay."
"W-wag kuya. Natatakot ako doon." Yun na huling sagot niya bago nawalan ng malay. Kaya binuhat ko ito at tinawag si manang para tawagan ang family doctor namin.
Umakyat na ako habang buhat siya at pumasok sa kwarto niya.
Dahan-dahan ko itong hiniga sa kama niya at tinitigan siya ng maigi.
Ilan minuto lang ay dumating na ang doctor na titingin kay lovely. Hindi ko maiwasan magalala. Dahil sa nangyari sakanya.
Pagkatapos suriin si lovely at bigla naman pumasok si mommy na mukhang nagalala rin.
"Theo what happen to your sister?" Nagalala na tanong niya.
"I don't know mom, she passout. Then her nose is bleeding." Paliwanag ko.
Lumapit naman samin ang doctor. "How's my daughter doc?"
"Maayos na ang kalagayan niya. Pero ipaiwas niyo sakanya ang pagbabad o pagtagal niya sa araw dahil magdurugo ang ilong niya, base sa nakikita ko ay parang hindi ito lumalabas." Paliwanag ng doctor.
"Nakwento samin ng babaeng nagalaga kay lovely, nagkululong daw ito sa kwarto at hindi nakikipaglaro sa mga bata." Paliwanag rin ni mommy.
"Iyon pala ang dahilan, huwag niyo lang hahayaan na magtagal siya na naarawan. Maiwan ko na kayo." Tumango naman ako bilang sagot at lumabas na ito.
Nilapitan ko naman si lovely at tumabi sakanya.
"Theo, pakibantay na muna ang kapatid ko ipapaalam ko lang ito sa daddy mo."
"Yeah sure mom." Sagot ko.
Lumabas na ito ng kwarto, habang ako nakatingin lang sakanya. Siguro kailangan ko pa ang paghigpit sa pagbabantay sakanya baka mapano nanaman.
Nilapitan ko ito at hinalikan sa noo bago umayos ng higa saka pumikit, niyakap ko siya sa bewang kahit wala pa itong malay. Get well soon love.