Chapter 2 - Annchen

1863 Words
One year earlier... "Annchen, come over!" Kaagad napalingon ang dalaga sa tumawag habang namimitas siya ng mga bulaklak. Ilalagay niya ang mga 'yun sa plorera sa ibabaw ng study table niya. She loves flowers. And these flowers came from her mother's beautiful garden. Matalim na naman ang tingin sa kanya ng ina kaya't binilisan niya ang lakad. Nang makitang nasa likod nito ang Papa niya ay napanatag din siya kaagad. "What's wrong, Mama?" Mula sa patio ay nakapamaywang si Rosalia. "C'è del cibo in tavola," sagot nito na ibig sabihin ay may pagkain na sa mesa. "Sto arrivando. Metterò questi fiori nella mia stanza." (I am coming. I'll just put these flowers in my room.) "You picked flowers again, you're ruining our garden!" Pumasok na sa malaking bahay ang Mama niya. Ngumiti ang Papa niya na kaagad niya ring sinalubong ng matamis na ngiti. Nang makalapit ay yumakap siya sa ama. "Do you need more flowers, Mi Amore?" malambing nitong wika. "These are enough. Did you see Mama's eyes glowered?" "Oh, don't mind her. She was jealous you are as lovely as the roses and all the flowers in the garden." Ganoon naman ang Mama niya noon pa man, hindi ito naging malambing sa kanya kahit minsan. Mas masungit pa nga ito kapag wala ang Papa niya. Pero sanay na siya dahil nakalakihan niya nang ganoon. "Are you having breakfast too?" "I just had my coffee. Go to your room for a while but make it fast as the nanny is waiting at the dining table. C'mon!" Patakbo naman siyang pumasok sa malaking bahay. Limang kwarto ang dinaanan niya kasama ang library bago ang silid niya sa ikalawang palapag. Mula naman sa balkonahe niya ay tanaw niya ang buong Lucca, Italy. Inilagay niya sa plorera ang mga bulaklak. Araw-araw ay ginagawa niya ang ganito kahit pa madalas siyang kagalitan ng Mama niya. Pagkatapos titigan ang mga larawan ay tumanghod naman siya sa bakal na balustre para namnamin ang magandang sikat ng araw sa umagang iyon. Wala pa siyang ganang kumain. Wala naman siyang kasabay sa hapagkainan kung hindi si Ayah. Si Ayah ang nag-alaga sa kanya mula noong ipinanganak siya. Aurora Melendrez ang totoo nitong pangalan, pero Ayah ang tawag ng Papa niya sa mga nurse o tagapag-alaga. Isa itong Pilipina. Kaya marunong siya sa wikang Tagalog dahil lahat ng katulong nila ay mga Pilipina. Nasa first-year college pa lang siya ngayon taking up Business Management. Iyon ang kursong gusto ng Papa niya. Magagamit daw niya ang kursong iyon kapag namahala na siya sa isa sa mga negosyo ng pamilya nila. Noong una'y tumanggi siya. Wala naman siyang planong mamahala ng clubs o casino na siyang pag-aari ng pamilya nila. Hindi niya gustong masangkot pa sa magulong mundo ng sindikato katulad ng Papa niya. Pero hindi naman siya makatanggi sa ama. Kung ang Mama niya ay walang pakialam kahit ano pa ang gawin niya sa buhay niya, ang Papa niya'y gustong manipulahin lahat ng kilos niya. Ferdinand Valentino was a manipulative man. Hindi na nakapagtataka na ang dalawa niyang kapatid na lalaki na si Orlando at Ricardo ay lumaki ring dominante at mainitin ang ulo. Ang mga ito ngayon ang namamahala na sa ibang negosyo ng pamilya sa patnubay ng Papa nila. "Annchen? Annchen?" Hindi siya lumingon sa pinanggalingan ng tinig. Papalapit naman na sa kanya si Ayah. "I've been waiting for you at the dining table. I'm starving." "I know you are not. You're just telling me that so I would go down and eat." "Non hai ancora fame?" (Are you not hungry yet?) "No. I want to shop. Where's Ermis?" Ang tinutukoy niya'y ang bodyguard na kailangang kasama niya kahit saan siya magpunta. Kasama naman ni Ermis ang dalawa pang miyembro ng security personnel ng Papa niya kapag binabantayan siya sa labas ng bahay. "You have to eat first. Your Papa will get mad if I allowed you to go out without having your breakfast." Kinuha nito ang kamay niya para igiya palabas sa silid niya. Alam niyang panakot lang ni Ayah ang Papa niya para kumain siya. "And then we will go out?" "I have to ask your Papa first. What will you buy anyway?" "I saw a good book at the bookshop online. I want to see it and feel it in my hands." "Okay okay, we will ask your Papa." Tumuloy sila sa dining room kung saan nakahanda ang panlabindalawahang mesa na puno ng nakahaing pagkain. Umupo siya sa gitnang silya saka kumuha ng tinapay at kaunting bolognese spaghetti. Ang nasa isip niya ngayon ay ang librong gustong bilhin. Pangarap niya ring maging isang manunulat balang araw. Pero sa ngayon ay kuntento na muna siya sa pagbabasa ng mga akda ng paborito niyang mga manunulat. Habang kumakain ay nakabantay sa kanya ang dalawa pang katulong kung sakaling may kailanganin siyang iba. Si Ayah naman ang sumabay sa kanya sa hapagkainan dahil ayaw niyang kumain mag-isa. Pagkatapos ng agahan ay agad niyang hinanap ang kinaroroonan ng Papa niya. Inikot niya ang bahay dahil wala ito sa opisina nito at wala din sa silid. Tiyak na nasa kabilang hardin ito kung saan naroon ang mga kapatid niya at mga tauhan. "Quante donne sono arrivate ieri dalle Philippines, Orlando?" (How many women arrived yesterday from Philippines, Orlando?) Nasa gitna ng meeting ang mga ito at nakapaliboyt ang mga tauhan sa hindi kalayuan. Lagi na lang tila may giyerang susugod sa bahay nila na ikinaiinis niya. Hinarang siya ng dalawang security personnel dahil bawal pa siyang makinig sa meeting ng mga ito. Pero mula sa kinaroroonan niya'y naririnig niya ang pinag-uusapan. "Solo cinque, papà. Altre cinque donne sono state trattenute dall'Ufficio delle dogane con l'accusa di traffico di esseri umani." (Only five, Papa. Another five women was held by the Bureau of Customs in suspiscion of human trafficking.) Iniabot ng Kuya niya ang files ng mga babaeng na-recruit. "Hai dato a queste donne un invito al lavoro e falsi datori di lavoro? La prossima settimana dobbiamo presentare ai nostri clienti delle giovani belle donne. Fai qualcosa affinché queste altre cinque ragazze vengano in Italia!" (Did you give this women job invitation and fake employers? We need to present young beautiful women next week for our customers. Do something about these five other girls to come to Italy!) "I'm doing my best, Papa." Lumapit ang isang tauhan sa Papa niya saka bumulong. Napalingon si Fernando sa kinaroroonan niya. Pati na rin ang kapatid niyang si Orlando na mula nang tumuntomg siya ng dise ocho ay kakaiba na ang ikinikilos sa harap niya. "What are you doing here? You know you are not allowed to come to me when I'm at the meeting." Gusto sana niyang tanungin ang tungkol sa mga babaeng dadalhin sa Italya galing sa Pilipinas. Nang marinig niya ang salitang 'fake employers' ay nabahala siya. Malinaw na panloloko ang ganoong gawain. Pero kung makikialam siya'y magtatalo lang silang mag-ama. Baka hindi pa siya payagan na lumabas para bumili ng libro. "I want to go out to buy books, Papa. I can't find Ermis." "No, you can't go. Ermis is on leave for two days. Ask Ayah to go out and buy that book for you." "But, Papa---" "Like I've said, never come to me when I'm in the middle of a meeting. Vai, ora." Wala siyang nagawa kung hindi ang tumalikod at bumalik sa harap na hardin kung saan naghihintay si Ayah. Isang mahabang patio ang dinaanan niya. Nakasimangot siyang umupo sa malambot na sofa sa veranda. Napakalaki ng mansyon nila pero tila siya nakakulong doon. Wala pang pasok sa eskwela at inip na inip na siyang may ibang makausap. Bawal naman kasi sa kanya ang lumabas kapag walang pahintulot ng Papa niya katulad ngayon. "What did your Papa say?" tanong ni Ayah. "I can't. Ermis is on leave and I'm not allowed to go out without him. Oh, I hate this life!" "Did you say we will be quick?" "Oh, he won't listen. He told me you can by the book by yourself." Isinandal niya ang likod sa sofa at pumikit. Hindi na nga siya sumasamang gumimik kasama ng mga kaibigan niya'y pinagbabawalan pa siya kahit pagpunta na lang sa isang bookshop. Minsan ay naiisip niya na lang tumakas para makalabas sa mala-palasyong bahay nila. "Don't be sad, mahal." Ginagap ni Ayah ang kamay niya. Napilitan siyang ngumiti kahit masama ang loob niya sa Papa niya. Si Ayah ang palagi niyang karamay sa mga ganitong pagkakataon. Ang salitang "mahal" sa wikang Pilipino ay love. Kahit paano'y napupunan ni Ayah ang pagmamahal ng isang ina na hinahanap niya sa Mama niya. Ang dalawang lalaking kapatid niya kasi ang paborito lang nito. "I wan't to buy the book myself, Ayah." "You will. You just have to wait for Ermis to come back. For now, why don't you go for a swim?" "Alone? I'm so bored doing things alone all the time, Ayah. I want my friends to come over." "But you know you can't." Hinaplos naman ni Ayah ang alon-alon niyang kulay kape at makintab na buhok. "Yeah, I can't..." Napalaki ng bahay nila na may labing-anim na silid. Tatlong palapag iyon na minsan ay hindi sila napagkikitang buong pamilya. Gayunman ay may CCTV sa bawat palapag hanggang sa palabas sa gate. Gusto man niyang puntahan ang mga kaibigan niya ay hindi siya makakaalis nang hindi malalaman ng Papa niya nasa gate pa lang siya. Idagdag pa ang hindi naman magbubukas ng gate ang mga tauhan. Napilitan na lang siyang sundin ang suhestyon ni Ayah. At dahil gustong-gusto niya nang basahin ang librong iyon ay napilitan na lang siyang si Ayah ang pumunta sa bookstore habang nagbababad siya sa swimming pool. Nagulat siya nang may bulto ng lalaking bigla na lang tumalon sa tubig. Napaatras siya nang mapagsino ang lalaking iyon. "The water is good, yeah?" Sumimangot siya sa kuya niya nang mapagtantong sa dibdib niya ito nakatingin. "What are you doing here? You have a meeting with Papa, right." "I can't resist not joining you in the water." Lumapit ito sa kanya saka iniyakap ang braso na kaagad niyang pinalagan. "Let me go, Orlando!" "You are so beautful. And you've grown so... desirable..." pabulong nitong wika. Sigurado siyang pagnanasa ang nasa mga mata nito. "I'm your sister, for God's sake!" Nilakad niya ang patungo sa hagdan para umahon na. "You sure you don't have a boyfriend?" Nakasunod ito sa kanyang umahon na rin. "I would surely have soon!" Kahit wala siyang balak magpaligaw sa ngayon ay mapipilitan siyang mag-entertain para lang ipakita na may boyfriend na siya. "Ermis will be gone for long. I will ask Papa to guard you myself going to and out of school." "And why would you do that?!" "Because you are mine." "What?! You're disgusting!" Isang ngisi lang ang pinakawalan nito nang patakbo siyang lumayo sa kapatid. Ngayon lang niya narinig ang ganoong salita mula rito at naninindig ang balahibo niya. Hindi nga siya nagkamali ng iniisip na may balak itong masama sa kanya. Habang lumalakad ang araw mula nang mag dice ocho siya ay iba na ang ikinikilos nito. Hindi niya alam kung bakit kailangan siyang pagnasaan ni Orlando gayung magkapatid sila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD