CLARISSA POV. Tahimik akong naupo sa kama katabi ng mga kapatid ko. Tumigil na ako sa pag iyak ngunit hindi maiwasan muli mamuo ang luha habang iniisip ko si Zact. Hinimas ko na lamang ang buhok ni Lea at kinusot ang kabilang mata. Doon nag simula na ako humiga at tumabi kina Lea at Atong. Pinilit ko ipikit ang mga mata. Kailangan ko maging matatag para sa mga kapatid ko. Makalipas ng ilang oras ay nakaramdam ako ng presensya sa paligid ko. Mahinang ingay ng pinto at pag bukas nito. Palihim akong nagmulat ng mata at palihim sinipat ng tingin ang kabuan ng kuwarto. Doon nakita kong nakapa mulsang nakatayo sa harap ko si Zact. Tahimik habang minamasdan ako sa kama. Agad ko muli pinikit ang mga mata ko. Nagpanggap akong tulog at pag galaw-galaw sa kama. Sunod-sunod ang kabog sa dibdib ko

