Kanina pa pabalik-balik sa paglangoy si Armano. Masarap ang tubig dahil mainit iyon kahit pa kanina pa kinain ng dilim ang paligid. At sa tagal niya sa paroo't parito sa paglangoy ay hindi pa sana niya gustong umahon. Wala pa siyang maisip na ibang gagawin at wala siyang balak magbabad sa itaas ng tree house kung saan naroon ang bihag niya. It was getting harder every minute. Kaninang nakita niya itong umiiyak out of frustration sa niluto nitong pasta sauce ay gusto niya itong yakapin. She reminded him of his sister Margarita. Mas matapang lang ang kapatid niyang 'yun kaya hindi napigilan ng Papa at Mama niya nang magdesisyon itong sa Amerika mag-aral at magkaroon ng sariling buhay. He underestimated her charm. Akala niya'y katulad lang ito ng mga nakilala niyang babae dati na hinangaan

