MAICY POV
Nang imulat ko ang mga mata ko, nahihilo pa rin ako. Nagdo doble ang vision ko at ang bigat bigat ng ulo ko. Ganito pala ang feeling ng may amats. Suddenly, nag ring ang cellphone ko sa bandang kaliwa ng kama. Kinapa kapa ko ito hanggang sa makita ko.
I swiped my phone to answer the call without even looking who's calling me.
"Hello?" tinatamad kong sabi.
"Ano na Maicy? Where have you been? Ang sabi mo ay hanggang 3 pm lang ang practice ninyo. Pero hindi ka pa rin umuuwi hanggang ngayon!" galit na galit na sabi ng mama ko.
Nanlaki ang mga mata ko sa pagkagulat. I woke up and realized that I am completely naked. Ang sakit pa ng mga hita ko at p********e ko. Wait lang... pino proseso ko pa ang nangyari sa akin. Where I have been last night? Ano ang nangyari at nasaan ako? Tinitigan ko ang buong paligid, nasa isang kwarto ako na ang ganda ganda.
Then my gaze turned into my clothes lying on the ground. Ngayon ko lang napagtanto na galing ako sa bar kagabi because I was broken ng makita ko ang pag che cheat sa akin ni Scott at ni Pia. And I ended up talking to Jericho, sumayaw kami hanggang sa nahilo ako.
"Ma... sorry... nakitulog lang po ako sa apartment ng kaibigan ko," pagsisinungaling ko na ngayon ko lang ginawa sa buong buhay ko. Nagu guilty ako pero kailangan kong pagtakpan ang kamalian na ginawa ko!
"Today is Sunday and supposedly our family day. Sana ay makarating ka bago ka madatnan ng papa mo na wala rito."
"What the hell? Akala ko ay next week pa ang uwi niya?" nagtatakang tanong ko.
"Well, he lied to us dahil gusto niya tayong sorpresahin. And also, he invited Pia at Scott. Sure ako na magiging masaya ang bonding nating lahat. So please come here earlier, okay honey?"
Binabaan na ako ni mama ng tawag. Natutulala ako sa mga nangyayari. Una, sinaktan nila akong dalawa. Ikalawa, hindi na ako virgin, at ikatlo, uuwi pa si papa ngayon. I wanted to get loss, wala ako sa mood para makita nila akong ganito.
But because I am afraid of my dad, I guess wala na akong ibang choice. I checked my bag and my wallet, everything looks so fine. Hindi naman ako nanakawan. May pamasahe pa naman ako pauwi, I took a shower and reused my clothes.
Pag uwi ko sa bahay namin, mabilis akong nagtungo sa kwarto ko. Mabuti na lamang at busy si mama sa pagluluto sa kusina kasama ng tita ko. Marami nang mga pagkain sa lamesa at ang kalat kalat. Nagpalit ako ng damit at shorts, nag make up at nagpabango.
Papaalis na sana ako ng biglang makatanggap ako ng chat kay Scott. Napagtanto ko na marami na pala siyang mga chats sa akin. Sa sobrang tindi lang ng galit ko kaya hindi ko siya nasagot.
"Babe, on the way na kami ni Pia. Sinabay ko na siya sa kotse ko, inimbitahan kami ni tita Maricel kasi darating daw si tito Darson."
Ngumisi ako, talagang matigas ang mukha nilang dalawa para magsama ulit. Sure na sure akong hindi lang halikan ang ginawa nilang dalawa- more than that! I wanted to slap them, lalong lalo na si Pia. Tinuring ko siyang parang totoong kapatid ko at pagkatapos ay gaganituhin niya ako.
Seen ang message niya sa akin. The same goes with Pia na marami ring mga chats sa akin, nag aayang mag hang out ulit kasama ng iba pang mga volley ball players. Tapos ang huling message niya sa akin, sinabi niya na pinick up lamang siya ni Scott at wag raw sana akong magalit.
She is never like it before, kapag magkasama silang dalawa ni Scott, she never asked for my permission. Masyado siyang defensive, napaghahalataan na nanloloko.
Bumaba na ako, may iilang mga pagkain nang nakahain sa lamesa kagaya ng spaghetti at menudo na paboritong paborito ni papa.
Mabigat kong iniyayapak ang paa ko sa hagdan, sa dami ng hindi magagandang nangyari sa akin kahapon at kagabi, umaga pa lang ay wala na akong kalakas lakas.
Pagkarating ko sa kusina, nag bless ako kay mama at tsaka ako kumuha ng tasa para makapag timpla ako ng kape.
"Hoy saan ka nga galing? At tsaka bakit para yatang namumutla ang pisngi mo?" tanong niya.
Pagkatapos kong mag timpla ng 3 in 1 na kape, naupo ako at tsaka ko siya sinagot.
"Ma, sabi ko sa practice ako nagpunta di ba? Tapos nagkaroon kami ng kaunting kasiyahan ng mga tropa ko at pagkatapos nakitulog muna ako sa bahay ni Pia," pangalawang beses na pagsisinungaling ko sa kanya sabay higop sa kape ko.
Pinatay niya ang kalan at lumingon ito sa akin.
"Anak, igihan ninyong dalawa ni Pia ang tournament ha? Make us proud, lalo na't isa yan sa dahilan kung bakit umuwi ng Pilipinas ang papa mo."
"Nasaan pala si tita?" tanong ko.
"Ayun, siya na raw ang susundo sa papa mo sa airport. Nakita ka nga niyang paakyat kanina kaya lang parang nagmamadali ka raw."
Napatingin ako sa spaghetti at kumalam kaagad ang sikmura ko dahil sa gutom. Kagabi pa pala ako hindi kumakain.
"Mamaya na yan. Hintayin muna natin ang mga bisita bago tayo kumain."
"Bakit ma? May iba pa ba tayong bisita?" pagtataka ko.
"Wala naman masyado. Yung boyfriend at kaibigan mo lang. Nasaan na ba sila? Sana naman ay mauna silang dumating rito kaysa sa papa mo."
"On the way na raw po silang dalawa," sagot ko, sabay higpit ng hawak ko sa baso ng kape. I am not excited so see any of them dahil parehas lang silang manloloko.
Speaking of the devil, nag bukas ang pintuan namin at lumitaw sa harapan ko sila Scott at Pia na mayroong parehas na dalang paper bag. At napansin ko lang, yung paper bag na dala ni Scott ay yung binigay ni Pia kahapon.
"Oh bakit ka pa nakaupo jan? Buksan mo ang pinto, Maicy!"
Tumayo ako at naglakad papalapit sa mga traydor na mga tao sa buhay ko.