CLARISSA POV. Nakita ko na lamang papalapit na sa akin si Trixie. Galit habang gigil sa galit, napa atras ako habang papalapit ito. Pero habang pinagmamasdan ito nabigla ako nang salubungin ito ni Ma'am Amanda ng magkasunod na sampal. Natulala ako sa kinatatayuan ko habang hindi ko alam ang gagawin. "Mang aagaw kang babae ka!" galit na sigaw rito ni Ma'am Amanda. Doon nagtataka akong napaatras ng tatlong hakbang. Nagkakasakitan na ang mga ito at hindi ko gusto makigulo. "Ano bang gagawin ko! Inis kong saad sa isipan ko. "Ma'am Amanda! Tama na po 'yan!" awat ko ngunit malayo sa mga ito. Mahirap na baka bumagsak na naman ako sa sahig, masakit pa rin hanggang ngayon ang ulo ko. Maraming nurse ang lumapit at umawat, doon lamang ako naglakas loob awatin ang mga ito. "Tama na 'yan!" awat k

