Chapter 4

1384 Words
Makalipas ang ilang minuto, lumabas na ang dalawang midwives at sinabi na pwede na akong pumasok. Tumayo na ako at pumasok sa kwarto, nakita ko itong nakahiga sa higaan pero hindi niya hawak ang baby niya. May dalawang hospital bed sa kwarto at nandoon sa kabila si baby. Nilapitan ko si Shella at umupo sa upang malapit dito. Hindi kalakihan ang kwarto at hindi rin maliit, sakto lang upang makagalaw galaw ka. “Kamusta na pakiramdam mo?” tanong ko agad sakanya, tinignan ko ang buong mukha nito ang putla at sobrang hina pa nyang tignan. Ngumiti ito bago nagsalita “Okay lang ako, oo nga pala babae ang gender niya.” Tinignan nito ang bata at ganun rin ginawa ko at napangiti ako ng wala sa oras. Hindi na mag iisa ang kaibigan ko, may pamilya na itong totoo. May kasangga at magpakukunan ng lakas upang lumaban. Pero nawala ang ngiti ko ng maalala ko ang sitwasyon nito, sobrang delikado nakalibing ang dalawang pa nito sa lupa. Hinawakan ko ang kamay nito, wag kang mag alala hindi ko kayo pababayaan. Hindi kita iiwan dahil ikaw nalang ang pamilya ko, kayo ni baby. “Oo nga pala ano ipapangalan mo sa bata Shella?” tanong ko dito, tumingin naman ito sa akin at hindi agad nakasagot. Mukhang malalim ang iniisip nito. “Wala pa akong maisip Marga” ngumiti ako dito. “Okay lang iyan, pag isipan mo muna ng mabuti. Oo nga pala may sasabihin ako sayo.” Naging seryoso ang mukha nito, sinabi ko sakanaya ang lahat ng mga napansin ko kanina at yung plano ko. Napayuko ito habang nakikinig sa akin at tumanggo naman ito sa huli. “Sige Marga, gawin natin ang plano mo.” Pagpayag niya dito napangiti naman ako sa sagot nito. Tumayo na ako upang umalis, pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko at hinila ako upang mayakap ng mahigpit. Nabigla ako noong una at muntik ng maout of balance, gumanti ako ng yakap ng makabawi ako sa pagkabigla. “Mag ingat ka palagi Marga at salamat sa lahat.” Napatawa naman ako ng mahina at hinagod hagod ang likod nito. “Ano ka ba what are friends are for diba? Atsaka parang kapatid narin kita. So walang anuman, sino paman din magtulong tulongan kundi tayo lang naman.” Napatawa naman ito sa sinabi ko kumalas na ito ng yakap at humiga ng maayos. “Tama ka Marga pero salamat parin sa lahat lahat. Napakaswerte ko dahil naging kaibigan kita.” Ngumiti ito ng senseridad sa akin kaya ginantihan ko ito at umalis na upang makabalik agad. Pero parang may mali, bago ako nakalabas tinignan ko ulit ito. Nakahiga ito at nakatingin sa akin, ngumiti ito kaya ginantihan ko rin ng ngiti. Baka guni guni ko lang yun o baka stress. Pagkarating ko sa apartment, naglinis muna ako sa kalit kanina. May dugo sa sahig at sa dingding rin pero kunti lang naman. Pagkatapos ko maglinis nagligpit na ako ng gamit. Mabuti talaga may malaki akong backpack, kumuha ako ng anim na piraso ng damit, nilagay ko rin yung binigay niya sa akin kanina na dalawang passbook at tatlong atm card sa shoulder bag ko, kinuha ko rin sa pinagtaguan ko yung naiwang family picture at isang kwentas. Nilagay ko sa bag yung alam kong kailangan namin. Kailangan ko pa palang magpaalam sa landlord ko, mag iiwan nalang ako ng note sa misa. Pagkatapos ko magligpit at mag iwan ng note umalis na ako, isang malaking backpack at isang shoulder bag lang dala dala ko. Bago ako bumalik sa birthing center, nagwithdrew ako ng pera at bumili narin ng pagkain. Wala na akong pera atsaka kailangan rin upang mabayaran namin yung bill. Pagkarating ko sa birthing center, may isang midwife ang palakad lakad sa lobby. Pagkakita niya sa akin nilapitan niya agad ako. Nagtaka naman ako dahil kabado ito, kaya huminto ako sa paglalakad. “Yung kaibigan mo, nawawala.” Hindi ako nakasagot sa gulat, hindi ko rin napansin na hinawakan niya ang kamay ko. Pinuntahan ba siya dito at kinuha, s**t hindi pwede. Tinakbo ko ang kwarto pagpasok ko wala na nga sya doon, tinignan ko yung higaan ni baby. Nagulat ako dahil nandoon pa ito kaya nilapitan ko ito at hinawakan, tinignan ko rin if may galos ba. Napahinga ako ng maayos dahil okay lang ito at tulog parin. "Salamat sa Diyos at okay ka lang" Shella kung nasaan ka man sana ligtas ka. Hindi ko alam kung saan kita hahanapin. Kailangan kong tumawag ng pulis, binaba ko ang backpack sa kabilang kama. Napansin kong may papel na nakalagay sa may unan. Nakatupi ito kaya kinuha ko, nakalagy ang pangalan ko mukhang sulat ata to. Teka pamilyar sa akin ang sulat kamay, kay shella to. Sulat kamay ni Shella, sakanya galing to. Umupo ako sa kama, kinakabahan ako habang hawak ko ang sulat at malalim ang paghinga. Napabuntong hininga ako upang kumalma bago ko binuksan ang sulat. Marga, pagnabasa mo ito wala na ako. Naalala mo ba yung hiningi kong pabor sayo kagabie. Na alagaan mo ang anak ko na parang iyo, ituring mo ito na parang totoong anak. Alagaan mo ang anak ko Marga, sorry dahil pinasa ko sayo ang responsibiladad ko bilang isang ina. Alam kong marami kang pangarap at wala akong ibang hinagad kundi makamit mo ito lahat. Kailangan ko itong gawin Marga, delikado siya sa akin. Hinahanap na ako ng mga police at pamilya ni Victor. Marga pasensya dahil hindi ko sinabi sayo ang lahat. Ipaliliwanag ko sa iyo pag nagkita ulit tayo. Pagbuhay pa ako pagkatapos ng lahat sasabihin ko lahat sa iyo. Haharapin ko ito mag isa, yung gulong sinumulan ko. Wag kang mag-alala ligtas ako. Wag mo ilagay ang pangalan ko sa biological mother ng anak ko dahil simula ngayon hindi ko na siya anak kundi sa iyo na. Natakot kasi ako na baka malaman nila. Baka kunin o patayin nila ang baby ko. Marga kahit anong mangyari wag kang matitiwala kahit kanino. Gamitin mo yung iniwang kong pera sayo para sa gastusin nyo ni baby. Ipagpatuloy mo ang plano mo Marga, lumipat kayo ng tinutuluyan ni baby. Ikaw narin ang bahala magbigay ng pangalan sakanya, dahil wala akong karapatan dahil sa ginawa ko. Sa pag iwan ko sakanya. Mag ingat kayo parati Marga, ipagdadasal ko sa Diyos ang kaligtasan nyong dalawa. Pasensya na nadamay ka pa sa gulo ko at pinasa sayo ang responsibilidad na ako dapat ang humurap at gumawa. Hindi ko alam kong paano kita pasasalamatan. Hanggang sa muli, Shella. Napaiyak ako dahil sa lungkot at saya, ligtas ang kaibigan ko salamat sa Diyos. Pero delikado parin ang kalagayan nito. Ipagdadasal ko rin ang kaligtasan mo Shella, hihintayin ka namin ni baby. Binitawan ko ang sulat at lumapit kay baby, kinarga ko ito at niyakap. Naawa ako sa bata, lalaki siyang hindi totoong ina ang nag aruga sakanya. Hindi bali na ibibigay ko sayo ang lahat at proprotektahan kita dahil anak narin kita simula ngayon. “Tayong dalawa nalang ngayon baby, pero hindi kita pababayaan.” Sabi ko dito at hinalikan ang ulo nito, pinagmasdan ko ang mukha nito. Ang cute ng ilong niya ang tangos, mahaba din ang pilik mata nito at mapula pula ang ngabil. “Sigurado akong lalaki kang maganda mana sa dalawang mommy mo.” Hinalikan ko ulit ito sa ulo bago binaba ulit sa kama. Pinunasan ko ang luha ko at pinipigilang tumulo ito, kinalma ko na rin ang sarili ko. “Wala ka pa palang name baby, hmm ano kaya bagay sayo. Hmm, Beatrice?” kumunot ang noo nito, ang cute ang sarap kurutin ng pisngi nito. “Ayaw mo nun baby, sge how about Sofia? Ayy wag yun masama ang ugali ng kaklase ko na si Sofia.” Sabi ko dito habang umiiling iling wag talaga yun, ayaw kong isunod ito sa pangalan ng anak ko. “Primrose” ngumiti naman ito at humikab, napangiti ako sa reaction nito. “You like that name huh, Primrose” mas lumaki ang ngiti niya kaya napatawa ako ng mahina. May matatawag na akong pamilya simula ngayon, ang gaan sa pakiramdam pero may kulang. At parang hindi tama. Pinagmasdan ko lang ito matulog hanggang sa nakaramdam ako ng pagod kaya inusog ko ng konti si prim at tumabi ako sakanya para matulog na rin. Bukas ko na haharapin ang ibang bagay ang mahalaga ngayon ligtas si Primrose at Shella.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD