Chapter 3

1682 Words
“Shella nagpacheck-up ka na ngayong buwan?” Tanong ko dito habang nagtitimpla ng kape. Nakaupo naman ito at kumakain na nang agahan. “Hindi pa, isang beses lang ako nakapunta sa doctor noong nahimatay ako habang tumatakas. Dinala ako ng mga tauhan ni Victor sa isang maliit na clinic na kakilala niya pala ang may-ari. Ginamot niya rin ang mga sugat namin.” Pinagpatuloy na nito ang kanyang pagkain, kumain narin ako para makaalis na. May bumagabag parin sa akin at gustong gusto na siyang tanungin. Mamaya na siguro baka mastress ito at umiiyak na naman. At ang aga pa para magdrama mamaya ko na siya tanongin, ililista ko lahat ng tanong ko upang hindi ko makalimutan. “Oo nga pala Marga may ibibigay ako sayo ngayon.” Tumango ako dito at lumamon na ulit. Nakapagpasya ako na dito na muna siya sa akin tumira baka mapano pa ito sa tinutuluyang hotel at baka mahanap pa siya ni Carmilla, yung asawa ni Victor. Delikadong magpalipat lipat siya ng hotel, at baka maistress ito ng husto at mapano pa ang baby nito. Pagkatapos naming kumain, tumayo na ito at pumunta sa kwarto. Niligpit ko naman ang pinagkainan namin at nagsimula ng maghugas, siya kasi ang nagluto ng agahan habang naliligo ako. Automatic na ako ang maghuhugas ng pinggan, ganun kasi ginagawa namin sa bahay ampunan noon. Napansin ko itong umupo sa upuan, nang matapos na ako nilapitan ko na ito. Inaabot niya sa aking ang isang envelope at tinanggap ko naman ito. Tinignan ko muna ang likod nito baka may nakasulat, wala naman kaya binuksan ko na ito. Nanlaking matang nilabas ko ang laman nito, tatlong atm card at dalawang passbook at puro nakapangalan sa akin. “Anong gagawin ko dito Shella?” Tanong ko dito, bumuntong hininga ito at ngumiti ng mapait. Napaupo naman ako ng wala sa oras. Binuksan ko ang passbook at nagulat ako sa balance, limang milyon nabitawan ko ito at tinignan ang isa pa pareho ito sa nauna. Ang dalawang passbook ay pareho ang laman. Jusko ang laki, mukhang pati ang tatlong atm card ganun rin ang laman. “Shella ang laki naman nito. Hindi ko to matatanggap.” Nilagay ko ito muli sa envelope at binigay sakanya. Tinulak niya ang kamay ko at umiling iling. “Marga, hindi kulang pa yan lalo na sa hiningi kong pabor sayo.” Nahihiyang sabi nito, napabuntong hininga nalang ako. Humingi ito ng pabor sa akin kagabie pumayag naman ako. “Ano ka ba parang hindi naman tayo magkaibigan nyan.” Binitawan ko ang envelope bago hinawakan ang mga kamay nito at ngumiti ng malaki sakanya. “Sobrang saya ko dahil magkasama na tayo ngayon.” Nagagalak kong sabi dito at pinisil ang mga kamay niya. Ginantihan naman niya ako ng malaking ngiti. “Bukas magpapacheck up tayo ha, para malaman natin ang kalagayan ni baby” Tumango naman ito kaya tumayo na ako at kinuha ang bag ko para umalis na. “Mamaya bibili ako ulam natin kaya wag kang mag-abalang magluto.” Tumango ulit ito. “Wag kang umalis, magpahinga ka lang dyan upang mabawi mo ang lakas mo. Bukas na natin kukunin ang mga gamit mo doon sa hotel.” Tumawa naman ito at napailing iling. Tinaasan ko naman ito ng kilay. “Para ka talagang mama kahit kalian. Opo ma, masusunod lahat ng bilin mo. Sige na umalis kana baka malate ka pa.” Pabirong sabi nito atsaka tinulak ako