Chapter 2

1089 Words
Hindi ko na alam kung ilang resume ang naipasa ko isa, dalawa o nasa sampo na. Lahat sila pare-pareho ang sagot. “We’ll get back to you.” Pero wala naman ako natanggap na text kahit isa. Wala akong oras para umiyak. Wala akong oras para maawa sa sarili ko. Kailangan kong kumita. Kailangan kong mabuhay. Kailangan kong iligtas si Papa. At sa bawat gabi na nakatitig ako sa maliit naming kisame, mas lumalaki ang takot ko hindi lang para sa kanya, kundi para sa buhay na unti-unting lumalaki sa loob ko. “Ate Roxane, kumain ka muna,” sabi ng kapatid ko habang inilalapag ang kanin sa mesa. “Busog pa ako,” sagot ko kahit hindi naman totoo. Napatingin siya sa akin. “Hindi ka na kumakain ng maayos.” Ngumiti ako nang pilit. “Nag-iipon lang ako ng gana.” Hindi siya naniwala. Alam ko pero hindi ko kayang ipaliwanag. Hindi ko kayang sabihin na kahit simpleng pagkain, iniisip ko pa kung saan kukunin ang pambayad sa hospital. Hindi ko kayang aminin na mas inuuna ko ang gamot ni Papa kaysa sa sarili kong kalusugan. At lalong hindi ko kayang sabihin na may isa pang buhay na umaasa sa akin isang batang wala pang kamalay-malay sa gulo ng mundong papasukin niya. Kinabukasan nag-scroll ako sa cellphone ko habang nakahiga sa maliit na kwarto may nakita akong post. “URGENT HIRING: Executive Assistant (WFH Setup) High salary, flexible schedule. Send CV now.” Natigilan ako work from home. "Ayos na ayos 'yon ha." Pinindot ko agad ang link. Nag-fill up ako ng application form na halos nanginginig ang mga kamay ko. “Please,” bulong ko habang nag-aattach ng resume. “Kahit ito lang.” Hindi ko alam kung bakit pero parang ito na ang huling pagkakataon ko. Kung hindi pa rin ako palarin hindi ko na alam kung saan pa ako mag a apply. Pagkalipas ng dalawang araw tumunog ang phone ko. Unknown number? “Hello?” “Is this Roxane dela Cruz?” “Opo.” “Please proceed to Blackwood Corporation main office tomorrow at 9 AM. Final interview.” Hindi ko alam kung bakit pamilyar ang pangalan. Pero hindi ko na inisip pa. “Thank you!” agad kong sagot. Pagkababa ng phone, napaupo ako sa kama. “May trabaho na ako,” bulong ko. Napangiti ako sa wakas may nakapansin din sa resume ko. Nakatayo ako sa harap ng dambuhalang building ng Blackwood Corp. Kinakabahan ako, hindi dahil sa laki ng kumpanya, kundi dahil sa pangalan nito na parang pamilyar. “Pasok ka na Roxane,” sabi ko sa sarili. Huminga ako nang malalim at pumasok. Malinis ang loob, tahimik lahat ng tao ay parang sanay dito. “Good morning, I’m here for interview,” sabi ko sa receptionist. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. “Name?” “Roxane dela Cruz.” “Please wait.” Umupo ako sa waiting area. Hindi ako mapakali dahil sa malakas ang pintig ng puso ko. “Ms. dela Cruz?” Napalingon ako. “HR is calling you. Please proceed to the CEO’s office.” “C-CEO’s office?” tanong ko sa kanya. Tumango siya. “Right now.” Habang umaakyat ako sa elevator, parang lumalakas ang t***k ng puso ko. Bakit doon? Hindi ba HR interview dapat? Bawat segundo sa loob ng elevator parang isang oras. Ramdam ko ang pawis sa palad ko, ang bigat ng dibdib ko at ang kaba na hindi ko maipaliwanag. Ding. Bumukas ang elevator door kaya humakbang ako palabas. Tahimik ang buong floor. Mas tahimik kaysa sa baba. Nakita ko ang isang pinto sa dulo. Malaki may kulay Itim at mukhang nakakatakot lapitan. “Knock ka lang,” bulong ko sa sarili ko. Dahan-dahan akong lumapit at kumatok. “Come in.” Narinig ko ang isang boses tila may kung ano sa pangalan niya, mukha siyang kalmado. Marahan kong binuksan ang pinto at basta na lang umupo. Natigilan ako ng makita ko ang isang lalaki sa harapan ko. Nakatayo sa loob ng opisina. Nakasuot ng itim na suit. Malamig ang aura at matikas ang tindig. Unti-unti siyang tumingala. Nagkatinginan kami. Biglang lumakas ang t***k ng puso ko. “Ikaw," mahina niyang sabi. Nanlamig ako dahil kahit ilang buwan na ang lumipas. Kilalang-kilala ko pa rin ang mukha niya. Ang lalaking pilit kong kinalimutan. Ang lalaking hindi ko dapat naalala pero siya ang dahilan kung bakit ako ganito ngayon. Napaatras ako ng isang hakbang. “Sir ako po si—” hindi ko na natapos ang sasabihin ko. “Roxane.” Banggit niya sa pangalan ko na parang matagal niya itong hinanap. Napahigpit ang hawak ko sa bag ko. “Anong ginagawa mo dito?” tanong niya. Napayuko ako. “Applicant po.” Tahimik parang walang gustong magsalita. “Applicant?” ulit niya, parang hindi makapaniwala. Unti-unti siyang naglakad palapit. Bawat hakbang niya, parang lalong bumibigat ang hangin sa paligid. Hanggang sa huminto siya sa harap ko. “After what happened... bigla ka na lang nawala.” Humigpit ang panga niya habang nakatingin sa akin. “Alam mo ba kung ilang araw kitang hinanap?” Napalunok ako. “Kung ilang beses akong bumalik sa lugar na ‘yon, umaasang makikita kita ulit?” Tumawa siya nang mahina, pero walang saya. “Tapos ngayon… parang wala lang sa’yo?” Hindi ako sumagot, ayaw kong sagutin dahil hindi ko kayang sabihin na buntis ako. Na araw-araw kong kinikimkim ang katotohanang may anak kami. Siya ang dahilan kung bakit ako lumalaban ngayon. “Sumagot ka, Roxane,” mas mariin na ang boses niya. Napapikit ako. “Wala pong dapat pag-usapan, Sir,” mahina kong sagot. “Sir?” ulit niya, may halong galit sa tono niya. “Ganun na lang?” Hindi ako makatingin sa kanya alam ko sa sarili ko na galit siya. “Interview po ba ito o hindi?” Tinitigan niya ako nang matagal, tila binabasa ang bawat kilos ko. Ang paningin niya ay bumaba sa aking katawan, at bigla nalang ako kinabahan na baka mapansin niya ang suot kong maluwag na damit. “Sit.” Maikli niyang utos bago siya bumalik sa kanyang upuan. Naupo ako nang dahan-dahan. Ang isip ko ay nagtatalo. Gusto ko nang tumakbo palabas, pero naisip ko si Papa. Naisip ko ang bills sa hospital. Ang lalaking kaharap ko ngayon ay hindi lang ang CEO ng kumpanyang kailangan ko. Siya ang ama ng dinadala ko. At habang tinititigan niya ako alam kong hindi na magiging simple ang buhay ko mula sa araw na ito
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD