Chapter 1 - Armano

1239 Words
Are you sure about this woman, Bruno?" tanong ni Armano Rossini habang nakatitig sa larawan ng maganda at inosenteng mukha ng babae. Ang kausap niya ay ang pinsan na si Rafaello Rossini na isang secret agent ng Papa niya. "Sigurado ako, Armano. Siya ang tinatawag noon ni Valentino na Lady Annchen, his precious daughter. Her full name is Caitlin Anne Valentino. Sa ngayon ay itinatago siya sa isang isla ng Palawan kung saan siya namumuhay nang tahimik kasama ang isang tiyahin na kapatid ng Mama nito. And guess what is another good news?" "What is it?" Hindi pa rin niya inaalis ang tingin sa magandang mukha ng babae sa larawan. "Ipinagbibili ng mga Ginabacan ang malaki nilang lupain dahil maninirahan na sila sa Amerika. Karugtong iyon ng lupain ng mga Valentino. It is a twenty-hectare mahogany farm. Tamang-tama sa binabalak mong pag-kidnap sa anak ni Valentino. There is an old mansion located at the heart of Ginabacan Farm. Sino ang mag-iisip na sa kabilang hacienda mo lang itatago ang anak niya?" "Kung gayun ay ihanda mo kagaad ang private jet at ang mga tauhan. Sa susunod na linggo ay uuwi ako sa Pilipinas." Tumayo siya matapos isiksik sa drawer ang larawan ng babae. Ngayon pa lang ay nagsisimula nang magplano ang isip niya sa gagawing paghihiganti sa mga Valentino. Hindi siya papayag na matakasan lang ng mga ito ang pagkawala ni Joveina at ang magiging anak nila. Siya si Armano Rossini, twenty-eight years old. Isa ang mga Rossini sa mayamang angkan dito sa Lucca, Italia. Maliit na siyudad ito na hindi puntahan ng mga turista. At sa siyudad na ito naghahari ang dalawang malaking grupo na nagmamay-ari ng iba't ibang pasugalan sa buong siyudad at iba pang lugar sa mundo tulad ng Mexico, Macau, Colombia, at Pilipinas - ang mga Rossini at Valentino. Ayon sa kwento ng Papa niyang si Garson, ang alitan sa pagitan ng Valentino at Rossini ay nagsimula pa sa kanilang mga ninuno. Noong una'y ang Valentino ay nangunguna lang sa drug trafficking at human trafficking. Bagay na hindi naging interesado ang mga Rossini. Sila ay namamahala lang sa pag-smuggle ng mga armas, mga pasugalan at night clubs. Hanggang inagaw na ng mga Valentino ang pamamahala sa mga pasugalan sa siyudad ng Italia. Nagalit ang mga Rossini na siyang naapektuhan sa mga pang-aagaw ng teritoryo ng mga Valentino. The war between the two families passed on from generation to generation. Nasa ika-apat na henerasyon na ang Papa niya sa alitan ng dalawang angkan. Marami na ang namatay na myembro ng pamilya at mga tauhan dahil sa banggaan ng mga grupo. Lumalim na nang lumalim ang sugat sa puso ng bawat isa. At ngayon ay siya naman ang nagbabalak na maghiganti sa mga Valentino. Gagamitin niya ang nag-iisang babaeng anak ni Fernando na inilayo sa Italia para hindi madamay sa gulo. Tumanaw siya sa malawak na lupain nila sa Lucca, Italia. Tatlong taon na ang nakararaan pero masakit pa rin na hindi lang isa ang mahal niya sa buhay ang nawala. Buntis na ang asawa niyang si Joviena nang ma-ambush ito sa isang tunnel habang papunta ito sa Venice, Italy. Parang kahapon lang tuwing babalikan niya sa alaala ang babaeng minahal. "Why do you need to go there alone? Can't you wait for another two days? I'll be free on Friday, darling." Noong isang linggo pa siyang nakikiusap sa kasintahan na hintayin na lang siya nito. But Joviena was insisting on going alone. May bibisitahin daw itong kaibigan sa Venice, Italy. "Marjie will be out of town on Friday. I need to see her before she leaves Venice, darling. And I will only be away for a few days. There's nothing to worry about." "I can't help it. Papa's bodyguard died in a car accident last week. We are suspecting