palabas ng apartment. “Gaga, sge alis na ako.” Tumatawang sabi ko, sinarado naman niya agad ang pinto pagkalabas ko. Wow ha, apartment mo? -- Busy ako buong araw kakaserve ng mga orders ng customers. Tapos na ang trabaho ko kaya kinuha ko na ang gamit ko sa locker at nagbihis. Binigay naman ng boss ko ang sahod ko ngayong weekend kaya makakabili ako ng pagkain. Bibili ako ng lechon manok doon ako bibili sa sakayan ng jeep may nagtitinda naman doon at masarap yung atchara nila paborito naming dalawa. Naglalakad na ako papunta doon nang naramdaman ko nagvibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito sa bag. Nakasilent mode kasi ito pagnagtratrabaho ako, si Shella pala tumatawag kaya sinagot ko na ito. “Hello Shella” “M-Marga mukhang ma-manganganak na ata a-ako, a-aray” nahihirapang sabi nito, napahinto ako sa paglalakad dahil sa gulat. “H-huh? Ahh, si-sige pauwi na ako, sandal lang.” Pagkaoff ko sa tawag, pumara na ako ng taxi upang makarating ako agad sa apartment. Pagkasakay ko sa taxi sinabi ko agad sakanya ang address. “Manong pakibilisan po, manganganak na yung kaibigan ko po.” Natarantang sabi ko. Chineck ko kung kanina pa ba ito tumatawag at tama nga ako ang daming texts at missed calls. Kaninang umaga pa pala masakit ang tiyan nito at pumutok na ang tubigan niya. Lord wag niyo po pabayaan ang kaibigan ko at ang baby nito. Pagkarating ko sa apartment, bumaba agad ako at nagpatulong ako sa taxi driver kaya sumunod ito sa akin. Pagkapasok ko sa apartment nakaupo ito sa sahig habang hawak hawak ang tiyan at maraming dugo. Nilapitan ko ito agad, ngumiti naman ito pagkakita niya sa akin. “Manong patulong naman ho.” Sabi ko dito, tumayo ako upang maalalayan si Shella sa pagtayo. Binuhat naman agad ni manong si Shella pagkalapit nito, sinarado ko ang pinto pagkalabas namin. Tumakbo ako upang mabuksan ko ang pinto ng taxi para maayos niya itong mapaupo doon at sumakay na ako pagkatapos. “Shella konting tiis nalang ha, manong sa malapit na hospital ho.” Sabi ko dito pagpasok niya sa kotse habang nakahawak sa kamay nito. Sobrang lalim na nang hininga nito kitang kita na nahihirapan na siya. “W-wag sa hos-hospital.” Sabi nito ng nahihirapan. “Huh? Hindi pwede” pagtutol ko sa sinabi nito. Nahihibang na ba ito saan naman namin siya dadalhin. “Deli-likado.” Napabuntong hininga ako, oo nga pala muntik ko na makalimutan. “Saan ka namin dadalhin Shella?” tanong ko dito habang hindi alam kung saan siya hahawakan dahil sobrang nahihirapan na ito at naliligo na ito sa sariling pawis. “Sa birthing center.” Dinala na namin siya sa malapit na birthing center, sinalubong kami ng dalawang midwives. Pinasok namin siya sa isang kwarto at pinalabas na kami ng driver. Nakatayo lang ako sa labas ng kwarto habang busy ang mga ito kakatakbo doon at dito. Nanginginig ako habang nakatingin sa kanila. Lord kayo na po bahala sa kaibigan ko. Safe niya sana madeliver ang baby niya. May kumalabit sa akin kaya sa gulat napatalon ako. “Pasensya na kailangan ko ng umalis.” sabi noong driver, muntik ko ng makalimutan humingi ako ng paumanhin dito at nagpasalamat dahil walang dalawang isip na tinulungan niya kami. Binigay ko na yung bayad at binigyan ko na rin ng konting tip. Nakakahiya naman at naabala ko pa ito. Hindi naman pala katandaan yung driver, bata pa siya baka raket niya yun upang kumita. Tinignan ko ito mula ulo hanggang paa, mataas ito at malaki ang katawan. May tattoo ito sa may leeg, triangle na upside down at sa gitna may numero, 07 ang nakalagay dito. Pinagsawalang bahala ko na ito at umupo. Pagkaupo ko nakita ko ang sapatos nito, teka mamahalin yung sapatos na yan ha nakakita na rin ako ng ganun magkatulad sila ng kaklase ko na anak ng mayor. Limited edition daw yun. Parang may mali, hindi naman sa pagmamaliit sa mga taxi drivers pero sobrang mahal noong sapatos na yun. Nakatayo pa ito dahil binibilang niya yung binigay kung bayad, tinignan ko ito sa mukha tinignan niya rin ako at ngumiti. Yung ngiti nito may ibang pinapahiwatig nakaramdaman ako ng takot, hindi ko nasuklian yung ngiti dahil napalunok ako dahil sa naisip. Tumalikod na ito upang umalis, nakita ko itong kinuha yung cellphone niya sa likod ng bulsa ng pantalon. Yung phone niya mamahalin rin, iphone ata yung brand na yun at latest model din yun. Malalim na ang hininga ko dahil sa nasaksihan, hindi ko narinig yung sigaw ng kaibigan ko habang umiiri. Hindi ako mapakali habang nakaupo kaya tumayo ako at palakad lakad. Pinagdugtong dugtong ko ang kwento ni Shella at sa nasaksihan ko ngayon lang. Delikado yung kalagayan ng kaibigan ko mukhang nasundan na yati kami, nalaman narin nito ang lokasyon ng apartment ko kailangan naming lumipat agad. s**t paano to. Makalipas ang isang oras kakaisip ng paraan upang makatakas lumabas na yung midwife, kaya napabalik ako sa realidad. Nilapitan ko na ito at tinanong ang kalagayan ng kaibigan ko. “Kamusta ho yung kaibigan ko?” Ngumiti ito sa akin kaya kumalma naman ako, “Safe nyang nadeliver ang bata at maya maya pwede ka na pumasok nililinisan pa kasi ito.” “Maraming salamat po” Hinawakan nito ang balikat ko at ngumiti bago umalis. Umupo naman ako sa upuan dahil sumasakit na ang paa ko kakalakad kanina. “Hija, wala ba kayong dalang gamit para sa baby?” Tanong ng midwife habang nasa b****a ng pinto sa isang kwarto. Nawala sa isip ko at hindi pa namin nakuha ang gamit ni Shella sa tinutuluyan nito. “Wala ho, nawala po kasi sa isip ko. Bibili ho ako ngayon, bukas pa naman po ang mga mall.” Nahihiyang sabi ko dito, tumanggo naman ito at pumasok ulit sa kwarto. Lumabas itong may dalang damit. “May available kaming damit pang bata dito yun nga lang benibenta namin.” Sabi nito pagkalapit sa akin kaya tumayo ako at nilapitan ito. “Okay lang ho iadd niyo lang po sa bill namin, bibili po ako bukas salamat ho talaga.” Sabi ko dito at yumuko habang nagpapasalamat. “Sige hija at walang anuman.” sabi nito at hinawakan ulit ang aking balikat at pumasok na ulit sa kwarto ni Shella. Nakangiti ako habang tinitignan ito. Sobrang gaan sa feeling yung paghawak niya sa balikat ko. Magiging okay then ang lahat, kailangan ko muna magplano. So ngayon pag okay na ang kalagayan ni Shella uuwi ako at kukunin ko ang mahalagang gamit namin, hmm tama. Babalik ako agad dahil bukas ng umaga uuwi kami sa bahay ampunan o di kaya kung saan hindi kami matuntun. Tama tama yun ang gagawin naming, kakausapin ko muna si Shella.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD