SCOTT POV Natutuwa ako ng muli kong makita si Pia at si Maicy na magkasama. Kanina ay nakita ko kung paano sila maglaro ng volley ball. Pero masasabi ko na di hamak na mas magaling talaga si Pia kaysa kay Maicy. "Scott?" sabay nilang sabi. Para hindi ako mahalata ni Maicy, sa kanya ako unang lumapit. At tutal, wala namang ibang makakakita sa amin, hinalikan ko kaagad siya sa lips. But at the edge of my eyes, nakita ko naman si Pia na sumama ang tingin sa akin kaya ihininto ko ang pag halik kay Maicy. Ayaw ko na aawayin na naman niya ako mamaya dahil sa nakita niya. Humarap ako ng nakangiti kay Maicy. "Sorry kung hindi magtagpo ang schedule nating dalawa. Pero masasamahan naman kita ngayon." In spite of explaining myself to her, she does not even look convince. Binigyan lang niy

