JERICHO POV Matindi ang galit ko kay Scott at kay Pia after what they have done to Maicy. Bilang isang professor nila, isang mabigat na kaso ito para sa akin. But I know I can only do this kind of thing, yung papahirapan ko sila sa loob ng klase namin para naman makaganti na ako kahit papaano. Pero masaya ako na nandito si Maicy sa loob ng condo unit ko ngayon. Kailangan ko siyang paglutuan ng masasarap na pagkain habang nandito siya sa loob para naman maulit pa siya rito. Adobo at sinigang ang inihanda ko para sa kanya. Nagsaing din ako ng maraming kanin para kung sakali mang marami siyang kainin, hindi na ako bibili pa sa labas. Medyo alanganin na rin siguro kung papasok kaming dalawa ngayon. Aattend na lang kami ng practice para mamaya sa volleyball, kung minor subject lang naman

