Exit Already Decided (Patrick POV)

1266 Words
“Wala nang kailangan pag-usapan.” Nakatayo si Patrick sa harap ng salamin sa condo niya, nakaayos na pero hindi pa umaalis. Paulit ulit niyang sinasabi sa sarili niya yung linya na parang mantra, parang pangontra sa kahit anong doubt na pilit pumapasok. Wala nang kailangan pag-usapan. Simple. Final. Clean. Ganun lagi dapat. Pero kahit ilang ulit niyang ulitin, hindi nawawala yung bigat sa dibdib niya. “Pre, sure ka na dyan?” Napalingon siya. Nasa likod niya si Brian, nakasandal sa pader, halatang matagal na siyang pinagmamasdan. “Hindi ako nagdududa,” sagot ni Patrick, agad. “Hindi ko tinatanong yun,” sabi ni Brian. “Tinanong ko kung sure ka.” “Same thing,” sagot ni Patrick. Umiling si Brian. “Hindi. Kasi kung sure ka, hindi ka ganito.” Napabuntong hininga si Patrick. “What do you want from me?” “Wala,” sagot ni Brian. “Pero yung vibe mo ngayon, parang may tinatakbuhan ka.” Napairap si Patrick. “Wala akong tinatakbuhan.” “Trina?” tanong ni Brian. “Ex,” sagot niya agad. “Ex na ba talaga?” balik ni Brian. Napatingin si Patrick, medyo matalim. “Oo.” “Okay,” sabi ni Brian, tumango. “So bakit parang ikaw yung hiniwalayan?” Napahinto si Patrick. Isang segundo. Dalawa. Tatlo. “Ang OA mo,” sabi niya, pilit na binabalik sa normal tono. “Hindi OA yun,” sagot ni Brian. “Observant lang.” Hindi na siya sumagot. Kinuha niya yung relo niya, inayos, parang may importante siyang lakad. “San ka pupunta?” tanong ni Brian. “Out,” sagot niya. “Out saan?” balik ni Brian. “Wala kang kailangan malaman,” sagot ni Patrick. “Alam ko na,” sabi ni Brian. “Kaya lang gusto ko marinig sa’yo.” Napahinto si Patrick sa paglalakad. “Ano bang gusto mong sabihin ko?” “Na wala kang pakialam,” sagot ni Brian. “Na wala lang lahat ng ‘to.” Napangisi si Patrick. “Wala naman talaga.” “Then bakit ka galit?” tanong ni Brian. Hindi agad siya nakasagot. Galit. Hindi siya galit. Hindi dapat. “Hindi ako galit,” sagot niya. “Then bakit ka defensive?” balik ni Brian. “Hindi ako defensive,” sagot niya, mas mabilis. Tumawa si Brian. “Ayan na nga.” Napahawak si Patrick sa pinto, parang gusto nang umalis para tapusin yung usapan. “Brian, stop overthinking,” sabi niya. “Hindi ako nag o overthink,” sagot ni Brian. “Ikaw yung hindi maka stop.” Napabuntong hininga si Patrick. “Tapos na kami.” “Sinong nagsabi?” tanong ni Brian. “Siya,” sagot niya. “Si Trina?” ulit ni Brian. “Oo,” sagot ni Patrick. “Or ikaw?” tanong ni Brian. Napatingin siya. Mas matagal this time. “Anong ibig mong sabihin?” tanong niya. “Simple,” sabi ni Brian. “Ikaw yung unang nagsabi ng ‘we’re done.’ Pero parang hindi ka ready sa consequence nun.” Napairap si Patrick. “Wala namang consequence.” “Sure ka?” balik ni Brian. Hindi siya sumagot. Kasi kung sasagot siya ng totoo, may mali. At ayaw niya ng mali. “Alis na ako,” sabi ni Patrick, pinutol ang usapan. “Go,” sagot ni Brian. “Pero pre…” Huminto siya, hindi lumilingon. “Kung ang pag alis mo sa kanya is para maging lighter ka,” sabi ni Brian, “parang kabaligtaran nangyayari.” Napahigpit ang hawak ni Patrick sa pinto. “Wala kang alam,” sagot niya, malamig. “Baka ikaw,” sagot ni Brian. At doon na siya umalis. Hindi na siya sumagot. Pagdating niya sa parking, walang crowd, walang ingay. Pero mas malakas yung tahimik. Parang mas malinaw lahat pag walang distractions. Dapat. Pero ngayon, kabaligtaran. Pumasok siya sa kotse, pinindot ang ignition, at umalis. Diretso. Walang stopover. Walang isip isip. Kasi kung mag iisip siya, baka magbago pa. At hindi niya gusto yun. Pagdating niya sa campus area kung saan sila nagkikita ni Trina dati, alam niyang wala na siya doon. Pero pinili pa rin niyang pumunta. Hindi niya alam bakit. Habit lang siguro. Routine. Control. Pagdating niya, tama siya. Wala na si Trina. Walang squad. Walang audience. Walang noise. At dapat okay lang yun. Dapat. Pero hindi. Napahinto siya sa gitna ng walkway, hawak ang susi, parang naghihintay ng something na hindi naman darating. “Ang OA,” bulong niya sa sarili. “Wala naman dapat.” Naglakad siya papunta sa bench kung saan madalas sila umupo dati. Umupo siya, tiningnan yung paligid. Walang special. Walang meaning. Pero bakit parang may kulang? “Stop,” sabi niya sa sarili. “Wala kang iniwan.” “Wala kang iniwan sa’yo.” Napahinga siya ng malalim. At doon niya naramdaman yung unang inconvenience. Hindi siya sanay sa tahimik na walang audience. Hindi siya sanay sa walang interaction. Hindi siya sanay na hindi siya hinihintay. Napairap siya. “Pathetic.” Tumayo siya agad, parang sinisipa yung sariling thought. Hindi siya bumalik. Hindi siya nag stay. Umalis siya agad. Dapat ganun. Sa hallway ng campus, may mga dumadaan, may nagbubulungan. “Si Patrick daw.” “Heartbreaker daw.” Napatingin siya sa mga tao, walang reaction. Sanay na siya sa labels. Wala lang yun. Pero habang naglalakad siya, may narinig siyang pangalan na hindi niya inaasahan. “Trina was crying daw last night.” Napahinto siya saglit. Pero hindi siya lumingon. “Deserve niya siguro,” sabi ng isa. Napakunot ang noo niya. Hindi niya alam kung bakit. Hindi niya alam kung bakit may part ng utak niya na hindi gusto yung narinig niya. Pero binalewala niya agad. “Not my problem,” bulong niya. Nagpatuloy siya sa paglakad. Pagdating niya sa cafetaria, nakita niya si Cindy, kapatid niya, nakaupo with Maribel. Nagkatinginan sila ni Maribel saglit. Neutral lang. Walang judgement. Walang anything. Pero may something sa tingin nito na hindi niya mabasa. Parang alam niya. Parang nakikita niya. “Uy,” sabi ni Cindy, masigla. “Kuya Patrick.” “Hi,” sagot niya, flat. “Okay ka lang?” tanong ni Cindy. “Oo,” sagot niya agad. Napatingin si Maribel sa kanya, tahimik lang. Yung klase ng tingin na hindi kailangan magsalita para maramdaman mong may tanong. “Busy ka?” tanong ni Cindy. “Oo,” ulit niya. “Alis ka agad?” tanong niya. “Oo,” sagot niya ulit. Tumango si Cindy, pero halatang may gustong sabihin. Pero hindi niya sinabi. Good. Ayaw niya ng extra noise. Naglakad na siya palabas. Pero bago pa siya tuluyang makalabas, narinig niya yung boses ni Maribel sa likod. “Patrick.” Huminto siya. Hindi siya lumingon agad. “Bakit?” tanong niya. “Wala lang,” sagot ni Maribel. “Ingatan mo sarili mo.” Napairap siya, bahagyang ngisi. “I’m fine.” “Okay,” sagot ni Maribel. Pero yung tone niya, hindi naniwala. Paglabas niya ng campus, sumakay siya ulit ng kotse. At doon niya ulit sinabi sa sarili niya. Wala nang kailangan pag-usapan. Pero habang umaandar siya, may notification sa phone niya. Unknown number. Isang message lang. “Hindi lahat ng pag alis, closure.” Napahigpit ang hawak niya sa manibela. At sa unang pagkakataon, hindi niya agad na dismiss. “Who the hell…” bulong niya. Pero bago pa siya makapag decide kung bubuksan niya ulit yung message, may isa pang pumasok. “Hindi pa tapos, Patrick.” At doon niya nakita yung pangalan sa screen. Bea Llorente. “…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD