Chapter 7 - Miguel

1257 Words
Mula sa gourmet kitchen ay tanaw ni Miguel ang kinaroroonan ni Ayah at Annchen sa dining room. Masayang nagkukwentuhan ang dalawa. Hindi siya puwedeng makisali sa usapan dahil mahigpit na ipinagbabawal sa kanilang lahat na security personnel na lumapit kay Ayah kapag nasa loob na ito ng bahay. Gayunman ay sinisikap niyang bantayan ang dalaga kahit nasa loob na ito ng pamamahay. Parati siyang nakasunod sa bawat kilos nito kahit pa si Ermis ang naatasang magbantay kasama ng dalawa pa nitong assistant. Caitlin Anne is Fernando's precious daughter. Stunningly beautiful even at the age of nineteen. Siya man ay napapatitig sa maganda nitong mukha kapag hindi ito nakatingin. At wala sila sa tapat ng CCTV camera. May iba pa nga na security personnel ang naghahangad na mapansin nito, o masulyapan man lang. Kung hindi lang takot ang mga kasamahan niya na mapatay ni Fernando oras na lumabag sa utos, siguradong marami na ang nagtangka na manligaw sa magandang dalaga. Pero walang maglalakas ng loob na sumuway sa golden rule. Tila isang babasaging kristal si Annchen na pinakaiingatan ni Fernando. Bawal itong lapitan, hawakan, at kahit titigan. Apat na taon na siyang nagtatrabaho kay Fernando Valentino bilang isang secret agent nito. Nagsimula ang kagustuhan niyang protektahan ang pamilya nito mula nang magkausap sila ni Ayah. Nasa Amerika siya noon at kasalukuyang miyembro ng Navy SEAL na ipinapadala kung saan saang misyon. Ipinadala ni Ayah ang larawan ng dalagitang si Caitlin Anne at hiniling na bigyan niya ito ng proteksyon. Hindi niya mahindian si Ayah dahil malaki ang utang na loob niya dito. At lalong hindi niya gustong mapahamak si Caitlin Anne. Nagpaalam siya kaagad sa trabaho pagkatapos ay lumipad patungong Italya. He was only twenty-four at that time. Ngayon ay bente-ocho na siya. Hindi pa rin niya alam kung ano ang gagawin sa buhay niya bukod sa pagbabantay kay Annchen na itinuturing din niyang prinsesa. Hindi siya ang inatasan ni Fernando bilang maging official bodyguard nito sa labas ng mansion. Gayunman ay hindi siya tumigil sa pagkalap ng impormasyong magbibigay ng banta sa buhay nito. Isa sa bodyguard nito sa labas ang nagre-report sa kanya kung ano ang kondisyon ng kapaligiran ng dalaga. Kanina lang ay nakasunod siya dito nang magpunta ito sa likod bahay. Muntikan na nitong marinig ang kapahamakang naghihintay dito. Hangga't maaari ay hindi niya ito gustong mag-alala sa ngayon. Caitlin Anne has been a happy and cheerful woman. Masaya siyang nakikita itong palaging nakangiti. Kaya nga nang pakiusapan siya ni Ayah na bantayan ito habang nakikipag-party kasama ng mga kaibigan, hindi siya nagdalawang-isip sa pumayag kahit pa ikapapahamak nilang dalawa ang pagtakas sa gabi. He would risk his own life just to make her happy. Kapag naaalala niya ang pag-uusap nila ni Ayah noong isang buwan ay naaawa siya kay Caitlin Anne. Hindi pa nito alam hanggang sa ngayon kung anong kapalaran ang naghihintay dito. "Paakyat na siya sa silid niya," wika ni Ayah sa kanya nang maghiwalay ang dalawa. Umalis na si Annchen sa komedor at si Ayah ay nagkunwaring may gagawin sa gourmet kitchen. "Narinig niya ang pag-uusap ng Mama niya at ng dalawa niyang kapatid kanina." "Sina Orlando at Rosalia?" "Oo. Nagpaplano ang mag-ina kung paano ililipat sa pamamahal ni Orlando ang FTG." "Ano pa ang mga narinig ni Annchen?" "Ang plano ni Orlando na pabagsakin si Armano." "Wala ng iba?" "Narinig niya na ang yabag papalapit kaya't umatras din siya sa pakikipag-usap kay Orlando. Ano sa tingin mo ang dahilan bakit gusto niyang makausap ang lalaking 'yun?" "Hindi ko rin alam, Miguel. Hangga't maaari ay gusto ko siyang ilayo sa kapatid niya. Mas gusto kong nakikihalubilo siya sa labas kasama ng mga kaibigan niya. Ang mamuhay nang normal. Pero kapag nasa labas naman siya ay may banta rin sa buhay niya. Hindi ko na alam kung saan pa siya dapat manatili." "Matigas din ang ulo ni Fernando, Ayah. Kung sana'y pinapayagan na lang niyang si Orlando ang pumalit sa posisyon niya pagdating ng araw. Walang kakayanan si Annchen na mamuno ng isang organisasyon. At sa tingin ko'y hindi rin gugustuhin ni Annchen ang ganoong trabaho." "Sinusubukan ko pa siyang kumbinsihin. Sana nga ay makinig siya sa pakiusap ko. May balita ka na ba kung sino ang lalaking nagmamanman kay Caitlin Anne ngayon?" "Yes. Rafaello Rossini na mas kilala bilang Bruno. Isa siyang secret agent ng mga Rossini bagama't mas namamalagi siya sa Roma at Venice para bantayan ang mga negosyo ng mga Rossini doon. Pamangkin siya ni Garson." "At balak nilang kidnapin si Annchen?" Nasa mukha na ni Ayah ang pag-aalala. "Magsisimula na naman sila ng malaking gulo." "Magatal nang may kaguluhan dito sa Italya dahil sa mga Valentino at Rossini, Miguel. Noong isang linggo lang ay ang kaguluhan sa casino na ikinamatay ng tatlong tauhan natin. At kinakatakutan kong hindi na iyon maiiwasan ni Annchen ngayon." "Makakaiwas pa rin siya hangga't hindi siya nahahanap ng mga Rossini. Tama lang na hindi pinapayagan ni Fernando na kunan ng larawan si Annchen sa anumang pagkakataon. Mas madali ang itago siya sa mga kaaway." "But she is starting to chase her freedom and wonder how it is to live a carefree life. Naumpisahan niya na ang pagtakas sa gabi na sinang-ayunan mo naman," tila paninisi niya kay Ayah. Hindi nito alam kung gaano siya kinabahan noong gabing iyon dahil nakasalalay sa kanya ang kaligtasan ng nag-iisang babaeng Valentino. Alam niya ang nakaambang panganib. Kung sakaling sinugod sila ng mga Rossini ay wala siyang laban dahil mag-isa lang siya. "Ano ang magagawa ko? Nakikita mo ba kung gaano nahihirapan ang bata na nakakulong lang siya sa palasyong bahay na ito? Kahit ikaw ang tumayo sa lugar niya ay maiintindihan mo ang nararamdaman niya." "Naiintindihan ko. Kaya nga ako pumayag na isuong ang buhay ko sa walang katiyakang kaligtasan, hindi ba? Pero ang gusto ko lang sabihin, hindi sa lahat ng oras ay maganda ang panahon. Hindi sa lahat ng oras ay aadya ang pagkakataon sa amin. Masuwerte kami noong gabing iyon dahil nakaiwas kami sa pagmamatyag ng mga Rossini." "Hindi ko na rin alam ang gagawin ko. Kung puwede lang ilayo na lang si Annchen sa Italya para makawala sa dalawang nagbabanggaang bato." "Bakit hindi mo gawin?" suhestyon niya kay Ayah. Sandali itong natigilan na inaabsorb ang sinabi niya. "Imposible ang suhestyon mo." "Kung nagawa natin siyang itakas minsan, magagawa natin ulit kapag hiningi ng pagkakataon." "T-tutulungan mo ako?" alanganin nitong tanong. Isang tipid na ngiti ang pinakawalan niya. "Katulad mo, kaya ko ring itaya ang buhay ko para sa mahal na prinsesa." "Pero, hindi ba't..." Hindi na itinuloy ni Ayah ang sasabihin dahil may papalapit na katulong. "Alam mo na siguro kung ano ang damdamin ko sa kanya para pagdudahan mo pa kung dapat mo siyang ipagkatiwala sa 'kin. Pag-isipan mo ang suhestyon ko." Tumalikod na siya rito saka tinungo ang hardin. Mula sa kinatatayuan ay tanaw niya ang silid ni Annchen. Isang malalim na hininga ang pinakawalan niya. Noong una'y hindi niya gustong mapalapit nang tuluyan ang damdamin niya sa magandang dalaga. Pero wala yatang tao sa bahay na ito ang hindi magigiliw at gustuhing mapalapit kay Annchen. She's naturally sweet, down to earth, and kindhearted. Hindi nito namana ang pagiging awtorisado at pagkaganid sa pera at kapangyarihan ng ama nito. Aaminin niya ngayon na nagkaroon ulit ng direksyon ang buhay niya. Handa siyang isuong ang buhay niya mailigtas lang ito at maibigay ang buhay na simple lang at tahimik. May mga plano sa isip niya na nagsisimulang umusbong. Pero kailangan niyang maging pulido dahil buhay nilang lahat ang nakataya dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD