Chapter 4

1120 Words
Hindi ko alam kung paano ako nakalabas ng opisina niya. Parang lutang ang pakiramdam ko habang naglalakad palabas ng building ng Blackwood Corporation. Maingay ang paligid narinig ko ang busina ng mga sasakyan pero iisa lang ang naririnig ko. “Marry me.” Paulit-ulit parang tahol ng aso na ayaw tumigil. Napahinto ako sa gilid ng kalsada at mahigpit kong hinawakan ang bag ko na parang iyon lang ang tanging bagay na kaya kong kontrolin sa sandaling iyon. “Hindi pwede,” bulong ko sa sarili na nanginginig ang boses. Hindi pwede ang ganoong klaseng offer. Hindi naman ako ganoon klaseng babae. “Bakit?” tanong ko sa kawalan. “Bakit ko gagawin ‘yon?” Bakit ko ibebenta ang sarili ko? Hindi ko kayang pumasok sa isang kasal na walang pagmamahal. Hindi ko kayang itali ang sarili ko sa lalaking hindi ko kilala kahit siya pa ang ama ng dinadala ko. Napapikit ako nang mariin. Kinagabihan nasa hospital ako tahimik ang paligid. Tanging tunog ng makina ang maririnig. Nakaupo ako sa tabi ng kama ni Papa, hawak ang kamay niya. “Anak…” Mahina ang boses ni Papa. “Papa, gising ka pala.” Ngumiti siya nang konti. “Pagod ka na.” Umiling ako. “Hindi po.” “Sinungaling,” mahina niyang sabi, pero may lambing. Napakagat ako sa labi. “Hindi po ako nagsisinungaling.” Hindi ko na napigilan at unti-unting tumulo ang luha ko. “Papa…” “Ano ‘yon?” tanong niya, marahang hinahaplos ang kamay ko. “May problema ka, ‘no?” Napayuko ako gusto kong sabihin sa kanya ang lahat. Gusto kong ilabas ang bigat na matagal ko nang kinikimkim. Pero natatakot ako. Paano kung masaktan siya? Paano kung sisihin niya ako? “Sabihin mo sa’kin,” mahina niyang dagdag. “Hindi mo kailangang mag-isa.” Napahikbi ako. “Papa… paano kung wala na akong choice?” Napatigil siya. “Anong ibig mong sabihin?” “Paano kung kailangan kong gawin ang isang bagay na ayaw ko para lang mailigtas ka?” “Anak…” mahina niyang sabi. “Wala kang dapat isakripisyo para sa’kin.” “Pero ikaw ‘to, Papa!” bigla kong sabi, napataas ang boses ko. “Hindi kita kayang mawala!” Natahimik siya. Lumabas ako ng kwarto, hindi ko na kinaya ang titig ni Papa. Dumiretso ako sa billing. “Miss, ito na po ang updated balance.” Nakahawak ako sa billing statement, nanginginig ang mga daliri ko. Hindi lang ito mga numero parang bawat digit ay pako na unti-unting ibinabaon sa puso ko. Sa bawat pag scan ng mata ko mas lalo kong nararamdaman kung gaano ako ka-walang magawa. “Pwede po bang hulugan?” tanong ko pilit na kalmado ang boses. “Pwede naman po, pero kailangan pa rin ng malaking downpayment.” Nanlambot ang mga tuhod ko. “Magkano po?” Sinabi niya ang halaga kaya naisip ko wala na talaga akong pagpipilian. Lumabas ako ng hospital na parang walang direksyon. Hindi ko alam kung saan pupunta. Hanggang sa mapahinto ako. “I will take care of everything.” Bigla kong naalala ang boses niya. Mababa lang walang pag-aalinlangan. Napapikit ako hindi pwede. Ayokong gawin pero paano si Papa? Napahawak ako sa tiyan ko. “Anak kaya natin 'to,” bulong ko. Pero kahit sinasabi ko iyon, alam kong nagsisinungaling ako sa sarili ko. Kinahapunan bumalik ako sa building pero ibang Roxanne na ang pumasok. Hindi na ako yung matapang. Hindi na ako yung may choice, isa na akong taong desperado. “May appointment ka?” tanong ng receptionist. “Opo, kay Mr. Adrian.” Tinignan niya ako sandali parang may naalala siya. “Ikaw ‘yung kahapon, ‘di ba?” Ngumiti lang ako sapat na'yon para malaman niyang oo. “Please wait.” Ilang segundo lang ang lumipas. “Sir is expecting you.” Napatigil ako "Expecting?" bulong ko sa sarili. Parang alam na niya na babalik ako. Pagpasok ko sa opisina, nandoon siya. Tahimik at kalmado pa rin. Parang sigurado na siya sa mangyayari. “Akala ko hindi ka na babalik,” sabi niya nang hindi man lang tumitingin. “Hindi rin po ako sigurado,” sagot ko. Unti-unti siyang tumingala at nagkatinginan ulit ang mga mata namin. “Pero nandito ka," dagdag niya. Huminga ako nang malalim. “Tatanggihan ko sana.” Bahagyang tumaas ang kilay niya. "Talaga?" “Pero…” Napahinto ako parang may bumabara sa lalamunan ko. “Papayag na ako.” Tumayo siya at dahan-dahang lumapit sa akin. “Are you sure?” tanong niya, mababa ang boses. “Wala na akong choice.” Humakbang siya palapit ramdam ko ang presensya niya. “Walang choice?” ulit niya. “O pinipili mo lang ang mas madali?” Napatingin ako sa kanya. “Sa tingin niyo madali ‘to?” “Hindi,” sagot niya. “Pero pinili mo pa rin.” “Dahil wala na akong ibang paraan!” halos mapasigaw na ako. “Ano bang gusto niyong marinig? Na masaya ako? Na okay lang sa’kin ibenta ang sarili ko?” Natahimik siya. “Tingnan mo ako,” mahina niyang sabi hindi ako gumalaw. “Roxanne.” Unti-unti akong tumingin sa kanya. Tumitig siya sa akin ng matagal. Parang hinahanap kung nagsisinungaling ba ako. Pero wala na akong lakas para magpanggap. Lahat ng kahinaan ko nasa harap niya na. “Kaya mong panindigan?” tanong niya. “Anong ibig niyong sabihin?” “Kapag pinasok mo ‘to, wala nang atrasan,” sabi niya. “Hindi lang ito simpleng kasunduan. Buhay mo ang kapalit.” Napahinga ako nang malalim. “Kahit anong mangyari,” sagot ko habang nanginginig ang boses pero matapang. “Paninindigan ko.” Iniabot niya ang kamay niya. “Then we have a deal.” Tinitigan ko ang kamay niya parang ang bigat. “Sigurado ka?” tanong niya ulit. “Sigurado na po.” Dahan-dahan kong inabot ang kamay ko. At hinawakan siya. “Simula ngayon,” mahina niyang sabi. “You belong to me.” Habang nakahawak pa rin ang kamay niya sa akin, napansin kong bumaba ang tingin niya. Hindi sa mukha ko kundi sa tiyan ko. Parang may alam siyang hindi ko pa nasasabi. “May gusto ka bang sabihin sa’kin?” tanong niya, mababa ang boses. Napaatras ako ng bahagya. “W-wala…” “Sigurado ka?” “Oo.” Tumango siya, pero hindi nawala ang titig niya sa tiyan ko. “Interesting,” bulong niya. Nanlamig ang buong katawan ko. Pero hindi na ako umatras. Hindi na pwede. Dahil parang nabenta ko na ang sarili ko sa isang kasunduan. “Paano niya nalaman?" Hindi ko pa nasasabi sa kanya. Hindi pa pero parang alam na niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD