ZACT DANIEL POV. Mabilis ako bumaba ng sasakyan at agad binalingan ang pinto ng bahay nito. "Clarissa!" tawag ko at pagkalampag ko sa pinto. "Clarissa, please! Buksan mo ang pinto," saad ko ngunit nanatiling sarado. Napalingon na lamang ako nang mapansin ang ilang tao mula sa likuran ko. Mataman nakatayo habang pinanonood ako. "Clarissa!" tawag kong muli ngunit hindi pa rin nagbukas ang pinto. Doon ay umalis ako sa tapat ng pinto, binalingan ang sasakyan at pumasok. Binuhay ang makina nito ngunit mabilis rin lumabas at bumalik ako sa tapat ng pinto. Doon nakitang unti-unti binubuksan ni Clarissa ang pinto. Nagulat ito nang mabungaran ako akmang isasara ngunit mabilis ko napigilan. "Ano ba Zact! Umalis ka na!" sikmat nito habang pilit akong sinasarhan ng pinto. "Clarissa, don

