CLARISSA POV. "Ate, sa kusina na lang rin ako kakain," wika naman ni Atong at doon uminit ang ulo ko. "Ano bang meron sa kusina at doon ninyo gusto magsi kainan!" inis kong saad ngunit tumuloy lamang sa pag pasok si Atong sa kusina. Doon napatingin ako kay Zact na ngayon nakangiting pinagmamasdan ako. Nakalabas ang mapuputing ipin nito kaya't napatitig rito. Doon nag alis ng atensyon sa akin at dinampot nito ang basong tubig at uminom. Natigilan ito sa pag inom ng tubig nang mapansin ang pag titig ko. "What?" tipid nitong saad. "Wala, kumain ka lang," saad ko. "Ikaw rin," turan nito at ngayon ay dalawa na lamang kami sa mesang kumakain. "May dalawa ka pa pala na kapatid," saad ni Zact at napatingin ako. "Oo, tatlo kaming magkakapatid," turan ko. "Ikaw?" dugtong ko. "I am a

