Nang makaalis si Armano sa harap ni Annchen ay nilinis niya ang kusina dala ang excitement sa dibdib niya. Hindi lang pumayag ang binata na makausap niya ang Mama niya, pumayag pa itong puntahan niya ito at makasama sa maghapon. Wala talaga siyang mapagsidlan ng saya ngayon. Kanina ay kulang na lang lumapit siya kay Armano at yakapin ito. Pero nabasa yata nito ang nasa isip niya kaya't bumaba na lang ito at iniwan siyang mag-isa. Binilisan niya ang paglilinis ng kusina habang natatanaw pa niya si Armano na lumusong sa dagat dala ang pamingwit nito. Buti na lang at hindi na ito lumayo kaya't puwede siyang sumunod na hindi matatakot na baka maligaw siyang muli. Hindi niya na ulit lilibutin ang isla mag-isa kahit pa tanghaling tapat. Akala niya'y maliit lang iyon pero masukal din pala at may

