CHAPTER 4

2030 Words
CLARISSA POV. Maya-maya lang ay nawala na ito sa loob ng bahay namin. Naglinis ako sa bahay namin at nagluto para sa pagdating ng mga kapatid ko ay nakahanda ang kakainin nila. Pumasok sa isip ko na kailangan ko na din pala maghanap ng mapapasukan na trabaho dahil natanggal ako nong nakaraan sa inaplayan ko na maliit na kainan. Tinanggal ako roon dahil sa pinag selosan ako ng amo kong babae Kaya't maghahanap na lang ulit ako ibang ng trabaho. Hindi ako kagandahang babae. Ang daming nagsasabi na maputi lang daw ako ngunit hinayaan ko na lamang sila. Kaya naman sa tuwing nakikita ko sa kalendaryo ang litrato ni Ellen Adarna ay talagang nahahawig ko rito ang sarili ko. Mamula-mula din kasi ang pisngi ko,at tulad ni Ellen Adarna ay seksi din naman ako. Pumasok ang Mama ko mula sa pinto at nang makapasok ito tahimik itong umupo sa tapat ng mesa. "Ma, kumain na kayo,luto na ang ulam."Aya ko rito upang makakain na.Para nang hindi ako narinig nito kaya't muli ko ito binalingan habang tulala ito sa mula sa kawalan.Napansin ko ang ilong nito na tumutulo ang dugo kaya't agad ako napa sigaw. "Ma! Ang ilong mo dumudugo!" bulalas ko rito at kumuha ng bimpo at pinunas sa ilong nito. "Ma! Bakit dumudugo ang ilong mo?!" tanong ko at agad din naman sumagot. "Baka sa sobrang init lang kanina"tugon n'ya. "Doon kinuhaan ko ito ng tubig sa baso at inaabot ito sa kaniya. "Bakit? Saan ba kayo galing?!"tanong ko. "Wag ka na nga maraming tanong d'yan,"sikmat ni Mama sa akin at agad nag latag ng banig para makahiga na ito. Nag buntong hininga na lamang ako, pasado alas-tres na ng hapon nang makalabas ako ng bahay namin. Sa ibang gawi ako dumaan para hindi ako makita ng nakaaway ko kahapon,ang layo ng inikot ko makarating lamang sa bahay ni Jona, dahil kukunin ko sa kaniya ang bayad n'ya sa akin sa pinagawa na assignment. Habang naglalakad ako,tanaw ko na ang malaking bahay nito. Sa ibang street ito nakatira at magka lapit lang din sila ni John Derick ng tirahan. Maya-maya tatawid na sana ako pero biglang sumulpot sa harap ko ang isang itim na kotse na tingin ko ay isang itong, Ferrari sports car. Bumusina ito ng malakas kaya naman kasabay nito natumba ako sa lakas ng pagkagulat ko. Kahit hindi naman talaga ako nito nabangga. Maya-maya mabilis bumaba ang sakay ng itim na Sports car,nakita ko ang lalaking nakasuot ng puting long sleeve polo na tinaas hanggang siko ang manggas. Namangha din ako sa kagwapuhan nito at gandang lalaki kaya naman napaawang ang labi ko nang lapitan ako nito at tumayo sa harap ko. "Tinamaan ka ba?!"kunot noo tanong nito,umiling ako dito at muli ito nagsalita. "Ano pa ginagawa mo d'yan?!Umalis ka d'yan!"sikmat nito, akmang tatalikod na ito ay bigla akong dumaing dahilan para mapalingon ito sa akin. "Array!"Daing ko nang buong pagkukunwari na nasaktan ako nito mula sa pagkabangga. "Why?! "tanong nito. "Ang sakit ng tuhod ko! Tumama siguro sa kotse mo,hindi ako makatayo," mahabang sagot ko. Mabilis ito bumaling sa kotse niya na tila sa kotse pa nito ito nag-aalala kumpara sa akin. Aba,loko to ah! Imbes tulungan ako ay sasakyan pa niya ang iniintindi n'ya, saad ko sa isipan ko.Maya-maya pagkatapos nito suriin ang kotse nito nanalong ito sa akin at dumukot ito sa bulsa ng likuran niya.Nakita ko kumuha ito ng pera sa wallet niya at hinagis sa akin. "Bumili ka ng gamot mo, mag pa ospital ka na din kung gusto mo,"agad na sabi nito matapos ihatid ang pera sa harap ko. "Ang yabang mo naman!"sikmat ko rito. Napansin ko pagtataka sa mukha nito , dahil sa mabilis kong pagtayo sa harap nito.Hinarap ko ito na hindi alintana ang kaninang dinadaing ko mula rito. Agad ko naman binalingan ang perang inihagis niya. Mabilis ko ang mga ito dinampot mula sa sahig at nagsalita ako rito, bago ako nag umpisang talikuran ito at maglakad palayo rito. "Sa akin nato! Wala nang bawian" bulalas ko rito, habang pinapaypay ang perang hinagis nito mula sa akin. tumalikod na ako rito at nag umpisa ng maglakad na papalayo sa gawi nito. Habang naglalakad palayo, nilingon ko pa ito at nakitang sumakay na sa kotse nito at pinaharurot paalis.Ang yabang talaga! Kaya lang naman ako nagkunwari kanina na nasaktan para lamang tulungan n'ya ako makatayo. Hindi para hagisan niya ng pera n'ya! Agad natigilan at nahinto sa paglalakad. Speaking of money! Agad ko binalingan ang hawak kong pera at isa isa itong binilang.Napatalon ako sa tuwa, nang mabilang ko ang hawak kong pera. My God,limang libo! Tuwang-tuwa kong sabi sa sarili ko. Naglakad lang ako papunta sa bahay nila Jona, naka limang libo na ako,dugtong ko pa habang tuwang-tuwa.Narating ko na ang bahay nina Jona,nagsimula na ako mag doorbell dito at gad naman binuksan ng katulong nila at sinabing hindi pa daw nakakauwi si Jona ng bahay nila .Nagpasya na ako umalis sa harap ng bahay nila at maglakad pauwi sa amin. Naglalakad ako pauwi sa bahay nang bigla ako harangan ng isang barako na motorsiklo.Nahinto ako sa paglalakad at bumaling ng tingin sa lalaking naka motorsiklo.Nag tanggal ito ng helmet,at nakilala ko ang lalaking sakay sa motorsiklo. "John! "bulalas kong tawag dito. "Yeah,the one and only," tugon nito. "Wow, astig ah! May motor ka na," nakangiti kong baling rito habang pinagmamasdan ng maigi ang makintab nitong motor. "Yup,meron na.Kabibili lang kagabi ni Dad."tugon nito. "Ano!? Tara!"Aya nito. "Bakit?! Saan tayo pupunta?"gulat na tanong ko. "Ililibot kita,ikaw ang una kong chicks na isasakay ko sa motor na ito,"wika pa nito at may pilyong ngiti. "Hoy! Hindi mo ako chicks noh, pero sige na nga. Sama ako, saan tayo lilibot?" tanong ko at dali-dali sumakay sa motor n'ya. "Sa Tagaytay,"tugon nito,Agad nanlaki ang mga mata ko at nagsalita. "Ano?! Ang layo, huwag na lang! bababa na lang ako sa motor mo," Maagap kong sabi rito,ngunit huli na ako dahil mabilis nito pinaandar ang motor n'ya kaya naman napa kapit na lamang ako sa bewang nito at wala na nagawa pa. "Nakakainis ka naman,John! bababa na nga lang ako,eh."Reklamo ko. "Wala ng bawian,nakasakay ka na,eh!"saan nito. Maya maya lang huminto kami saglit at kinuha nito ang isang helmet,inabot sa akin para masuot ko.Ilang oras pa ang nakalipas bago kami nakarating sa Tagaytay. Ang daming tao at ang gaganda ng mga tanawin sa mga nadaanan namin. "Johnderick,ang ganda dito,"mangha saad ko rito,habang nanga-ngatog ang mga kamay at tuhod sa lamig na hatid ng hangin at klima.Nag aya na bumaba ng motor si Johndrick. "Sandali bibili ako ng coat natin at bonnet, wait me here,"nagmamadaling turan nito at tumango ako. Habang nakatayo ako, ang daming tao ang nagpa daan-daan sa harap ko. Ang iba ay magka hawak pa ang mga kamay.Sana all,mahinang turan ko sa sarili ko.Hindi sa relasyon nila ang tukoy ko kundi sa suot nila na makapal na hoodie jacket,habang ako ay nagkanda ngatog- ngatog na dulot ng lamig. Sana all,meron makapal na Jacket,ulit ko pang sabi. Bakit ba naman kasi bigla-bigla na lang ako kinaladkad ni John Derick dito. Talaga ito si John,walang magawa sa buhay,turan ko sa isipan ko.Nilibot ko ang mata ko,nahagip ng tingin ko ang lalaki nakaupo sa di kalayuan ko,nakaupo ito at nasa akin ang buong atensyon,habang meron itong katabi na magandang babae, at hindi manlang nito binigyan pansin. Pinagmasdan ko ito,bigla na lamang ako napatakip ng dalawang kamay sa bibig ko nang mapagtanto na ito 'yung lalaki na muntik makasagasa sa akin kanina. Abala ito pinagmamasdan ako,habang nanga-ngatog ako sa lamig.Pakiramdam ko naninigas na ako sa kinatatayuan ko. Nag alis ako ng tingin at muli sinulyapan ang lalaking nakatitig sa akin kanina pa. Naku,bakit ba ito nakatitig sa akin,nakakailang naman.Baka nagagandahan lang siya sa akin, saad ko sa isipan ko.Napangiti ako sa naisip ko,nang meron dumaan na matanda sa harapan ko habang nasa akin din ang atensyon nito.Minasdan ako nito mula ulo hanggang paa,doon binalingan ko ang suot ko at napagtanto na,kaya pala ito nakatitig sa akin pati ang lalaki sa di kalayuan ko.Hindi dahil sa nagagandahan ang mga ito sa akin,kundi dahil sa suot ko lang ang maikli na maong na short at tshirt na kulay kupas na gray.Samantalang lahat ng tao dito balot na balot,tapos ako ay naka short lamang ng maikling maong. Naramdaman ko unti-unti gumalaw na ang mga ipin ko dulot na lamig . Maya maya lang ay huminto na sa harap ko ang motor ni Johnderick.Mabilis kinuha nito sa paper bag ang makapal at mahabang coat.Bumaba ito ng motorsiklo niya at bigla sinuot sa akin ang coat pati na ang gloves at bonnet,yumuko pa ito at lumuhod sa harapan ko habang nakatuon sa paanan ko para suotan naman ako nng medyas.Akmang itataas na ang paa ko nito para suotan ng medyas agad ako nag salita. "Ano kaba,Jhon! Ako na,"wika ko rito. Habang nilamon na ako ng hiya. Dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao sa paligid namin. Maging ang lalaki sa di kalayuan namin,na kaninang muntik na nakasagasa sa akin. Ay abala padin itong pinagmamasdan ako habang kasama ko si John. Ngunit imbis na makinig si John ay sa halip, itinaas na nito ang paa ko at sinuotan ng medyas, pati na ang kaliwa kong paa. Tumayo ito, at kinuha naman sa paper bag, ang sa kanya at sinuot nito ang Jacket at bonnet. "Ayosdito diba!" bulalas nito. "Oo, kaya lang malamig" tugon ko. Panakaw akong sumulyap ng tingin sa lalaki sa di kalayuan namin, habang kasalukuyan pa rin itong nakatitig sa akin. "Sandali ulit Ris. Ipark ko lang maayos itong motor ko at maglalakad lakad tayo banda doon!" saad ni John mula sa akin. Agad naman ako sumang ayon rito. Maya maya ay muli ko sinulyapan ang lalaki'ng mataman nakatingin padin sa gawi ko. Kaya naman nginusuan ko ito at tinaasan pa ng isa kong kilay. Nakita ko ang pagkabigla nito, nang gawin ko iyon. Nag salubong ang kilay nito habang nakamasid pa rin sa akin ang maamong mukha nito . Hanggang sa nakabalik na si Jhon, at ngayo'y nasa harap ko na. hinawakan nito ang isa kong kamay, at dagling hinila ako nito. Upang maglakad lakad kami at mag umpisang ikutin ang buong parke. Doon ay naramdaman ko na lamang na sa balikat ko na, ang mga kamay nito habang nakaakbay sa akin. Sandali ko pa nilingon ang lalaki, mula sa gawi nito, at ganoon na lang ang pag tataka ko. Kung bakit? pinagmamasdan pa rin ako nito, habang ngayo'y kasa-kasama ko na si John. Habang papalayo na kami mula sa kanya. "Nagugutom ka na ba?" tanong ni John saakin. "Hindi pa naman."turan ko rito. " Bakit?" dugtong ko pa. "Mamaya na tayo kakain ha!. Lilibot muna kita"saad mula sa akin ni John Derick. Doon ay napangiti ako dito. habang nakataas ang isa kong kilay. Kung saan-saan ako dinala ni John Derick, at talagang tuwang tuwa ako. Bumili din ito ng teddy bear, para sa akin na tama lamang ang laki. Nag pa litrato din kami nito . Hawak ko ngayon ang mga litratong kuha sa amin kanina. Isa isa kong tinitingnan ang mga ito habang nakaupo ako sa parke. Sandali ako iniwan ni John, dahil bumili ito ng kape para samin dalawa, masayang masaya ako ngayong gabi na ito. Pero natigilan ako nang maalala ko ang litrato ko, kung saan nabungaran ko noon sa notebook ni John. Bumaling ako ng tingin sa kanya, habang bumibili ito ng kape sa di kalayuan. May kung ano akong nararamdaman, simula nang makita ko ang litrato ko sa notebook niya. Alam kong mayroong gusto sa akin si John. Ngunit bakit? ako pa! Ang napili nitong magustuhan. Kainis naman ito, sana magkaibigan nalang kami. Sana hindi na higit pa doon ang ipikita niya sa akin. Nang makabalik na si John, ay inaabot nito saakin ang isang kape at tumabi ito sa akin. at nagsalita. "Tapusin na lang natin itong pag kakape, at uuwi na tayo." bulalas nito. Agad naman akong sumang ayon mula sa gusto nito, habang nag umpisa nang humigop ng kape. Alam kong pinagmamasdan ako ni Jhon, habang humihigop ako ng mainit na kape. Kahit hindi ako dito nakatingin ay ramdam ko na sa akin ang mga mata nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD