Let's hang out, Annchen!" yaya ni Alice sa kanya kinahapunan. Si Alice ang isa sa malapit niyang kaibigan sa university. Apat sila sa grupo at madalas lumalabas ang tatlo para gumimik. Siya lang talaga ang tanging hindi pinapayagan na lalo niyang ikinaiinis sa Papa niya.
"You know I can't go out late at night, especially now that my bodyguard is on leave."
"Don't you want to see Sean Mendes?"
"Sean Mendes?!" Matindi ang pagka-crush niya sa Canadian Singer na 'yun. Tatakas talaga siya sa bahay nila kapag may pagkakataong makadaupang palad niya ito.
"Yes! There's a rumor that he's having a vacation in Montecarlo. Luisa, Becca and I are going to Skyline to enjoy the night too! He might be there with his friends, I think."
Hindi siya interesado sa bar na sinasabi nito. Pero malaki nga naman ang tyansa na pupunta si Sean Mendes doon dahil kilalang bar iyon sa Montecarlo. Maraming holywood celebrity ang pumapasyal doon para i-enjoy ang lugar na siyang isa sa pinakamaganda sa buong Italya.
At habang hinihigpitan siya ng Papa niya ay lalo siyang nang-iisip na sumuway. Wala siyang duda sa pagmamahal ng Papa niya sa kanya. Pero hindi siya dapat ikulong na parang babasaging kristal. Malapit na siyang mag-dice nueve anyos, ni hindi pa niya naranasang magpunta sa mall nang walang bodyguard at yaya. Pinagtatawanan na siya ng mga kaibigan niya.
Hindi na talaga siya papayag sa ganitong buhay. Nasasakal na siya. Gusto na rin niyang mag-entertain ng manliligaw nang makawala rin siya sa mapanuring mga mata ni Orlando.
She wants a big change in her life. She wants freedom. She wants to explore the world.
And she wants to fall in love.
"I will go with you," desidido niyang wika kay Alice.
"Really?! I thought you don't have your bodyguard?"
Iniisip niya kung paano tumakas sa mala-preso nilang mansyon. Sa gabi ay wala ang Papa niya dahil binibisita nito ang mga clubs na pag-aari nila. Puwede siyang magtangka mamayang gabi.
"Are you serious?! What if your Papa finds out?" tanong ni Alice.
"He won't. Just prepare the car so I could run fast once I got out of the house."
Mayaman din naman ang mga kaibigan niya at may mamahaling sasakyan. Nakakainggit pa nga na nakakapag-drive ang mga ito mag-isa kahit saang lugar sa Lucca. Samantalang siya ay iilang beses pa lang nakapag-drive, nasa loob pa siya ng lupaing pag-aari nila.
"Okay, I'll be there few meters away from your main gate at eight thirty. Make sure you prepare yourself for a wild party at Skyline!" excited na wika ng kaibigan sa kabilang linya. Ngayon pa lang siya makakasama sa mga ito nang hindi niya isasama kahit ang yaya niyang si Ayah.
At ngayon pa lang ay hindi na rin mapatid ang kaba niya sa excitement!
Pagkatapos niyang makipag-usap kay Alice ay tumanaw siya buong hardin kung saan siyang gate puwedeng lumabas mamaya. Sa gabi ay nasa isang exclusive casino rin ang Mama niya. Ang dalawa niyang kapatid ay may kanya-kanyang club na pinupuntahan. Ngayon lang niya naisip, mag-isa lang pala siya tuwing gabi kaya dapat lang na nag-e-enjoy din siya kasama ng mga kaibigan.
Pero paano? Papayag ba ang security staff ng Papa niya na lalabas siya ng gate nang walang pahintulot ng ama?
Kailangang may kakutsaba siya sa pagtakas. Kung makakalabas man siya nang hindi nalalaman ng mga tao sa bahay, paano ang pagbalik niya sa mansyon? Kapag nalaman ng Papa niya na nakatakas siya, hindi na rin niya iyon mauulit. Tiyak na marami pa ang mawawalan ng trabaho kapag nadamay sa galit ng Papa niya.
