Thirdperson POV Napakurap si Adrian. Inipon niya ang buong lakas para mapanatiling panatag ang loob, ngunit ang panginginig ng mga kamay ni Roxane at ang nag-aapoy nitong mga mata ay nagpahiwatig na hindi ito ordinaryong tampuhan lang. "Roxane please makinig ka muna sa akin," pakiusap ni Adrian sinubukang kunin ang kamay ng asawa ngunit mabilis itong hinarangan ni Roxane. "Makinig sa alin Adrian? Sa mga kasinungalingan mo?" sigaw ni Roxane. Lumayo siya ng ilang hakbang, parang diring-diri na malapitan ng asawa. "Pagod na pagod na ako Adrian! Pagod na pagod na akong maging temporary wife sa buhay mo! Pagod na akong maging sunod-sunoran sayo. "Ano bang sinasabi mo? Hindi ka temporary wife. Ikaw ang asawa ko." giit ni Adrian na mataas na rin ang boses dahil sa frustration. "Asawa? Pero b

