Chapter 4 - Annchen/Armano

1252 Words
Mahigpit na yumakap si Annchen kay Ayah nang makabalik siya sa mansyon nang walang aberya. Bago siya umalis sa club kanina ay nakapag-disguise na siya ulit para maiwasan na may makakilala sa kanya sa daan. "Nag-enjoy ka ba kasama ng mga kaibigan mo?" nakangiting tanong ni Ayah. "Sobrang nag-enjoy po ako. Maraming salamat ho talaga." "Walang anuman, mahal. Basta't lagi kang mag-iingat nang maulit pa ang paglabas niyo ng mga kaibigan mo. Ang sabi ni Miguel marami raw nakipagkilala sa 'yo?" tudyo nito. "Marami... May Canadian, Russian, ang iba Italyano rin. Pero wala naman ho akong nagustuhan." "Hindi mo kailangang magustuhan kaagad. Hindi naman ganoon ang pag-ibig, anak. At bata ka pa. I-enjoy mo lang ang pakikipagkaibigan. Ang mahalaga ay natututunan mong makibagay sa mga tao sa labas bilang ordinaryong tao." "Kunsabagay... Sige ho, lumipat na kayo sa silid niyo. Kahit tanghali na ho kayo magising bukas." "O siya, matulog ka nang mahimbing. Wala pa ang Papa mo. Paaalisin ko na lang ulit si Miguel." "Mabait naman ho pala si Miguel ano?" tanong niya nang mabanggit ang naging bodyguard niya kanina. "Oo naman." "Pero tipid hong magsalita." "Ganoon talaga ang batang 'yun. Ewan ko ba, mula nang nabigo sa pag-ibig naging seryoso na lagi sa buhay. Pero mabait 'yun at mapagmahal sa pamilya." "Magaan nga ho ang pakiramdam ko kaagad sa kanya. Mas magaan pa nga ang pakiramdam ko sa kanya kaysa kay Ermis. Mabait naman si Ermis. Pero kaya siya mabait kasi anak ako ni Papa." "Baka kasi istrikto si Ermis sa 'yo? Utos din kasi ng Papa mo 'yun..." paliwanag ni Ayah. Pero iba pa rin talaga ang gaan ng loob niya kay Miguel. "Siguro ho..." "O siya, matulog ka na ha? Bukas na kayo magkwentuhan ng mga kaibigan mo." Ipinatong pa ni Ayah ang comforter sa kanya saka humalik sa noo niya. Pero nang makalabas ito ng silid ay hindi rin naman siya makatulog kaagad. Iniisip niya kung sino ang lalaking nakabungguan niya sa fire exit kanina. Iba ang dating sa sistema niya ng pabango nitong humalo sa malakas nitong dating. And his breath was a mixture of mint and alcohol. Pinagsisisihan niya tuloy na hindi siya bumalik sa loob ng club para makita ang mukha nito at kung saan ito naglalagi sa bar na iyon. It was her first time to feel such strong attraction with a man. Marami namang gwapo at matipuno ang katawan sa university na pinapasukan niya. Ilan na rin ang nagtangkang manligaw. Pero dahil bawal siyang lapitan ng mga lalaking nagpapakita ng pagkagusto sa kanya, siya na rin ang umiiwas. Pati kasi sa university ay nakabantay ang bodyguards niya noong una. Nang tumuntong siya sa edad na dise ocho ay saka lang inalis ang tagabantay niya sa loob ng campus. Hanggang sa labas ng gate ng university na lang ang mga ito. Muling bumalik sa balintataw niya ang matipunong katawan ng misteryosong lalaki. Napangiti siya nang maalalang ni hindi siya nito pinansin. Paano nga naman siya tatapunan ng tingin kung bukod sa makapal na salamin ay nakapalda siya at puting polo imbes na naka-mini skirt at tank top? Excited tuloy siyang bumalik sa Skyline. Pero next week na ulit puwedeng lumabas si Miguel at iti-tyempo nilang nasa labas na ang Papa niya. Ipinikit niya ang mga mata pero nakangiti ang mga labi niya. Titiyakin niyang magkikita silang muli ng lalaking iyon. ***** "Secondo i suoi amici, se n'è appena andata con la sua guardia del corpo, Armano." (According to her friends, she just left with her bodyguard, Armano.) "F'ck!" Nilinga niya ang paligid pero napakarami ng tao. Ni hindi niya na alam kung ano ang itsura ng babaeng pinapahanap niya. Ilang taon na rin ang nakalipas mula nang huli niya itong nakita sa libing ng Lolo nito. Caitlin Anne was a beautiful kid back then. Tiyak niyang higit itong maganda ngayon. At sa bawat pag-ikot niya sa sulok ng club na ito ay wala siyang makitang puwedeng pumantay sa ganda ng kaisa-isang anak ni Fernando Valentino. Itinago na ito sa publiko mula noong lumabas ang mga larawan nito sa libing ng matandang Valentino na pinagpyestahan ng media. Isa ang mga Valentino sa makapangyarihan at mayaman sa buong Lucca, Italy. At curious ang mga tao sa kung sino ang tagapagmana at ang mga susunod sa yapak ni Fernando Valentino na ngayon ay nasa sitenta anyos na. Walang larawang lumalabas ngayon o kahit anong impormasyon tungkol kay Caitlin Anne Valentino. Kaya pinapunta niya dito sa Lucca si Rafaello Rossini na isa sa pinakamagaling na Secret Agent ng Papa niya. Hindi niya gustong malaman ng mga Valentino na may interes siyang makipaglapit sa kaisa-isang prinsesa ng mga ito. "Stop cursing, man. Troveremo quella donna, non ti preoccupare, (We will find that woman, don't worry), wika naman ni Rafaello. "I don't want to waste time anymore." "You are not wasting your time. Look around, there are women waiting to be noticed. Let's have fun instead." Napailing siyang napangiti na lang sa pinsan. Matagal-tagal na rin naman siyang hindi nakakatikim ng s'x. Pero nanghihinayang talaga siyang hindi niya nakadaupang palad ang babaeng Valentino. Naglaan pa naman siya ng oras ngayong gabi kahit marami siyang dapat na inaasikaso sa kompanya. "You go ahead. I'll just have a few glass of whiskey." "You're kidding me, right?" Inabot sa kanya ng waiter ang order niyang whiskey. Habang abala si Rafaello sa pakikipagkilala sa kung sino sinong babae, siya ay nakatingin lang sa isang grupo ng babae na mga kaibigan ni Caitlin Anne. Ayon kay Rafaello, nasa VIP room ang mga ito kanina. Nang umalis na si Annchen ay sa labas na lang namalagi ang mga ito para makasayaw ang mga lalaking nakilala din sa bar na iyon. Wala pang sampung minuto siyang naroon ay nagpasya na siyang iwanan si Rafaello na abala na sa ka-date nitong isang American blonde. Gamit ang Silver McLaren F1, mabilis niyang nilisan ang lugar. Kung club lang ang pag-uusapan ay mas interesado siyang bisitahin ang club na pag-aari ng pamilya nila. They own nighclubs and men's executive clubs. Wala siyang interes sa mga babaeng nagpupunta sa Skyline na karamihan ay halos teenagers pa. He'd prefer older women. Bukod sa may experience na sa pakikipagtalik, hindi pa naghahanap ng commitment. The last thing he wants right now is to commit himself because he still has a mission against the Valentino family. Isang oras ang binaybay niya para marating ang Florence, Italy para puntahan ang Piacere Executive Club. Doon ay naggagandahang babae ang nagsasayaw sa gitna ng entablado na pinagpipyestahan naman ng mga kliyente nila. "Buonasera," bati ng mga tauhan sa kanya. Tuloy-tuloy siya sa opisina niya kung saan makikita ang mga babaeng bagong pasok sa club na iyon. Hindi niya alam kung bakit sa matagal na panahon ay ngayon siya ulit nakaramdam ng pangangailangan ng katawan. Dahil yata iyon sa babaeng nakabungguan niya kanina sa fire exit ng kabilang club. Kahit hindi ito nakasuot ng mapang-akit na damit ay nag-init ang pakiramdam niya nang hapitin niya ang maliit nitong katawan. The woman looked old but her body didn't. Her skin was soft, her waist was small, and her breasts were firmed. Pakiramdam niya'y perfect ten ang katawan nito kung sakaling huhubaran niya. Kinuha niya ang telepono matapos masuri ang mga babaeng dumating kanina lang. "Cielo, bring 24 to my red room," utos niya sa isang tauhan. Isang blonde American din ang napagpasyahan niyang kuhanin. Pareho kasi ang ayos ng babaeng ito sa babaeng nakabungguan niya kanina -- nakapusod ang buhok at may suot na makapal na salamin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD