Hindi ako agad nakapagsalita matapos kong tanggapin ang kamay niya. Parang may kung anong biglang nagbago sa pagitan namin. Kanina aplikante lang ako ngayon para na akong pumasok sa isang mundo na hindi ko alam kung paano lumabas.
Umupo na ako sa harap ng mesa niya habang siya naman ay bumalik sa kanyang upuan kalmado parin parang sanay na sanay sa ganitong klaseng sitwasyon.
Parang hindi ito ang unang beses na may ganitong kasunduan sa buhay niya. Napahigpit ang hawak ko sa bag ko. Hindi ako dapat mag-isip ng kung anu-ano.
Kailangan kong mag-focus para kay Papa. Para sa kapatid ko. Para sa anak ko. Binuksan niya ang drawer ng mesa at kumuha ng isang folder.
Parang matagal na niya itong pinaghandaan.
Ipinatong niya iyon sa harap ko.
“Read.”
Isang salita pero parang utos na hindi pwedeng tanggihan. Dahan-dahan kong binuksan ang folder, at doon ko nabasa ang CONTRACT MARRIAGE AGREEMENT
Parang biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Totoo na ito hindi panaginip. Isang kasal na walang pagmamahal.
“Duration: One (1) year.”
Isang buong taon na puro pagpapanggap.
“Both parties shall maintain a public image as a married couple.”
Ibig sabihin sa harap ng lahat, asawa niya ako.
“Emotional involvement is strictly prohibited.”
Napangiti ako nang mapait. Parang ang dali lang sabihin na parang kaya niyang kontrolin ang damdamin ng lahat.
“Separate rooms shall be maintained unless necessary for public appearance.”
Napalunok ako kahit papaano may distansya, pero bakit parang hindi pa rin sapat?
“Confidentiality must be observed at all times.”
Ibig sabihin walang makakaalam ng totoo. Kahit ang katotohanan na may anak kami. Napahinto ako sa pagbabasa.
“Any questions?”
Napatingin ako sa kanya. Tahimik siyang nakatingin sa akin, parang hinihintay kung ano ang magiging reaksyon ko.
Marami sobrang dami pero wala ni isa ang lumabas sa bibig ko. Sa halip, ito lang ang nasabi ko
“Sigurado ka ba dito?” Bahagyang tumaas ang kilay niya.
“Hindi ako gumagawa ng desisyon na hindi ko pinag-iisipan. Bakit ako?” tanong ko.
Hindi ko napigilan sa dami ng babae sa mundo. Bakit nga ba ako?
Tahimik siya sandali parang iniisip pa ang isasagot.
“At that night," sabi niya.
Nanigas ako hindi ko inaasahan na babanggitin niya iyon.
“You were different.”
Napakunot ang noo ko.
“Hindi ka tulad ng ibang babae na lumalapit sa akin dahil sa pera o pangalan ko.”
Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis.
“Hindi mo ako kilala.”
“At hindi mo rin ako hinanap,” dagdag niya, mas mababa na ang boses.
Napatigil ako.
“Ano?” bulong ko.
Humigpit ang panga niya.
“After what happened bigla ka na lang nawala.”
Tahimik ang pagitan namin pero mabigat.
“Alam mo ba kung ilang araw kitang hinanap?” dagdag niya.
Nanlaki ang mata ko dahil hindi ko inaasahan iyon.
“Bumalik ako sa hotel. Kahit saan na pwede kitang makita,” tuloy niya.
Tumawa siya nang mahina.
“Tapos ngayon parang wala lang sa’yo?”
Hindi ako makasagot. Dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
“ Now, you need me.”
Napayuko ako Oo, pero totoo.
“May kondisyon ako,” wika ko.
Napatingin siya sa akin. Parang hindi niya inaasahan.
“Speak.”
Huminga ako nang malalim.
“Kailangan mong tuparin lahat ng sinabi mo.”
“Of course.”
“Gamot ni Papa.”
“Already done.”
“Tuition ng kapatid ko.”
“Yeah will handled.”
“At.”
Napahinto ako. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin. Pero hindi ko na napigilan.
“Walang masasaktan sa pamilya ko.”
Tinitigan niya ako ng matagal. Parang sinusukat kung gaano ako kaseryoso.
“Hindi sila madadamay,” sagot niya.
Iyon lang ang kailangan kong marinig.
“Then sign it.”
Iniabot niya ang ballpen. Tinitigan ko iyon. Isang simpleng bagay sa iba pero sa sandaling iyon parang iyon ang magdidikta ng buong buhay ko.
“Once you sign,”mahina niyang sabi.
“There’s no turning back.”
Napapikit ako isang segundo. Para sa pamilya ko kinuha ko ang ballpen at nilagdaan ang pangalan ko.
Sa isang iglap tapos na. Hindi na ako malaya. Tumayo siya at lumapit sa akin. Mas malapit kaysa kanina at mas ramdam.
“From this moment on,”mahina niyang sabi.
“You are my wife.”
Nanlamig ang buong katawan ko.
“Asawa.” Inulit ko sa isip ko.
Hindi pa rin totoo sa pakiramdam.
“At may mga rules tayo,” dagdag niya.
Tumingin ako sa kanya hinihintay ang mga susunod niyang sasabihin.
“Rule number one: No falling in love.”
Napangiti ako nang mapait sa isip ko. Huli na ang rules niya.
“Rule number two: No secrets,” pagpapatuloy niya. “Gusto ko, lahat ng ginagawa mo, saan ka pupunta, at kung anong nararamdaman mo alam ko. I don’t like being the last to know, lalo na kung asawa kita sa harap ng publiko.”
Nanlamig ang mga kamay ko. No secrets 'yon ang huling bagay na kaya kong ibigay sa kanya ngayon.
“At pangatlo,” tumayo siya at lumapit sa akin, mas mapanuri ang tingin. “Take care of your image. Your body, your health it belongs to the Blackwood name now. Huwag kang gagawa ng kahit anong magbabago sa anyo mo nang hindi ko alam.”
Doon ako biglang kinabahan. Pati ang katawan ko? Napahawak ako sa tiyan ko nang hindi ko namamalayan.
“Are you okay?”
Napatingin ako sa kanya. Nakatitig siya ng diretso na parang may napansin.
“O-okay lang,” pilit kong sagot.
Tumayo siya at dahan-dahang lumapit.
Mas malapit at mukhang nag aalala.
“You don’t look okay.”
Bumilis ang t***k ng puso ko.
“Stress lang,” sagot ko.
Pero kahit ako, hindi kumbinsido. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. Parang may hinahanap. Bigla ako nakaramdam ng kaba.
“Roxane,” mahina niyang tawag.
Napalunok ako.
“Yes?”
Sandaling katahimikan.
“May hindi ka sinasabi sa akin.”
Nanlamig ako na parang hindi na ako makahinga.
“A-ano po?” nauutal kong sagot.
Hindi siya ngumiti, hindi siya gumalaw. Pero mas nakakatakot dahil parang sigurado siya.
“From the moment you walked in,” dagdag niya.
Humigpit ang kapit ko sa bag ko. "Huwag ngayon," sabi ng isipan ko.
“Tell me.”
Mahina pero parang utos.
“Anong tinatago mo?”
Napaatras ako ng isang hakbang. Hindi ko na kayang tumingin sa kanya. Hindi ko pa kayang sabihin.
“Wa-wala,” bulong ko.
Hindi ako magaling magsinungaling pero sana na kumbinsi siya.
“Alright.” Tumalikod siya.
Akala ko tapos na. Akala ko nakalusot na ako. Pero bago siya tuluyang makalayo.
“Because if you are hiding something from me.”
Tumigil siya tapos lumingon sa akin.
“And it involves this marriage.”
Tumitig siya sa akin. Diretso at matalim.
“I will find out.”
Nanigas ako.
“At kapag nalaman ko," dagdag niya. “You won’t like what happens next.”
Hindi ako makagalaw parang nahirapan akong huminga. Natakot ako hindi lang para sa sarili ko kundi para sa anak ko.
Na realize ko na hindi lang ako pumasok sa isang kasunduan. Pumasok ako sa isang laro na siya ang may hawak ng lahat ng rules.
Wala akong ibang choice kundi ang sumunod. Pero ang hindi niya alam may isang bagay na kahit siya hindi kayang kontrolin. Dahan-dahan kong hinawakan ang tiyan ko.
Alam kong kapag nalaman niya ang totoo hindi lang kasunduan ang mababago.