"Prepare our men in Pontedera, Armando!" utos ng Papa niyang si Garson.
"Perché? Cosa c'è che non va, Papà?" (Why? What is wrong, Papa)
"We got a news from Piero that Orlando Valentino was talking to Mr. Picasso. He was negotiating five million dollars to acquire Torri Gemelle."
Isang malakas na tawa ang pinakawalan niya. Katatapos lang ng negosasyon niya sa may-ari ng Torri Gemelle at pirma na lang nito ang kulang para tuluyang mapasakanya ang malawak na lupain ni Mr. Picasso. Balak niyang patayuan ang tabi niyon ng isang malaking shopping center.
"That man is so jealous. He follows my shadow, watches me behind my back, and then grabs what is mine." Napailing siya sa pagiging gahaman ng mga Valentino. Kung noon ay si Fernando ang laging kakompetensya ng Papa niya sa mga negosyo, ngayon ay sila ni Fernando ang nagkakabanggaan. Maganda ang plano niya para sa Torri Gemelle. Doon niya itatayo ang pangarap niyang malaking shopping and recreation center at magiging isa sa puntahan ng mga turista sa Italya - ang La Solaire de Italia.
"You haven't finalized your negotiation with Mr. Picasso although he as already given you the go signal to start your project. We need our men to watch the gates of our teritorry, Armano."
"No, Papa. Let him set his foot on the land I am stepping on. Maybe it is time we see each other face to face. Whoever pulled the trigger first---"
"Don't you dare face that bastard son of Fernando, Armano!" galit na wika ng Papa niya. "I won't risk your life ever again! Let our men take care of Torri Gemelle. I will make a deal with Mr. Picasso."
"What deal?" Kumuha siya ng sigarilyo sa counter at sinindihan.
"He was having a hard time with his daughter who grew up with a bratty attitude. Bianca Picasso is twenty five now and yet, she has no plans of marrying."
"So? What is it having to do with the deal?"
"Don't you think it's time for you to find a new girlfriend? Bianca is beautiful and might be a good partner in bed."
"What?!"
"Your wife had been gone for years now. Why don't you consider dating another woman again? Mix business with pleasure, Armano. It will benefit you and our company even more. You're a good businessman, aren't you?"
Ilang beses niya nang nakasalamuha ang Bianca Piccaso na iyon na siya ngayong namamahala sa negosyo ng ama nito na si Donato Picasso. Hindi maitatanggi na nakuha nito ang pagiging istrikto sa trabaho at paraan ng pagpapatakbo ng ama nito sa kompanya. Bukod sa malalawak na commercial establishments na pag-aari ng mag-ama sa Pontedera, Italy, ang mga Picasso ang nagmamay-ari ng isang textile company doon. Nakumbinsi niya si Donato na ibenta ang commercial lot na hindi pa natatayuan ng mga establisyemento sa pangako na magkakaroon ito ng twenty percent shares sa La Solaire de Pontedera. The offer was enticing, kaya napapayag niya ang matanda. Pero kung susulpot sa gitna ng negosasyon si Orlando at mag-offer ng mas malaking kapalit ay magiging tagilid siya.
"Think about it. Worse comes to worst, I will make a different agreement with Donato to make this partnership official. And you have to agree with me. After all, you don't want Orlando to grab this land our of your hands and win the game this time."
Nang tawagan ng Papa niya ang mga tauhan para magbantay sa buong area ng Torri Gemelle ay hindi na siya sumalungat. Hindi sana niya gustong bigyan ng pangamba ang mga nagtatrabaho doon. Pero tama ang Papa niya. Kapag hindi nila binantayan ang lupaing pinag-iinteresan nila ay maagaw iyong tiyak ng mga Valentino.
Iisa lang ang tiyak niya ngayon, Orlando has a personal obsession with him. Noong una ay asawa niya ang pinuntirya nito na nadamay pati ang walang muwang na sanggol sa sinapupunan ni Joviena. Pagkatapos ay pagtatayo ng casino kung saan naroon ang iba't ibang branches nila. Hindi na siya magtataka kung mayroon na rin itong bersyon ng Piacere Executive Club.
