MAICY POV All of a sudden, parang naamoy ko yung pabango ni sir Echo. Napaka unique lang kasi ng amoy na ito kaya siya ang nauuna kong isipin. Naalala ko tuloy yung sinabi niya na nag aalala siya para sa kaligtasan ko. Lumingon ako sa paligid. Maaaring nandito yang mokong na yan dahil sumunod siya sa amin. Napaka tanga ko lang na hindi ko ito naisip kanina. May pagka makulit pa naman ang lalaking iyon. "Maicy, hayaan mo na yung boyfriend mo. Babalik din siya, sure naman ako na babalik siya rito." I turned to Pia, na disappoint ako na hindi ko nakita si sir. Sure ako na sa kanya ang pabango na ito at malapit lamang siya sa area namin. Pero mas pinipili niya yata na magtago sa paningij ko. Sabagay, kung nandito siya ngayon, malamang siguro ay interesado siya sa akin. Ilang minuto a

