Spotlight Heat (Patrick POV)

1517 Words
“Ngumiti ka naman, MVP. Naka-live tayo.” Bahagyang tumagilid ang ulo ni Patrick habang nakatingin sa phone ni Trina na nakaangat sa harap nilang dalawa. Kita sa screen ang sabay nilang mukha, ang ingay ng comments na tuloy tuloy na umaakyat, puro pangalan niya, puro emojis, puro hype. “Relax,” sagot niya, half smile lang, sapat para sa camera. Humigpit ang hawak ni Trina sa braso niya, parang inaangkin siya sa bawat frame. “Hindi pwede yung relax lang. People are watching us.” People. Palaging may audience. Hindi siya sumagot agad. Sanay siya sa mata ng tao. Sa court, sa hallway, sa kahit anong lugar na puntahan niya. Pero iba kapag ganito. Hindi laro. Hindi competition. Relationship na ginagawang show. “Guys, kasama ko ngayon si Patrick,” masiglang sabi ni Trina sa live, halos kumikinang ang boses. “Say hi naman.” Tumingin siya sa camera, nagtaas ng kamay. “Hi.” Sumabog ang comments lalo. MVP. Power couple. Goals. Napangiti si Trina, halatang kinikilig. “See? They love us.” Us. Pinanood ni Patrick ang sarili niya sa screen. Maayos ang buhok. Relax ang aura. Controlled ang expression. Eksakto sa gusto ng mga tao. Pero hindi niya ramdam. “Trina,” mahina niyang sabi, pero hindi niya pinatigil ang live. “Tapos na ba ‘to?” Hindi siya pinansin. “Guys, mamaya may dinner date kami. Ipopost ko yan.” Dinner date. Hindi na siya nagreact. Hinayaan niya na lang. Pinisil ni Trina ang braso niya ulit, mas mahigpit na, parang paalala na kailangan niyang sumabay sa energy. “Halika na, love,” bulong ni Trina habang naka-smile pa rin sa camera. “Let’s give them a good show.” Love. Sandaling tumigil ang mata ni Patrick sa kanya. Maganda si Trina. Energetic. Alive. Laging may spark. Pero parang ang lakas niya masyado. “Okay,” sagot niya, automatic. At doon nagsimula ulit ang performance. Sa loob ng restaurant, hindi nawala ang mga tingin. May mga nagbubulungan. May mga discreet na kumukuha ng pictures. May waiter na masyadong attentive. Normal. Nakaupo si Trina sa harap niya, phone naka-stand, nakatutok sa pagkain. “Wait lang, hindi pa natin pwedeng kainin.” Napatingin si Patrick sa plato. “Gutóm na ako.” “Content muna,” sagot ni Trina, mabilis ang galaw ng kamay habang inaayos ang angle. “Just smile.” Napahinga siya ng mahina. Ngumiti ulit. Click. “Perfect,” sabi ni Trina, tuwang tuwa. “Ang ganda natin dito.” Hindi niya kinontra. Hindi rin niya kinonfirm. Tahimik lang siya habang pinapanood si Trina mag-edit agad. “Post ko na?” tanong nito, pero hindi naghihintay ng sagot. “Go,” sagot niya. Within seconds, may notifications na agad. Lumapad ang ngiti ni Trina. “See? Sabi ko sa’yo eh,” proud niyang sabi. “Ang lakas natin together.” Lakas. Ibang klaseng lakas. Hindi tulad ng sa court. Hindi effort. Hindi pawis. Kundi validation. “Trina,” tawag niya, medyo mabagal ang tono. “Hmm?” hindi siya tumingin, abala pa rin sa phone. “Pwede ba kumain na tayo?” Napatingin sa kanya si Trina, parang ngayon lang siya nakita. “Ay oo nga. Sorry.” Tumawa siya ng konti. “Okay lang.” Hindi naman talaga okay. Pero hindi rin naman big deal. Habang kumakain sila, si Trina pa rin ang nagsasalita. Kwento tungkol sa practice, sa upcoming event, sa collab niya with a brand. Si Patrick nakikinig lang. Paminsan minsan tumatango. Paminsan sumisingit ng maikling sagot. “Alam mo,” biglang sabi ni Trina, tumigil sa pagkain, nakatingin sa kanya, “ang saya ng ganito.” “Ganito?” tanong niya. “Public. Visible. Everyone knows we’re together.” Hindi agad siya sumagot. Tinignan niya lang si Trina. “Hindi ka ba masaya?” tanong nito, may konting seryoso na sa boses. “Masaya,” sagot niya, diretso. Half truth. Ngumiti ulit si Trina, relieved. “Good. Kasi ayoko yung tinatago.” “Hindi kita tinatago,” sagot niya. “I know,” mabilis na sagot ni Trina. “Kaya nga ang saya.” Sandaling tumahimik ang mesa. Hindi niya alam kung anong sasabihin. Hindi siya sanay sa ganitong usapan. Yung may expectation. Yung may direction. Sa kanya, simple lang. Enjoy habang nandiyan. Pag wala na, move on. Pero kay Trina, parang hindi ganun. “Patrick,” ulit ni Trina, mas mahina na. “We look good together, diba?” Napatingin siya sa kanya. Sa confidence nito. Sa assurance na hinahanap. “Yeah,” sagot niya. “We do.” And they did. Pero habang sinasabi niya yun, may parte sa kanya na parang nanonood lang sa sarili niya. Paglabas nila ng restaurant, mas dumami ang tao. May mga nag-request ng pictures. May mga sumisigaw ng pangalan niya. Automatic, hinila siya ni Trina papalapit sa kanila. “Smile,” sabi nito. Sumunod siya. Arm sa likod ni Trina, steady ang posture. Flash. Laughter. Cheers. “Patrick, isa pa!” “Trina, ang ganda mo!” Hindi na bago. Pero ngayon, may kasama na siyang laging nakadikit sa kanya. “Grabe,” natatawang sabi ni Trina habang naglalakad sila papunta sa parking. “Nakaka-adik.” Napatingin siya sa kanya. “Anong nakaka-adik?” “Yung ganito. Yung feeling na everyone’s watching. Everyone’s rooting for you.” Huminto siya sandali. “Para kang nasa stage.” “Exactly,” sagot ni Trina, excited. “And we’re the main show.” Main show. Parang may kumirot sa loob niya. Hindi sakit. Hindi rin saya. Basta may hindi tama. “Patrick?” tawag ni Trina nang mapansin na hindi siya sumasabay sa lakad. “Yeah,” sagot niya, bumalik sa tabi nito. “Okay ka lang?” “Okay lang,” mabilis niyang sagot. Hindi na siya tinanong ulit. Pagdating sa kotse, siya ang nagdrive. Tahimik si Trina sa passenger seat, busy sa phone ulit. “Ang dami nang likes,” sabi nito, hindi makatingin sa kanya. “Trending tayo.” Trending. Napangiti siya ng konti. “Congrats.” “Hindi lang ako,” sagot ni Trina. “Tayo.” Tayo. Pinindot niya ang accelerator, tumingin sa daan. “Patrick,” ulit ni Trina, medyo malambing ang boses. “Hmm?” “Stay ka muna sa condo ko mamaya?” Saglit siyang natahimik. Normal lang naman yun. Ilang beses na rin nangyari. Walang komplikasyon. Pero ngayon, parang may ibang dating. “Sure,” sagot niya. “Good,” nakangiti nitong sagot. Hindi na siya nagtanong kung bakit gusto niya. Hindi na rin niya inisip. Pagdating sa condo, agad siyang hinila ni Trina papasok. Diretso sa living area. “Wait,” sabi ni Trina, pinaupo siya sa couch. “May idea ako.” Napakunot ang noo ni Patrick. “Ano na naman yan?” Ngumiti si Trina, playful. “Couple vlog.” Napahinga siya ng mahina. “Trina.” “Come on,” pilit nito, lumapit, sumandal sa kanya. “Just one video.” Tumingin siya sa kanya. Sa excitement. Sa energy. Hindi siya sumagot agad. “Please,” bulong ni Trina, halos dikit na ang mukha sa kanya. Napapikit siya saglit. Hindi dahil sa kilig. Kundi dahil sa pagod. “Okay,” sagot niya. “Yesss!” tuwang sigaw ni Trina. Mabilis nitong inayos ang phone, nag-set ng angle, nagbukas ng ilaw. “Ready?” tanong nito. “Ready,” sagot niya. Hindi totoo. “Hi guys!” masiglang bati ni Trina sa camera. “Welcome to our first couple vlog.” Sumabay siya. Ngiti. Timing. Presence. “Today,” tuloy ni Trina, “we’re doing a Q and A.” Nagbasa ito ng tanong. “Who confessed first?” Napatingin siya kay Patrick, parang hinihintay ang sagot. “Walang confession,” sagot niya, simple. Natigilan si Trina ng konti, pero ngumiti pa rin. “We just clicked.” Clicked. Nagpatuloy ang video. Tanong. Sagot. Tawa. Perfect. Pero habang tumatagal, nararamdaman niya na parang paulit ulit lang. Same reactions. Same expressions. Same lines. Performance. “Last question,” sabi ni Trina, mas mabagal na. “What are we to each other?” Huminto ang galaw ni Patrick. Napatingin siya sa camera. Tapos kay Trina. Ngumiti ito, pero may hint ng seryoso sa mata. “Answer it,” bulong nito, hindi na pang-camera. Tahimik siya. Hindi niya inaasahan na dito lalabas yung tanong. Hindi pa. Hindi ngayon. “Patrick?” ulit ni Trina, mas mahina. Napatingin siya ulit sa camera. Thousands of viewers. Lahat naghihintay. At sa unang pagkakataon, hindi niya alam kung anong sasabihin. Hindi sapat ang charm. Hindi sapat ang default answers. Kailangan niya pumili. At ayaw niyang pumili. “Trina,” mahina niyang sabi. Hindi siya ngumiti. Hindi rin siya tumingin sa camera. Diretso sa kanya. “Off muna,” sabi niya. Nawala ang ngiti ni Trina. “Patrick…” Hindi pa rin siya gumagalaw. Hindi pa rin niya sinasagot. Nangingibabaw ang ingay ng comments sa screen. Waiting. Watching. Demanding. “Answer it,” ulit ni Trina, mas matigas na ang boses. Huminga siya ng malalim. At saka siya nagsalita. “Hindi ko alam kung ano tayo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD