“Sit.”
Isang salita lang pero sapat na para maramdaman ko ang bigat ng awtoridad niya. Parang hindi utos kundi batas na kailangan sundin.
Dahan-dahan akong umupo sa harap ng mesa niya na pilit kinokontrol ang panginginig ng mga kamay ko. Pakiramdam ko kahit ang simpleng paghinga ko ay naririnig sa loob ng silid.
“Relax,” malamig niyang sabi. “Hindi kita kakainin.” Ngumiti siya ng maliit.
Tumingin ako sa kanya. “Hindi po ako kinakabahan.”
Tumaas ang isang kilay niya, parang hindi naniniwala.
“Lahat ng nagsasabing hindi sila kinakabahan ay sila pa yung pinaka-halata.”
Hindi na ako sumagot. Siya naman ay tahimik na umikot at umupo sa kanyang swivel chair. Nakasandal, kampante parang kontrolado ang lahat.
Isang pormal na interview tila ba wala kaming pinagsamahan. Parang hindi kami nagkita sa kama ilang buwan na ang nakalipas.
“Tell me something about yourself.”
Formal lang na parang walang nangyari. Huminga ako nang malalim pilit inaayos ang sarili ko.
“I had to resign from my previous job due to family matters.”
“What kind of family matters?” agad niyang tanong.
“Personal,” sagot ko pilit pinipigilan ang sarili.
“Everything here is business Roxanne,” malamig niyang sagot. “And right now, you’re asking me to hire you.”
Napakagat ako sa labi ko.
“My father is in the hospital.”
Tumahimik siya.
“So you quit your job?” tanong niya ulit.
“I didn’t quit. I had to.”
“Difference?” diretso niyang tanong.
Napairap ako. “Does it matter?”
“It does. It tells me if you’re weak or responsible.”
Napahigpit ang kamao ko sa ilalim ng mesa.
“I chose my family,” matigas kong sagot.
“Or you chose to run away from pressure?” balik niya agad.
Napatingin ako sa kanya nang masama. “Hindi po ako tumatakbo.”
“Prove it.”
Tahimik ako doon ko napagtanto na iniinterview niya ako pero parang hinuhubaran niya rin ako ng depensa.
Natahimik lang siyang nakinig habang nagsasalita ako. Walang reaksyon, walang emosyon. Kahit isang beses ay hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.
“Desperate ka,” bigla niyang sabi.
“Excuse me?” masungit kong sagot na pilit tinatakpan ang sakit ng katotohanang narinig ko.
“You need money right?" Diretso na tanong niya
na walang paligoy-ligoy.
Napayuko ako hindi dahil nahihiya ako kundi dahil totoo.
“Opo," mahina kong sagot.
“How much?” tanong niya.
Napatigil ako at hindi nagsalita.
“That’s not an answer.”
Napabuntong hininga ako. “Enough to save my father.”
“Numbers, Roxanne.”
Sinabi ko ang halaga.
Tahimik siya pero nakita ko ang bahagyang pagbabago ng ekspresyon niya. Pagkatapos, sumandal siya sa upuan niya, parang may malalim na iniisip. Hindi ko maintindihan kung bakit, pero bigla akong kinabahan.
“Roxanne,” mahina niyang tawag sa pangalan ko.
Napatingin ako sa kanya, halos hindi ko mapigilan ang kaba sa dibdib ko.
“What if.” putol niya.
“Stop saying ‘what if’ kung hindi niyo naman tinutuloy,” irita kong sabi.
Natawa siya ng konti.
“Interesting,” bulong niya. “You’re still talking back.”
“Hindi po ako papayag na apakan ang pagkatao ko,” sagot ko.
Tumingin siya nang diretso sa akin. Matalim ang mga mata niya na parang may hinuhusgahan, parang may binabasa sa pagkatao ko na ako mismo hindi ko maintindihan.
“What if I offer you something better than a job?”
Napakunot ang noo ko.
“Sir?”
Hindi ako sigurado kung ano ang ibig niyang sabihin pero ang pakiramdam ko. Hindi iyon simple. Hindi iyon basta trabaho lang.
“Isang offer,” ulit niya. “Mas mataas sa sahod na hinahanap mo.”
Tumibok nang malakas ang puso ko. Hindi dahil sa excited dahil may takot akong naramdaman.
“Kapag tinanggap mo mawawala lahat ng problema mo.”
Napahigpit ang hawak ko sa bag ko. Parang iyon na lang ang tanging bagay na nakakabit sa realidad ko.
“Anong kapalit?” tanong ko agad.
Hindi ako tanga walang ganitong offer na walang kapalit. Sa paraan kung paano siya tumingin sa akin na parang may balak parang mas lalo lang akong nagduda.
Ngumiti siya hindi iyon simpleng ngiti. Yung ngiti na tipong may kasamang babala.
“At least, marunong kang magtanong.”
“Stop playing games,” inis kong sabi.
“Diretsuhin niyo ako.”
Tinitigan niya ako ng ilang segundo. Pero ang katahimikang iyon, parang bagyo na naghihintay lang sumabog.
“Marry me.”
Parang tumigil ang mundo.
“...Ano?!"
Akala ko mali ang narinig ko. Malinaw sigurado ako at mukhang seryoso. Pero ayaw tanggapin ng utak ko.
“I don’t repeat myself,” malamig niyang sagot.
“Eh di ulitin mo,” galit kong sabi. “Hindi ko po kayo naiintindihan!”
“Contract marriage for one year.”
Nanigas ako kaya napahawak ako sa tiyan ko nang hindi niya napapansin.
Hindi niya alam. Paano kung malaman niya? Paano kung hindi lang kasal ang kapalit ng desisyong ito.
“Sir, hindi ito nakakatawa!” galit kong sabi, halos tumayo na ako sa kinauupuan ko.
“I’m not joking.” Putol niya agad.
“Magiging asawa kita sa papel.” dagdag niya.
“Anong kapalit nito.” mas madiin kong tanong.
Unti-unti siyang lumapit sa akin. Bawat hakbang niya parang may kasamang bigat. Parang bawat segundo, mas lumiliit ang espasyo ko na mas nahihirapan akong huminga. Huminto siya sa harap ko.
Sobrang lapit at masyadong delikado.
“I will take care of everything.”
Napalunok ako. Pakiramdam ko nanunuyo ang lalamunan ko.
“Your father’s treatment.”
Parang may pumiga sa puso ko.
“Your sibling’s education.”
Napapikit ako.
“Your future.”
At doon ako tuluyang natahimik. Hindi ako makapagsalita. Parang may humawak sa buong pagkatao ko at pinilit akong gustong manatili sa lugar niya.
“You belong to me.” Halos pabulong niyang sinabi iyon.
Masyado siyang malapit ramdam ko ang init ng hininga niya sa balat ko. Napahinto ako. At sa sandaling iyon ramdam ko ang t***k ng puso ko masyadong mabilis at sobrang lakas.
“Think about it,” mahina niyang sabi mas kalmado ngayon, pero mas mabigat.
“At bumalik ka kapag handa ka nang tanggapin ang offer ko.”
Hindi ako agad tumayo. Nanatili akong nakaupo. Tahimik, tulala dahil sa loob ko, alam kong hindi na ito simpleng desisyon.
Hindi na ito tungkol sa trabaho. Hindi na ito tungkol sa pera. Isa na itong kapalit ng buong pagkatao ko. Wala akong kasiguraduhan kung tama pa ba ang pipiliin ko.
Dahil sa sandaling iyon, ramdam ko na ito na ang simula ng isang bagay na maaaring magligtas sa akin o tuluyang sumira sa lahat ng natitira sa akin.