MAICY POV
Ang galing galing nilang mag panggap na parang wala lang nangyari. Lumapit sa akin si Scott at mabilis niya akong hinalikan sa labi ko kaya hindi ko na nagawang maka iwas pa.
"I missed you so much. Saan ka ba nanggaling kahapon? Susunduin sana kita kaya lang-"
Tinakpan ko ang bibig niya at napalingon sa mama ko. Mabuti na lamang at may kinakausap ito sa kanyang cellphone.
"Ano ka ba? Wag na natin pag usapan ang nangyari kahapon. Utang na loob!"
Maging si Pia ay nagulat din sa sinabi ko.
"What is going on, bestie?" tanong pa ng ahas kong kaibigan, siya pa nga ang naka isip na bestie ang tawagan naming dalawa tapos gagaguhin niya ako kapag nakatalikod ako.
Lumingon ako sa kanya and gave her fake smile na kasing fake niya.
"May sobrang importanteng bagay lang akong inasikaso kagabi kaya sinabi ko kay mama na nakitulog lang ako sa house mo."
"Teka? Saan ka na naman nagpunta? Bakit ka naglilihim sa akin?"
Ngumisi lang ako sa hayop kong boyfriend. Hiyang hiya naman ako sa ginawa nilang pagtataksil sa akin.
"Basta may pinuntahan lang akong importante," sagot ko sa kanya ng pabalang.
He looked at me na parang hindi ito satisfied sa sagot ko. Sa tagal ba naman naming mag syota, kabisadong kabisado ko na ang facial expression niya.
Umupo na kaming tatlo. Pero imbis na tumabi ako sa kanila, umupo ako sa harapan nilang dalawa ni Pia. I want him to know na nanlalamig na ako sa relationship naming dalawa.
"What is wrong with you? Come and sit beside me," sabi niya.
"Hindi muna ngayon. Gusto kong katabi ang parents ko ngayon lalo na si Dad. At tsaka bagay naman kayong magkatabi ni Pia eh," pahaging ko pa.
Nagtinginan silang dalawa at bago pa man sila makapag salita, dumating si Papa at si tita Emmy. Marami silang mga dalang pasalubong which I guess ay puro chocolate. Tiningnan niya ako at napangiti ito. Tumayo ako at napayakap sa kanya.
Binitawan naman niya yung dala dala niyang chocolate sa akin. Ang init ng yakap ni papa na ngayon ko lang ulit naramdaman after 3 years.
"I missed you so much my daughter. Akala ko talaga mami missed ko ang volleyball competition mo. That is why, umiyak talaga ako sa boss ko nang malaman kong next week na ang competition."
Lalong humigpit ang yakap ko kay Dad dahil sa nakaka touch na sinabi niya sa akin. Ang akala ko pa naman ay sesermunan niya ako kasi mababa ang grades ko. But I was wrong, kahit papaano ay may masayang nangyari na ngayon sa buhay ko.
"Thanks Dad, pangako ko sa inyo na pag iigihan ko ang competition namin sa school."
Samantala, dumating naman si mama at inagaw niya ang atensyon ni papa sa akin kaya naupo akong muli. Sila Pia naman at si Scott, lumapit sila kay papa at nag bless. Overload ang pagiging plastic nila, I can't even stand looking at them dahil sobra talaga akong naiinis lalong lalo na kay Pia na feeling ay parteng parte siya ng pamilyang ito.
After that, naupo kaming lahat at nagsalo salo kami sa hapag kainan. Of course I was seated sa pagitan nila Mom and Dad. And it was the greatest feeling ever para sa akin lalo na't after how many years, ngayon lang kami ulit nakumpleto.
"Teka lang, bakit ayaw mong tabihan ang boyfriend mo?" tanong ni Dad.
"Kanina ko pa po sinasabi kay Maicy yan, pero parang ayaw naman po niya."
"Hmmmm... kayo ba eh may love quarrel na naman ha?" tanong pa sa akin ni Dad, yung tingin niya akin, parang iniisip niya na ako ang nagsimula ng gulo.
I just smiled at my dad kahit na ganito siya tumingin sa akin, "Kayo naman Dad, syempre po gusto ko lang na makatabi kayong dalawa ulit kasi three years na po natin itong di ginagawa. Wala po kaming pag aaway dalawa ni Scott."
Hindi na naka imik pa si papa. Pero si Scott, kitang kita ko pa rin ang pag dududa sa kanyang mga mata.
"Siya nga kamusta ang pag aaral tatlo ha?" tanong ni Dad ulit.
"Mabut naman po ang pag aaral naming tatlo," sagot ko. "Pero ang pinaka top priority talaga namin ay yung sa competition kasi kailangan namin mabigyan ng karangalan ang school namin."
"Kaya nga po eh," pananabat pa ni Pia, "Pero hindi naman po namin napapabayaan ang pag aaral naming tatlo."
"That's good to know! At least kahit papaano naman ay magkakasundo pa rin kayong tatlo. Siya nga pala, expect niyo na pupunta kaming dalawa ng asawa ko para suportahan kayo sa competition. Pagkatapos ay nakatakda rin akong bumalik sa America kasi kailangan kailangan ako ng trabaho ko."
I really appreciate my Dad's sacrifice para sa aming mag ina. Mabuti na lang talaga at kahit papaano ay matataas din ang mga grades ko sa school. Kahit papaano ay may pambawi naman ako sa kanya. But I will have my revenge on my damn cheater boyfriend at kay Pia. Ipapangako ko yan sa sarili ko!
Kinagabihan, isang masamang balita ang nasagap namin sa group chat namin sa volleyball team.
"Sorry guys, I cannot be with you tomorrow onwards at baka maging sa competition ay wala ako. My mother has died and I have to go to Samar para sa kanyang burol. But anyway, you have a new professor in Algebra at siya rin ang magiging coach ninyo later sa training."
Kahit na may pagka strict si Ma'am Deborah, siya pa rin naman ang gusto kong maging coach namin sa darating na competition kasi magaling siyang mag turo. Good luck na lang talaga sa team namin kung may magiging bago kaming professor.
Tomorrow morning, Monday, 6 am pa lang ng umaga ay nagising na ako. Kailangan kong pumasok ng maaga para hindi ako ma late sa klase namin sa bagong professor na ito. Nakakatuwa lang na imbes na magco commute dapat ako, ay si Dad na mismo ang nag hatid sa akin sa school just like the old times.
Pagpasok ko sa room, kaunti pa lang kami sa klase. But instead na tumabi ako sa upuan ni Pia, sa unahan ako naupo because I hate sitting beside my snake friend. Dumami kami ng dumami sa klase ngunit wala pa rin sila Pia at si Scott. Kung ano ano kaagad ang pumasok sa isipan ko.
Pagtungtong ng 8 am, bumukas ang pintuan ng classroom namin at nagsimulang maghiyawan ang mga kaklase ko. Pero ako, pinagpawisan ng husto ng makita ko ang bagong professor namin.