CLARISSA POV.
"Hindi! Si....yyaa si Zact na bibigyan ko ng anak?!"gulat kong saad sa sarili habang ang tingin nito ay nasa kinaroroonan ko pa rin. Uminom ako ng uminom, dahil kailangan ko iyon bago ko s'ya lapitan. Ilang bote ba ang kailangan ko ubusin para malapitan ko itong lalaki na 'to. Nararamdaman kong nangangatog ang mga tuhod ko kaya't hindi ako matuwid maka-kakapag lakad palapit rito. Sunod-sunod ang pag lagok ko sa bote ng alak, nag order pa ako sa waiter ng ilang bote at mabilis isa-isa inubos. Doon naramdaman ko ang pamamanhid ng katawan ko. Pakiramdam ko rin ay sobrang kapal na ng mukha ko kaya't magagawa ko na ang paglapit sa lalaking iyon.
Muli ko tinapunan ito ng tingin sa di'kalayuan, nasa akin parin ang tingin nito. Seryoso at 'walang halong emosyon ang mukha. Mabilis ako tumayo mula sa mesa at kamuntik pa matumba matapos matapilok, naglakad ako palapit sa gawi nito, habang ito naman nakatitig pa rin sa akin. Habang palapit ng palapit ako rito ay nag alis na ito ng tingin at binaling sa basong may laman ang alak.
Nang malalapit ako ay tinukod ko ang dalawang kamay sa lamesa nito at yumuko at nilapit ko ang muka ko sa mukha nito habang kalahating dangkal lamang ang layo. Nagtama ang mga tingin namin, doon malapit ko napagmasdan ang gwapong mukha nito. Makakapal ang pilik mata at may matangos ang ilong, mamula-mula rin ang labi habang kunot noo nakatingin lamang sa akin. Ilang sandali nakita kong napalunok ito at nag alis ng tingin sa akin.
Nakatitig pa rin ako rito at hindi inaalis ang nakatukod na kamay sa mesa ng bigla ko itong sunggaban ng halik sa labi nito. Hind ito gumalaw o kahit anong bahid ng pagka bigla. Hindi rin ako nito pinigilan at hinayaan lamang ako hanggang sa naramdaman ko ang pagtugon nito sa halik sa halik ko.
Maya-maya ay nagbitiw na ako ng halik nito. Mataman ko muna ito tinitigan bago ako maupo sa harap n'ya sa tapat ng mesa. Aaminin kong lasing na ako pero pilit ko inaayos ang sarili ko, 'wala ako magagawa kundi sabayan ang mainit na likido ng alak dumadaloy sa katawan ko dahil ito ang kailangan ko.
Lasing akong ngumiti rito, samantalang ito naman ay seryosong ang mukha na pinagmamasdan ko. Napa ka gwapong naman na nilalang ito, pilyang sambit ko sa isipan ko. Ngunit nawala ang ngiti nang maalala ko si Jhon, gaya nito ay makapal at matangos rin ang ilong. Gwapo rin si Jhon, muli nanumbalik sa ala-ala ko ang mga ngiti ni Jhon noon sa tuwing kasa-kasama ko. Doon ay bumaling na lamang ang sa alak ang atensyon. Nakita ko ang baso na nasa harap ito at kinuha inagaw iyon para inumin. Nang mapansin kong akmang tatayo ito ay agad ako nag salita na nag patigil rito.
"San...dali! Saaan ka pupunta?"mabilis na tanong ko.
"Te..ka! Sasama ako"dugtong ko pa at akmang tatayo mula sa pagkaka-upo.
"Sa rest room,"tipid nitong saad at napangiwi ako. Medyo napahiya ako doon kaya naman ngumiti na lamang ako at nagsalita.
"Si..ge, ikaw na lang"nangingiwing saad ko.
Tumalikod na ito at naglakad papunta sa restroom, muli naman ako uminom ng alak at nag antay sa pagbalik ni Zact.
Ngunit maya-maya nabigla nang may lumapit sa akin na isang babae. Nakatayo ito sa harap ko kaya't nag angat ako ng tingin rito.
"Good to see you here, Rissa"bungad ng babae na nasa harap ko.
