JERICHO POV Pag labas ko, nagulat na lamang ako ng makita ko na isasakay na sana ng lalaki si Maicy sa sasakyan. Dito na ako umeksena. "Excuse me pare, saan mo dadalhin iyang babaeng kasama mo?" seryosong tanong ko. Lumingon siya sa akin pero napatitig ako kay Maicy na halos naka pikit na ang mga mata. "Bakit pare? Girlfriend ko itong kasama ko. Ano bang pakialam mo? Just mind your own f*****g business man!" Lumingon ako sa kanya. Medyo bata pa pala ang hitsura ng gagong ito. Ayaw ko nang mag cause ng gulo kaya ipinakita ko na lang sa kanya ang id ko. "Ako ang professor ng babaeng bitbit mo. Kapag hindi mo siya binitawan, sisiguraduhin ko sayo na malilintikan ka sa akin. Trust me, menor de edad pa yang babaeng hawak hawak mo!" Mabilis niyang binitawan si Maicy. Mabuti na nga lang at