Sa huli ay sinabi niya sa yaya niya ang binabalak na pagsama sa mga kaibigan. Tulad ng inaasahan niya ay hindi rin ito pabor.
"Don't be like Papa, Ayah. I am starting to hate my life because it seems like a prison here. I just want to enjoy life like my friends do."
Nilinga nito ang paligid. May ilan-ilang Italyanong security personnel ng Papa niya ang palakad-lakad sa buong bahay na para bang anumang oras ay may bombang sasabog doon.
"Gusto mo ba talagang lumabas mamayang gabi?" tanong nito sa wikang Pilipino. Mabilis siyang tumango na nakatanaw ng pag-asa.
"Sige, tutulungan kita. Pero kailangang kasama mo si Miguel para mapanatag di ako." Si Miguel ang kaisa-isang Pilipino na myembro ng security personnel ng Papa niya. Mailap ang isang iyon at tipid lang kung magsalita. Pero madalas ay nahuhuli niya itong nakatingin sa kanya kapag hindi nakatingin ang Papa niya. Mahigpit din kasing ipinagbabawal sa mga ito na titigan siya at lapitan. Si Ermis lang ang nakakalapit sa kanya dahil ito ang itinakdang bodyguard ng Papa niya.
"Walang problema. Pero paano?"
"Uuwi si Miguel mamaya sa apartment niya. Minsan ay sumasabay ako at alam iyon ng Papa mo. Kailangan mong gayahin kung paano ako manamit at kumilos. Kailangan nating palabasin na ako ikaw."
"P-pero... paano ikaw? Malalaman ng security na lumabas ka pero nandito ka sa loob?" Muling dumagundong ang dibdib niya sa kaba. Hindi siya natatakot sa galit ng Papa niya para sa kanya. Ang ikinakatakot niya ay ang galit ng ama sa mga taong madadamay katulad ni Ayah at Miguel.
"Huwag mo akong alalahanin, mahal. Ang mahalaga ay maging masaya ka sa buhay mo. Walang silbi ang lahat ng yaman na tinatamasa mo ngayon kung nakakulong ka lang sa ginintuang palasyo na ito. Ang inaalala ko lang ay huwag kang mapahamak sa labas. Kaya si Miguel ang magbabantay sa 'yo. Huwag kang mag-alala, hindi siya lalapit sa 'yo kung hindi kinakailangan."
Gusto niyang maiyak sa malasakit na ipinadama ni Ayah. Yumakap siya sa ginang nang mahigpit.
"Maraming salamat ho. Pangako, hindi ko ipapahamak ang sarili ko sa labas."
"Alam ko, mahal..." Gumanti ng yakap si Ayah sa kanya. "Kaya mo bang gayahin ang pananamit ko?"
Tumawa siya nang kumalas sa pagkakayakap. Inalis niya ang salamin nito sa mata. Sa unang pagkakataon ay nasilayan niya ang nangungusap nitong mga mata.
"You are beautiful!" sambit niya nang titigan ito. Hindi niya alam kung bakit rumehistro sa isip niya ang ilang larawan niya na may pagkakahawig dito. Kunsabagay, ang sabi ng Papa niya ay malayong kamag-anak si Ayah ng Mama niya. Pero mas nakuha ng dalawa niyang kapatid na lalaki ang mata ng Mama niya dahil siya ay mas kamukha ni Fernando.
"But you are far more beauriful, mahal. Subukan mo nga ang salamin ko. Wala namang grado iyan."
"Kung gayun bakit niyo palaging suot?" Nagtungo siya sa malaking salamin sa harap ng kama niya at isinuot ang hawak na eyeglass.
"Mas mukha daw kasing awtorisado kapag naka-salamin. Alam mo naman, ako na rin ang itinuturing na mayordoma dito," nakangiting wika ni Ayah na tumabi sa kanya habang nakatayo sa harap ng salamin.
"Bagay din sa akin. Naging magkamukha nga tayo!" natatawa niyang saad. "Totoo pala ang kasabihan na kapag iyong taong 'yun ang palagi mong kasama, nagiging magkamukha rin kayo."
"Siyangaba? Kailangan mong isuot ngayon ang damit ko. Teka, kukuha ako sa silid."
"Huwag na, Ayah. Pumunta na lang tayo roon dalawa. Baka makita pa sa CCTV na nagdala ka ng damit mo sa silid ko."
"O siya, sige." Mabilis silang lumipat sa silid ni Ayah na kalapit lang ng silid niya. Nagsukat siya roon ng mga makalumang damit nito. Isang polo shirt iyon saka itinuck-in sa itim na palda.
"Mukha akong guro sa pre-school!" Sabay silang nagtawanan. Habang sinisipat niya ang sarili ay nakatitig lang si Ayah sa kanya. Hindi niya alam kung bakit palagay niya'y nagiging emosyonal ito.
"Kailangan mo ring ipusod ang buhok mo. Tapos mamaya, maglagay ka ng bandana para mas lalong hindi mahalata sa CCTV ang kulay ng buhok mo."
Matapos nilang pagplanuhan ang pagtakas niya mamayang gabi ay bumalik na siya sa silid para naman sa pakikipag-usap ni Ayah kay Miguel na bantayan siya. Tumawag na lang si Ayah sa kanya dahil hindi puwedeng may kasama siyang lalaki sa silid. Mabuti na ang maingat sa bawat kilos.
Pagdating ng alas ocho ng gabi ay nakahanda na ang lahat ng gamit niya. Nakahanda na rin si Miguel na aalis gamit ang itim na Cadillac. Halo-halong kaba ang naramdaman niya nang sumampa sa kotse. Ipinagdarasal niyang maging matagumpay sana ang plano nilang ito nang makawala naman siya kahit minsan sa hawlang pinagkukulungan sa kanya ng Papa niya .
"Are you ready, princess?" wika ng baritonong boses na ngayon lang niya narinig sa tanang buhay niya. Miguel has a soft and low-picthed voice. At sa tinig pa lang nito'y pakiramdam niya'y ligtas siya anumang oras at kahit saang lugar siya mapadpad.
"Y-yes... Thank you for doing this, Miguel."
"My pleasure. Kaytagal kong inasam na makasama ka, hindi nga lang sana sa ganitong pagkakataon."
"Yeah, I know... If Papa finds out, I am sure you'll be fired."
"Fired is understatement, princess. He would definitely kill me." Bagama't biro nitong sinabi ay nag-alala siya.
"Are you serious?"
"Huwag mong isipin ang sinabi ko. Ang gusto ni Ayah ngayon ay mag-enjoy ka habang kasama ang mga kaibigan mo."
Inayos niya ang upo nang paandarin ni Miguel ang kotse. Si Ayah ngayon ang natutulog sa silid niya na patay ang lahat ng ilaw.
Nang makalabas sila ng walang aberya sa mansyon ay gusto niyang sumigaw sa galak. Tahimik lang si Miguel na palinga-linga sa side view mirror. Alam niyang ito naman ang nag-aalala sa kaligtasan niya ngayon. Si Miguel ang mananagot kapag may nangyaring masama sa kanya.
Nang makalayo sila ay binuksan nito ang bintana. Wala namang ibang sasakyan silang kasunod. Doon na siya sumigaw para ilabas ang saya sa dibdib niya.
"Woooooo! I'm free!!!!"
Ngumiti lang si Miguel nang sumulyap sa kanya. Doon niya napagmasdan ang maamo nitong mukha katulad sa yaya niyang si Ayah.
Hanggang makarating sila sa Skyline ay hindi pa rin ito umiimik. May nakasukbit pa ring security earpiece sa tainga nito at maya maya ay may kausap. Kung anuman 'yun ay wala siyang ideya. Pero tiwala siyang ligtas siya kay Miguel dahil pinagkakatiwalaan ito ni Ayah.
"Hindi ako lalapit sa grupo niyo ng kaibigan mo, pero huwag kang aalis sa paningin ko," bilin nito sa kanya bago bumaba.
"Salamat."
"Gamitin mo 'to." May inabot itong earpiece na kaagad niyang isinuot. "Kapag may napansin kang kahina-hinala, sabihin mo kaagad sa akin. At huwag kang magsasalita ng Italyano o Englis. Sa wikang Pilipino tayo mag-usap nang walang makakaintindi. Si Arnold ang mag-aasikaso sa inyo ng mga kaibigan mo."
"Arnold?"
"Isa rin siyang Pilipino na nagta-trabaho dito sa Skyline. Kapag may kailangan kang sabihin sa akin, tawahin mo akong Bagwis."
"Okay..."
Bumaba siya at tinungo ang entrance ng club. Si Arnold na kaagad ang hinanap niya. Nagulat din ang mga kaibigan niya dahil may sarili silang silid sa club na hindi nakahalo sa karamihan. Nasa VIP room sila.
"Congratulations, Annchen! You made it!" Nagyakapan silang magkakaibigan.
"But since this is your first, you have to have a new friend tonight. Let's meet some of the men here!" suhestyon ni Luisa.
"Why not?" sagot naman niya na game sa gabing ito. Lumabas ng silid si Alice kaya't sumunod sila. Nagsimula silang umindak sa tugtugin, tumikim ng alak sa umiikot na waiter, at makipagkilala sa kalalakihang nagpakita ng interes sa kanila.
Hindi niya kinalimutan si Miguel na maya't maya ay sinisilip niya kung saan. Tahimik lang itong umiinom sa isang sulok hindi kalayuan sa kanila. Minsan ay gusto niyang yayain ang binata para samahan na lang sila, pero baka mas gusto nitong mapag-isa.
Alas onse ng gabi at malapit na ang takdang oras ng pag-uwi niya. Masaya na siyang nakalaya siya kahit sandaling panahon lang. Tiyak naman niyang mauulit ang ganitong pagkakataon.
Masaya ang maging malaya. Hindi niya alam kung bakit kailangan siyang nakakulong. Kapag nagkausap sila ng Papa niya ay susubukan niya itong kausapin baka sakaling mapapayag niya nang payagan siyang makipag-party kasama ang mga kaibigan niya.
"Bagwis, kailangan na nating umuwi," wika niyang mahina sa earpiece na suot.
"Sa exit ka dumaan. Marami nang tao sa labas," sagot naman nito. At dahil hindi niya mahanap si Arnold, hinanap niya na lang ang fire exit na tinutukoy ni Miguel.
Maraming taong naghahalikan sa bawat madaanan niya na walang pakialam sa paligid. Napailing na lang siya. Sa dami ng nakilala nila Alice, Luisa at Becca, iba't ibang lahi pa ang mga iyon, ni wala siyang nagustuhan. Hindi siya nakaramdam ng spark katulad ng mga nababasa niya sa mga librong binibili niya. Pero hindi pa naman dito nagatapos ang paghahanap niya ng boyfriend. Makakatagpo din siya ng lalaking bubukas sa interes niya sa pag-ibig.
Halos tanaw niya na ang pinto ng fire exit nang may makabungguan siyang matipunong katawan. Sa bilis ng lakad nito ay halos tumilapon siya. At dahil na rin sa taas nitong sigurado niyang higit anim na talampakan.
Pero mabilis din ang mga bisig nitong nahagip ang baywang at likod niya. Halos madilim na sa kinaroroonan nila. Ni hindi niya maaninag kung gwapo ba ito o hindi.
Gayunpaman ay nakapagtataka na may dulot na atraksyon ang lalaking iyon sa amoy pa lang ng mamahalin nitong pabango. Kahit ang bisig nitong nakayakap sa katawan niya ay masarap sa pakiramdam. Isang marahas na paghinga lang ang pinakawalan nito na tila nagalit pa dahil paharang-harang siya.
"I'm s-sorry..."
Hindi siya nito pinansin. Nang makitang maayos na ang tayo niya ay tumalikod na ito at iniwan siya sa kinatatayuan.
Gusto niya sana itong habulin pero narinig niya ang pagtawag ni Miguel sa suot niyang earpiece. Siguro naman ay magkikita pa sila ng lalaking iyon sa susunod niyang pagpunta dito.