Prologue
“Oy girl mamaya ha!” Napalingon ako kay Liza na nakangiti habang kinukurot ang braso ko.
“Alam mo naman na ayaw ko sa maraming tao,” sagot ko habang nakatutok pa rin ang mata ko sa laptop.
Kahit break time, hindi ko kayang iwan ang ginagawa ko. Kailangan kong matapos ang report bago matapos ang araw. Deadline na bukas isang pagkakamali lang, pwede akong mawalan ng trabaho at hindi pwede ‘yon.
"Mandatory kaya 'to at bawal tumangi," giit niya.
Napabuntong-hininga ako. Hindi ko rin alam kung paano niya ako napapayag. Siguro dahil pagod na ako. O baka gusto ko lang maramdaman kahit saglit na normal ako.
Pagpasok pa lang namin sa hotel, parang gusto ko nang umatras.
Maliwanag, maingay, maraming tao na halatang sanay sa ganitong lugar. At ako pakiramdam ko isang dayo lang.
Simple lang ang suot kong itim na dress. Maayos pero halatang hindi kasing mamahalin ng suot nila.
“Ngumiti ka naman,” bulong ni Liza.
Pinilit kong ngumiti kahit gusto ko nang umuwi. Gusto kong bumalik sa hospital. Gusto kong makita si Papa.
“Mag-drink ka muna,” sabay abot niya ng baso.
“Hindi ako umiinom.”
“Ngayon lang. Pamparelax.”
Napatingin ako sa paligid. Lahat sila masaya. Ako lang ang hindi, kaya kinuha ko ang baso at ininom.
Mapait, pangit ang lasa at mainit sa pakiramdam habang bumababa sa lalamunan ko.
“Isa pa,” sabi ko.
Napangiti si Liza. “Ayan, ‘yan ang gusto ko.”
“Isa pa,” ulit ko na mas mataas ang tono.
“Dahan-dahan lang,” paalala niya pero binigyan pa rin ako.
Hindi ko na alam kung ilang baso na ang nainom ko. Isa dalawa o baka lampas pa.
Basta ang alam ko, gumaan ang pakiramdam ko.
Sa wakas, kahit sandali hindi na ako si Roxane na laging pagod. Hindi na ako yung babaeng laging nag-aalala kung may pambayad pa ba sa hospital
“See? Kaya mo naman pala eh!" natatawang sabi ni Liza bago siya tuluyang mawala para kausapin ang ibang officemates.
Iniwan niya akong mag-isa. Pero sa pagkakataong iyon, hindi na ako naiilang. Hindi na ako nahihiya. Parang hindi na ako si Roxane na tahimik at seryoso.
“Mas okay pala dito,” bulong ko habang nakatingin sa ilaw na nagre-reflect sa tubig.
“First time mo?”
Napalingon ako sa lalaki na nakatayo ilang hakbang ang layo mula sa akin.
Matangkad, Nakasuot ng itim na suit. Simple lang siya pero hindi mo pwedeng hindi mapansin. At ang mga mata niya nakatuon lang sa akin.
“S-sino ka?” nauutal kong tanong.
“Someone who noticed you’ve been drinking too much.”
Napatawa ako. “Wala kang pakialam.”
“Meron,” diretso niyang sagot.
Napatigil ako hindi ko alam kung bakit pero mukhang naiinis ako.
“Hindi ka bagay sa lugar na ‘to,” dagdag niya.
“Tingin mo?” sagot ko na medyo pagewang gewang pa ang tayo kaya napahawak ako sa railings.
Agad siyang lumapit hindi niya ako hinawakan pero nandun siya. Malapit lang parang ready kung sakaling matumba ako.
“Careful,” mahina niyang sabi.
Napatingin ako sa kanya dahil mas malapit siya. Mas malinaw ko na nakikita ang mukha niya.
“Bakit ka nandito?” tanong niya.
“Trabaho lang,” sagot ko agad.
“Hindi ka mukhang nag-e-enjoy.”
Napangiti ako ng mapait.
“Kailangan ko ng pera. May sakit ang tatay ko.”
Saglit siyang natahimik. Tinitigan niya ako na animo'y may gustong sabihin pero pinigilan niya.
“Anong pangalan mo?” tanong niya.
“Roxane.”
“Roxane…” ulit niya, parang kinakabisado.
“Eh ikaw?”
“Adrian.”
Hindi ko namalayan kung paano kami napunta sa ganitong usapan. Hindi rin ako sanay makipag-usap sa estranghero. Pero sa kanya parang ang dali.
“Hindi ka dapat mag-isa,” sabi niya.
Natahimik ako at hindi ko alam kung dahil sa alak o dahil sa kanya.
Unti-unti siyang lumapit. Napatingin ako sa mga mata niya saka sa labi niya.
“Adrian…” bulong ko.
Hindi na siya nagsalita. Dahan-dahan niyang hinawakan ang pisngi ko at hindi ako umiwas.
Nagtagpo ang mga labi namin maingat pero may init. Napakapit ako sa leeg niya. Sa sandaling iyon, nawala ang lahat ang problema ko.
Hinawakan niya ang kamay ko
“Come with me,” mahina niyang sabi.
Hindi ako nagtanong pero sumunod lang ako. Pagbukas ng pinto ng kwarto, sinalubong kami ng malamig na hangin at amoy mamahaling pabango.
“Sigurado ka?” tanong niya ng mas mahina na ngayon.
Hindi ako sumagot. Hinawakan ko lang ang polo niya at hinila siya palapit.
Isinara niya ang pinto. Isinandal ako roon at muling dumampi ang labi niya, mas mainit at mas sabik. Hinubad niya ang suot niya habang hindi inaalis ang tingin sa akin.
Dahan-dahan akong inihiga ni Adrian sa kama at pumunta sa ibabaw ko. Ramdam na ramdam ko ang tigas ng katawan niya na dumidikit sa balat ko.
Hindi siya nag alinlangan pa. Agad niyang hinawakan ang dibdib ko ng mahigpit at madiin gamit ang palad at mga daliri niya.
“Ahh! Adrian.” napa sigaw ako ng malakas na nakakuyom ang mga kamao ko sa kumot.
Bumaba ang halik niya sa leeg ko, pababa sa tiyan ko hanggang sa maramdaman ko na ang paghihiwalay ng mga hita ko at ang pagpasok niya. Doon ko naramdaman ang sobrang laki ng sandata niya.
“Ang laki mo.” nauutal kong bulong habang napakapit nang mahigpit sa balikat niya.
Dahan-dahan niyang ipinapasok hanggang sa mag labas pasok ito. Malalim at mabigat ang bawat hagod.
“Ang sarap Roxane... ang sikip at mainit sa loob mo.” ungol niya sa tenga ko habang patuloy sa ginagawa.
Habang gumagalaw siya sa loob ko ay hindi niya binitawan ang dibdib ko. Paulit-ulit niya itong hinahawakan, pinipisil at kinukurot habang nakatingin sa mga mata ko.
“Look at me.” utos niya.
Tiningnan ko siya habang patuloy siya sa pagpapasok at paglabas nang mabilis. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang pag sabog sa loob ko.
Nang makaramdam ng pagod ay tuluyan na akong pumikit. Hindi ko na alam kung kailan ako nakatulog.
Kinabukasan bigla akong napamulat. Ramdam ko pa sakit ang ulo ko. Mabigat ang katawan ko at wala na siya. Napabangon agad ako.
“Adrian?” tawag ko.
Tahimik at parang panaginip lang. Napakunot ang noo ko habang bumangon.
Dumapo ang tingin ko sa side table. May nakalapag doon isang card kaya kinuha ko iyon.
“Blackwood Corporation?" Parang na-freeze ako sa kinatatayuan ko.