Mabilis akong napatayo sa kinauupuan ko nang makita ko sa harap ko si Jonas. Natigilan rin ako nang Makita ang paglapit naman ni Jhon sa kinaroroonan namin na kasama pala nito ngayon. Pinasadahan ako ng tingin ni Jhon at ang ayos ko, suot ang maikling dress at makapal na make up sa mukha ko. Nakatitig ako kay Jhon habang namumuo ang mga luha ko, ngayon ko lang ulit ito nakita simula nang maratnan ko ang mga ito nagtatalik sa kwarto ni John. Ang mga mata ni Jhon ay nakatitig rin sa akin, alam kong nababasa ni Jhon nag sinasabi ng namumuong luha sa mga mata ko. Namuo ang mga luha sa mga mata kong nakatitig kay Jhon hanggang sa bumagsak na ito. Kagat labi akong nag alis ng tingin sa kanila at mahina nag salita si Jona.
"Hindi ko alam na nag pupunta ka pala sa ganitong lugar. I thought may cancer ang Mama mo. So, bakit ka narito?"baling ni Jona sa akin.
Hindi ko binigyan pansin si Jona at muli bumaling ng tingin kay John. Ang sakit-sakit makita ang mahal mo na may kasama nang iba, ang sabi pa noon ni Jhon ay s'ya na ang pinaka swerteng lalaki dahil meron s'yang ako. Pero ngayon ay iniwan n'ya ako at pinagpalit.
Nagpalipat-lipat lamang ako ng tingin sa kanila at hindi umiimik sa harap nila. Ganun ba katigas ng mga mukha nila para magkasamang lapitan pa ako! Pagkatapos ng ginawa nila sa akin ay mas nagawa pa talaga ako lapitan ng mga ito.
Akmang mag sasalita na ako ngunit napansin kong pa-palapit na si Zact sa amin. Nang makalapit ay tinapunan nito ng tingin si Jhon at Jona. Naramdaman ko na lang na pumulupot ang kamay nito sa bewang ko at marahan akong hinalikan sa labi.
"Babe, let's get out of here,"mahinang baling nito sa akin habang nakauwang lamang ang labi ko rito.
Dahan-dahan hinawakan nito ang kamay ko paalis sa harap ng mga ito. Akmang hihilahin na nang bigla s'yang pigilan ni Jhon at hawakan sa braso si Zact. Doon natigilan si Zact at nilingon si John.
"Who are you?"seryosong tanong ni Jhon. Ngunit sa halip na sagutin nito si Jhon ay tinabig lang ni Zact ang kamay nito at nagsalita.
"Is none of your business!"mariin n'yang turan kay John. Doon tinuloy nito ang paghatak sa akin palabas ng bar.
ZACT DANIEL POV.
Nang makita ko ang babae na 'to ay ginulo na n'ya ang isipan ko. Hanggang sa pagtulog ko ay hindi ko maialis ang mga muka n'ya sa isipan ko, mutik ko na s'yang mabangga noon at pagkatapos muli ko pa s'ya nakita noon sa Tagaytay. May kasama itong lalaki na tingin ko ay boyfriend nito. Iba ang epekto ng babaeng ito sa akin. Kaya naman palagi ako nadadaan sa lugar na kung saan ko s'ya huling nakita. Nagbabala sakaling muli ko ito makita. Palagi ako nadadaan sa subdivision na 'yun, malapit lang doon nakatira si Dad, madalas ako magpunta roon dahil doon nakatira si Daddy. May mga files akong ipinapakita kay Dad kailang idiscuss rito hanggang sa muli makita ko sa lugar na iyon.
Naglalakad ito at pumasok sa isang malaking bahay na tingin ko ay bahay nila, doon mas napadalas ang pagdaan ko sa lugar na iyon, nasa tabi noon ang sasakyan ko habang pinanonood ko itong naglilinis ng sasakyan. Bawat galaw niya ay seryoso kong pinagmamasdan. Simple lang ang suot noon at magulong nakatali ang buhok habang naglilinis ng sasakyan sa labas ng malaking bahay. Bahagyang basa na ang suot nitong damit at hindi nito alintana dahil ang buong atensyon nito ay sa ginagawa n'yang paglilinis sa sasakyan. Hanggang sa natapos na s'ya sa ginagawa ay pumasok na ito sa loob ng malaking bahay.
Ilang araw lang ay muli ko s'ya binalikan at itinabi ang sasakyan ko sa di'kalayuan ng malaking bahay nito. Nag punta ako muli roon para bantayan ang muling pag labas nito sa malaking bahay. Inabot na ako ng gabi at hindi ko namalayan nakatulog na ako sa loob ng sasakyan ko. Nang magising ay binuhay ko ang makina ng kotse at tinapunan ng tingin ang malaking baha bago tuluyan patakbuhin na ang sasakyan ko. Ilan araw ay nagtungo muli ako sa bahay ni Dad dahil mayroon kaming mahalagang pag uusapan tungkol sa kompanya, at nang gabi makauwi ay palabas na ako noon ng subdivision nang mapansin ko ang babaeng nakaupo sa gilid ng kalsada at tingin ko ay umiiyak.
Hininto ko ang sasakyan ko at pinagmasdan maigi ang babaeng umiiyak, nang makilala ko na ito ay agad ko hininto sa harap n'ya ang sasakyan ko. Nakitang tinapunan nito ng tingin ang sasakyan ko. Gusto ko sana buksan ang bintana ko para makita n'ya ako ngunit mabilis itong tumayo at naglakad palayo kaya't hindi ko na nagawa pa.
Nakatanaw lamang ako rito habang papalayo, doon nagtanong sa sarili ko kung bakit s'ya umiiyak at saan s'ya pupunta. Dahan-dahan ko binuksan ang pinto ng sasakyan at bumaba. Naglakad ako at malalaking hakbang na sinundan ko ito hanggang palabas na ng subdivision.
Sobra na ang pagtataka ko dahil medyo malayo na ang nilakad nito at papunta s'ya sa ibang lugar, hanggang sa pumasok ito sa isang hindi kaliitan na iskinita at hindi ko na nasundan pa. Napabuntong hininga ako, bakit s'ya pumunta sa lugar na 'yan?tanong ko noon sa isipan habang pinagmasdan ko ang lugar kung saan dikit-dikit ang mga bahay. Ilang araw na ang nagdaan ay hindi ko na muli ito nakitang pumasok sa malaking bahay na 'yon, ilan beses na ako nag antay habang nasa gilid ng kalsada ang sasakyan pero hindi ko pa rin s'ya makita-kita.
Isang gabi nang magpunta ako ng bar para uminom nagkaroon kami ng pagtatalo ni Mommy kaya't nagpunta ako rito sa bar para uminom. Umalis ako sa kinau-upuan ko at naglakad papuntang rest room nang makita ko ang isang pamilyar na babae na sinampal ang lalaki na nasa harap n'ya. Mabilis ako kumuha ng ibang pwesto para mataman ko itong mapagmasdan, napansin ko rin na parang meron itong hinahanap sa kabuan nf bar. Palinga-linga ang mga tingin nito at may kasama itong babae na na ngayon iniwan na s'ya mag isa. Nakita ko pa ang pag akyat nito sa stage at doon ay pinanood ko itong sumayaw.
Hindi ko nagawang mag alis ng tingin rito at sa bawat galaw n'ya habang sumasayaw sa stage. Naupo ito at uminom ng alak, pagkakawari ko rito ay lasing na ito ngunit tila malakas pa rin uminom. Hanggang sa napansin ko na nakatitig na rin pala ito sa akin habang umiinom ng alak. Pabalik-balik ang tingin n'ya sa akin na talaga naman ay nagugustuhan ko.
Ngunit maya-maya lang ay naglakad na ito palapit sa akin na kinabigla ko. Nang makalapit na ito sa gawi ko ay tumayo ito sa harap ko at doon mabilis ko inalis ang tingin rito. Nabigla na lamang ako nang tumukod sa mesa ang mga kamay nito. Nilapit ng husto mukha sa akin at siirin ako ng halik na tumagal pa ng ilang minuto. Bumawi ako ng halik rito hanggang sa ito ang magbitaw.
Mataman ko lang s'yang pinagmamasdan at naupo sa harap ko. Meron akong naramdaman na pagka ilang na hindi ko naman nararanasan sa ibang naging babae ko. Doon nag pasiyang tumayo at iwan ito para magpunta ng rest room.
Nang mag salita ito,
"Te..teka! Sandali, saan ka pupunta? Ssama ako,"lasing nitong saad.
"Sa rest room"tipid kong turan.
Sandali ito nawalan ng imik at sumagot.
"Si....ge, ikaw na lang"tipid na sambit nito.
Doon ay agad ko na tinalikuran ito bago ko pa gawin na isama n'ga ito sa rest room. Nang makalabas ako ng rest room ay mabilis ko ito binalikan at doon nakita ko ang babae at lalaki na nasa harap nito. Lumapit ako sa kanila at doon ay namukaan ko ang lalaki na nasa harap n'ya. Ito ang lalaking kasama nito noon sa tagaytay at tingin ko noon na boyfriend nito. Napansin ko rin ang pagluha ng mata n'ya habang nakatitig sa dalawang tai na nasa harap nito. Agad ko naman naiintindihan ang nangyayari kaya't pinulupot ko ang isang kamay ko sa bewang nito at marahan ko hinalikan sa labi.
"Babe, let's get out of here"mahina kong saad. Doon akmang hahatakin ko na ang mga kamay nito, ngunit maramdaman ko ang pagpigil ng lalaki sa braso ko at nagsalita ito.
"Who are you?"tanong nito.
Mabilis ko tinabig ang kamay nitong nakahawak sa braso ko at sumagot.
"Is none of your business!"seryoso kong turan rito.
Nasa labas na kami ng bar at doon binitiwan ko na ang kamay ng babaeng kasama ko.
CLARISSA POV.
Nang makalabas kami ay binitiwan na n'ya ang kamay ko at nagsalita.
"Ihahatid na kita, wait me here kukunin ko lang ang kotse ko"mabilis nitong saad.
Nang makabalik ito ay dala na nito ang sasakyan. Pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan habang ako ay tulala lamang nakatitig rito at bakas pa rin ang pag luha sa mga pisngi ko.
"Miss!"tawag nito sa akin kaya't nagising sa pag katulala at nangingiwing sumakay sa sasakyan nito. Maya-maya alang ay nag simula na ito mag maneho at kinabig ang manibela ng sasakyan.
Tahimik ko itong pinag mamasdan at tinapunan ng tingin ang magandang pangangatawan nito. Nabigla na lamang ako ng bawian ako ng tingin nito kaya't mabilis rin akong nag alis ng tingin rito.
Ihahatid ba ako, nito? Pero saan ako nito ihahatid gayong hindi naman alam nito kung saan ako nakatira, nagtatakang tanong ko sa isipan kaya't mahina ako nagsalita.
"H'...wag mo na ako ihatid"sambit ko rito. Ngunit hindi ako nito inimik o tinapunan ng tingin habang nasa minamaneho lamang ang atensyon. Ilang sandali ay nabigla ako nang huminto ang sasakyan sa tapat ng isang malaking bahay. Doon tumulo muli ang luha ko nang makita muli ang malaking bahay nina John. Mabilis namumbalik sa akin ang sakit na nararamdaman mula kay John. Tahimik na lumandas ang luha ko at mahina na nag salita.
"Ba...bakit dito mo ako dinala?"nauutal na tanong.
"Bakit..?"tanong rin nito.
Matagal ako bago nakasagot rito.
"Hindi ako dito nakatira"mahinang sambit ko.
Doon ay pinagmasdan ako nito hanggang sa mapansin namin ang pag dating ng isang barakong motor at huminto sa tapat ng bahay nina Jhon. Doon nakita ko si Jona at si Jhonderick, napatingin ang mga ito sa gawi ng kotse kung saan nasa loob kami. Agad bumaba si Jona at naghubad ng helmet at ganun din si Jhon ay nagtagal din ng suot na helmet, matalim akong nakatingin sa gawi nila hanggang sa lumapit sa amin si Jhon at kinatok ang bintana ng sasakyan. Pinanonood ko si Jhon habang kumakatok sa bintana ng sasakyan, naramdaman ko ang pag buhay ni Zact ng makina ng kotse at pinaatras ang kotse at inikot n'ya ito. Hanngang maialis na sa tapat ng malaking bahay nina Jhon.