At ngayon ay nakikipag-usap na ito kay Donato Picasso para agawin ang dream project niya. Ngayon pa lang ay kailangan niya nang paghandaan ang susunod nitong hakbang.
Pagdating ng gabi ay tinawagan niya ulit si Rafaello. Ilang linggo na siyang naghihintay ng balita tungkol sa nag-iisang anak na babae ni Valentino pero hanggang ngayon ay hindi pa ito tumatawag. Masyadong mailap ang isang iyon kaya't ang balak niyang paghihiganti ay napurnada pa.
Tumunog ang telepono niya sa gitna ng pagmumuni-muni niya sa planong pakikipag-usap ulit bukas kay Donato Picasso. Nang mabasa niya ang pangalan ng tumatawag na iyon ay kaagad niyang sinagot. Hindi na pala kailangan ng bukas dahil si Mr. Picasso na ang mismong tumawag sa kanya.
"Mr. Picasso!"
"Your father called me a while ago, Armano. Am I right to think that besides the lot in Torri Gemelle, you also have the interest to date my daughter?"
"Did he say that?" Isang mahinang mura ang pinakawalan niya sa isip. Hindi pa niya napag-isipan kung gusto niya ang suhestyon ng Papa niya.
"I like that idea. Come tomorrow to my office so I can properly introduce you two."
"Ow... Is that so?"
"It seems to me that you have already claimed my land yours. My tenants told me that your people started to guard the area so I can't do anything about it. Let's start the agreement then."
Mukhang natuwa ito sa suhestyon ng Papa niya na magkamabutihan sila ni Bianca kaya ito napatawag kahit wala na sa oras ng trabaho. Pero dahil kailangan niya ang lupain nito ay kailangan niya munang pumayag.
Kinabukasan ay binaybay niya ang mahabang kalsada mula Lucca hanggang Pontedera, Italy. Kasama niya ang anim na bodyguards. Kalahating oras lang naman iyon.
Pero bago niya marating ang kompanyang pag-aari ni Donato Picasso ay hinarang na sila ng apat na sasakyan dahilan para umatras sila at makipaglaban sa pagputok ng mga baril para protektahan ang kanilang mga sarili.
Lahat ng bodyguards ay sa kanya itinakip ang mga katawan. Lahat ay nag-alala sa kaligtasan niya. Pero siya ay gustong matamaan ang mga kalaban kaya't nagpaputok siya nang magpaputok ng baril. Mabilis ang pagtapak ni Uno ng accelerator na siyang nagmamaneho ng kotse.
Tumawag naman ang isang tauhan niya ng backup para may dagdag silang tauhan at armas. Mabuti na lang dahil nasaklolohan sila kaagad ng nagbabantay sa Torri Gemelle. Gayunman ay nakatakas ang mga tauhan ni Valentino dahilan para lalo siyang manggalaiti sa inis.
Hindi natuloy ang pakikipag-meeting niya kay Mr. Picasso dahil sa maraming tama ng baril sa sasakyan nila. Si Uno rin ay may tama ng baril sa balikat.
Tumawag siya kaagad kay Mr. Picasso na hindi siya makakarating sa meeting. Inisip naman ng matandang negosyante na wala siyang isang salita at sinabing pinaasa lang niya ang anak nito na si Bianca.
"Orlando Valentino is waiting outside my office to negotiate with Torri Gemelle at a higher price, Armano," desididong wika ng matanda na higit niyang ikinagalit sa mga Valentino. "If Bianca agreed with our terms and conditions, I am sorry to decline our firsf agreement. You know that I am more concern about my daughter's welfare more than anything else."
"But what happened was out of our control, Mr. Picasso. It was an ambushed planned by Orlando Valentino because he wants to steal this project from me!" Hindi niya naiwasang magtaas ng boses.
"Well? This only means you cannot take care of my daughter in times like this, That Valentino is smarter and---."
"No. This only means they are far dangerous." Pinutol niya ang ano pa mang pang-iinsulto sa kanya.
"Buona giornata, Armano. Ti chiamerò quando Orlando non riuscirà a impressionarmi con le sue offerte." (Have a good day, Armano. I will call you when Orlando failed to impress me with his offers.) Mabilis na naibaba na ni Donato Picasso ang telepono.
"Figlio di puttana!"