Two months ago
“Stress lang ‘yan Roxane,” bulong ko sa sarili sabay hakbang papasok sa hospital kung saan naka-admit si Papa. “Normal lang ‘yan sa babaeng sobrang pagod.”
Pero kahit paulit-ulit ko iyong sabihin, mas lalo lang lumalakas ang kaba sa dibdib ko. May kakaiba talaga alam ng katawan ko na may iba.
Nakatayo ako sa harap ng maliit na clinic sa may kanto hawak ang isang supot na may lamang pregnancy test kit. Nanginig ang mga kamay ko nang sobra, basa na rin ang daliri ko sa pawis.
“Hindi ito totoo,” bulong ko habang nakatitig sa kulay puting kahon.
Parang gusto ko nang umatras. Parang gusto kong itapon na lang ito at magpanggap na walang nangyayari. Pero hindi ko kaya kailangan kong malaman.
Pagpasok ko sa banyo ng clinic, halos hindi na ako makahinga. Parang sumikip ang buong paligid. Mabilis kong inilapag ang maliit na stick sa lababo, nanginginig ang mga daliri ko habang sinusunod ang instructions.
Pagkatapos, napasandal ako sa pader.
Pumikit ako sandali hanggang unti- unting nagiging kulay pula ang lumabas at dalawang guhit.
Nanigas ang buo kong katawan habang nakatitig sa test kit. Ang dalawang linyang 'yon ay nakakatakot.
“Hindi pwede," bulong ko.
“Hindi pwede.. hindi pwede to."
Pero alam kong pwede. Alam kong posible dahil lang sa isang pagkakamali. Yung gabing na lasing ako. Yung gabing hinayaan ko ang sarili ko na maramdaman ang init at pagmamahal ng iba. At ngayon, heto na ang kapalit.
Napaupo ako sa malamig na tiles ng banyo, hawak ko parin ang test kit. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakaupo roon habang nakayuko at tinatanggap ang katotohanan.
Buntis ako at hindi ko kayang itago ang bigat ng lahat ng nangyayari. Kaya nagdesisyon akong mag-resign sa trabaho ko.
Hindi ko ginusto pero hindi ko na kayang magpanggap na okay ako habang patuloy na gumuguho ang mundo ko.
Hindi ko na kayang pumasok sa opisina na parang walang nangyayari, gayong sa isip ko ay may batang nabubuo sa tiyan ko at may isang ama na unti-unti nanghihina sa hospital kaya nagpasa ako ng resignation letter. Tahimik lang at wala ng mahabang paliwanag.
Dalawang buwan na simula ng mawalan ako ng trabaho. Hirap na din ako bumangon araw-araw ng walang kasiguraduhan.
Lumalaki na ang tiyan ko at mas lalo ring lumalala ang kondisyon ni Papa. Masikip na rin ang mga damit ko. Napilitan akong magsuot ng maluluwag na damit para maitago ang pagbabago sa katawan ko. Mas mabilis na rin akong mapagod kahit simpleng lakad lang ay hinihingal na ako.
Kinagabihan nagpunta ako ng hospital. Si Papa natutulog pa rin dahil sa gamot. Mukhang masarap ang tulog niya pero alam ko kung gaano siya nasasaktan. Yung kapatid ko umuwi muna para mag-aral at magpahinga.
Ako nandito nakaupo sa gilid ng kama, nakatitig sa sahig hawak ang sarili kong tiyan na wala pa namang pagbabago. Pero sa akin sobrang laki na at mabigat.
Paano ko sasabihin sa kanila na buntis ako? Paano ko ipapaliwanag na may dinadala ako at hindi ko man lang alam kung saan mahahanap ang ama nito? Paano ko sasabihin na naging mahina ako ng araw na 'yon?
Napapikit ako ng mariin pilit nagpipigil ng luha.
“Anak,” tawag ni papa kaya napalingon ako.
“Pa, gising ka na pala.”
Ngumiti siya ng konti, kitang-kita ang panghihina sa mukha niya. “Bakit parang ang bigat ng iniisip mo? Parang dinadala mo na ang buong mundo eh.”
Umiling ako. “Wala po ‘to. Stress lang sa trabaho.”
Kinuha ni papa ang kamay ko malamig ang palad niya. “Roxane anak ama mo ako. Kilala kita mula pagkabata alam ko kapag may tinatago ka. Huwag mong pasanin lahat 'to ng mag isa.”
Mas lalo akong napahawak sa kamay niya. Gusto ko nang magwala at sabihin ang lahat pero pinigilan ako ang sarili ko.
Ngumiti ako nang maliit. “Okay lang po talaga ako Pa. Magpapahinga na po kayo.”
Napa buntong hininga siya at pumikit ulit. Naiwan akong nakatulala hawak ang sikreto na ito.
Isang araw, tinawag ako ng doktor sa opisina niya. Seryoso ang mukha niya at walang halong biro.
“Roxane,” bungad niya. “Kailangan nating baguhin ang mga gamot ng papa mo. Lumalala ang infection. Kailangan niya ng mas mahabang gamutan, mas mahal na antibiotics at mas mahal na maintenance. Kung hindi natin ito mabibili at maipagamot baka hindi na niya kayanin.”
Nanlamig ang buong katawan ko na parang binuhusan ako ng malamig na tubig.
“Doc magkano po ang aabutin?” nauutal kong tanong kahit alam kong hindi ko kakayanin.
Sobrang laki ng perang hinihingi ni Doc. Perang hindi ko makikita kahit pagsumahin ko ang sweldo ko ng isang taon.
“Doc wala po akong ganoong pera. Ginagawa ko na po ang lahat eh!”
“Naiintindihan ko Roxane. Pero ito lang kasi ang paraan kung hindi, lalala ang kondisyon niya. Maaaring ma stroke siya o bumigay ang organs niya.”
Parang sinampal ako ng katotohanan. Umalis ako ng hospital na parang walang lakas ang mga paa ko. Parang tinatangay ako ng agos na hindi ko kayang labanan.
Paano gagaling si Papa? Paano ko aalagaan ang kapatid ko? At paano ko itatago ang dinadala ko habang lumalaki ito sa loob ng tiyan ko?
Nakaupo ako sa maliit naming apartment. Tahimik, malamig at ako lang mag-isa kasama ang bata sa sinapupunan ko.
Napatingin ako sa maliit na salamin na nakasabit sa dingding. Doon ko nakita ang sarili ko.
Hindi na ako yung dating Roxane. Yung Roxane na puno ng pangarap. Yung Roxane na akala niya makakaraos sa buhay nang maayos.
Napahawak ako sa aking tiyan. Maliit pa lang pero ramdam ko na siya.
“Hindi ako pwedeng tumigil,” sumpa ko sa sarili habang tumutulo na ang luha sa pisngi ko. “Hindi ako pwedeng sumuko.”
Nagagalit ako sa sarili ko, galit ako sa lalaking iniwan ako at nagbigay sa akin ng ganitong problema.
Natatakot ako na baka hindi ko kayanin. Takot na baka mawala si Papa. Takot na baka hindi ko mapalaki nang maayos ang anak ko.
Kailangan kong magtrabaho ulit. Kahit ano gagawin ko para magkaroon ng pera dahil kung hindi baka mawala sa akin ang lahat ng pamilya ko.
Huminga ako nang malalim, pinunasan ang luha at tumingin sa salamin nang may bagong pagasa. Babawi ako. Kahit anong mangyari, makakaraos tayo.