Valentino's men had something to do with it. I can't afford to loose you, darling..." He wrapped his arms around his wife. "You are overreacting. I have full of bodyguards wherever I go, how could they possibly harm me? Don't worry too much, Armano. I'll be back in time for our second monthsary." "Okay, fine... But promise me you won't extend your stay there anymore. My bed isn't happy without you..." "Huh! And I won't allow any woman would fill your bed. I am a jealous lover, Armano." Bago pa matapos ni Joviena ang sasabihin ay binuhat niya na ito at dinala sa kama. Wala naman itong pagtutol hanggang matapos ang pangangailangan nila sa isa't isa. Mabilisang kasal ang nangyari sa kanila ni Joviena dalawang buwan na ang nakalilipas. Nakilala niya ang asawa sa Rome, Italy, habang may business conference siyang dinaluhan doon. Bukod sa mga casino ay may hotel at restaurants silang pamilya sa iba't ibang siyudad ng Italya. Kung ikukumpara naman ang negosyo ng pamilya nila ay mas maituturing masamang tao ang mga Valentino. Nagkabanggaan sila ni Joviena sa isang coffee shop. Nagpalitan sila ng calling cards hanggang namalayan niyang nagkakagusto na siya sa dalaga sa bawat pagkikita nila. Isa itong Amerikana na nagtatrabaho sa isang Marketing Firm sa Roma. One thing led to another. Bukod sa liberated ito, isa sa nagustuhan niya kay Joviena ay ang pagtanggap nito sa pagkatao niya. That his family is considered dangerous and extra ordinary. Apat na buwan mula nang maging opisyal silang magka-date ay nalaman niyang nagpakilala si Orlando Valentino dito. Hanggang naging mahigpit niya itong karibal sa puso ni Joviena. Nadagdagan ang kompetisyon nila sa mga Valentino. Bago pa tuluyang maagaw sa kanya ni Orlando ang babaeng gusto niyang mapangasawa, niyaya niyang magpakasal si Joviena. Sa isang private island sa Italya ginanap ang pag-iisang dibdib nila. Pero ang pagpunta ni Joviena sa Venice ang tumapos sa masayang pagsasama nila ng asawa niya. Na-ambush ito at pati ang dalawang bodyguards na kasama ay binawian din ng buhay. Dalawa naman sa bodyguards ang nakaligtas. At ayon sa mga ito ay si Orlando ang huling kausap ng asawa niya at narinig na may pinagtatalunan ang dalawa. At ang higit na masakit sa kanya ay buntis si Joviena na nalaman niya na lang pagdating niya sa ospital. Tatlong taon na ang nakararaan. Hanggang ngayon ay hindi pa niya maisip kung sa paanong paraan siya maghihiganti kay Orlando Valentino. Hindi na sapat ang walang katapusang engkwentro dahil mga tauhan lang nila ang nauubos. Hindi humaharap ang mga Valentino sa laban. Ang kailangan niya'y maiparamdam kung gaano kasakit ang mawalan ng taong minamahal. Si Lady Annchen ang sagot sa paghihiganti niya. Minsan niya nang nakita ang batang iyon sa isang larawan sa peryodiko noong namatay ang Lolo nito at inilibing. The young Valentino was ten or eleven years old at that time. Dalawang lalaki at isang babae lang naman ang anak ni Fernando; si Orlando at Ricardo, at ang nag-iisang babae na 'yun ay si Caitlin Anne. Kung bakit ito inuwi sa Pilipinas ay hindi rin niya alam. Pero makakabuti iyon sa plano niyang paghihiganti. Kapag nalaman ng mga Valentino na pinakialaman niya ang nag-iisang prinsesa ng mga ito ay magsisimula ulit ang panibagong digmaan. Bago matapos ang linggo ay nakahanda na ang pag-uwi niya sa Pilipinas. Hindi niya gustong sabihin ang plano niya sa Mama't Papa niya dahil tiyak na hindi papayag ang mga ito. The last thing they would want is to add one Valentino to their family. Pero ang kailangan niya lang kay Caitlin Anne ay tagapagmana. At paiibigin niya ito hanggang lumuhod ang mga Valentino sa mga paa niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD