Bumalik sa kusina si Armano para gumawa ng salad. Kailangan niyang ibaling sa iba ang atensyon kung hindi ay maaadik siya sa isang ito. Annchen seemed so willing to be his slave. Na kahit hindi yata niya hilingin ay kusa nitong ibibigay ang p********e. Sanay naman siya noon pa na hinahabol siya ng mga babaeng gustong mapaugnay sa kanya. Hindi na mabilang sa daliri kung ilang babae na ang nagtangka na masilo siya. Pero iba ang isang ito ngayon. Kay Annchen niya kahuli-hulihang gustong mahulog sa patibong. Hindi siya dapat makaramdam ng kahit na katiting na pag-ibig. Nang matapos siyang gumawa ng salad ay kinuha niya ang telepono sa vault kasama ng importante pa niyang gamit. Iniwan niya si Annchen sa tree house para maglakad-lakad sa isla. Kailangan niyang ibalik ang huwisyo niya na nawaw

