Chapter 2

1580 Words
"Marga, ako to si Shella" umiiyak na sabi nito, nabigla ako sa narinig ko at hindi makagalaw. Hinintay ko itong makalapat sa akin para makomperma na siya nga ito. Nang masilayan ko ang mukha nito sa tulong ng liwanag na galing sa poste, 'siya nga si Shella' nabitawan ko ang mga pinamili ko at niyakap ito. "Shella, sobrang namiss kita. Hindi ka na tumawag sakin. Nag-alala ako sayo ng sobra." umiiyak kong sabi rito, gumanti naman ito ng yakap sakin. Umiiyak kami habang nakayakap sa gilid ng kalsada. Wala akong pake kahit may makakita sa amin at sa mga sasabihin nila. Ang mahalaga sa akin ngayon ay mayakap ang kaibigan ko na tinuturing kong kapatid. Bumitaw na ako sa yakap at tinignan ang mukha nito, pumayat ang kaibigan ko. Kitang kita na yung collarbone niya, tinignan ko sya mula ulo hanggang paa. Malaki ang tiyan nito pero maliit ang braso ny-, teka buntis ito. "B-Buntis ka? Ilang buwan na?" Nanlaking matang tanong ko dito, tango lang ang sagot nito at yumuko. Tinignan ko ulit ang tiyan nito, ang laki mukhang kabuwanan na niya. Hindi ko ito napansin kanina, naka itim kasi ito ng bistida. "Kanina ka pa ba naghihintay sa akin?" tanong ko ulit dito. Tinignan niya uli ako atsaka tumango. "Pasok na muna tayo atsaka tayo mag-uusap ha" Tumango lang ulit ito. Kinuha ko uli yung pinamili ko atsaka ko binuksan ang pinto. Maliit lang ang apartment ko, pagpasok mo may maliit na space pang sala which is wala ako nun, karugtong nito ang dining table na two sitter lang. Mula roon, dalawang hakbang lang yung lababo, at mula roon apat na hakbang naman papuntang cr. May isang kwarto ito pero maliit, double bed ang size ng kama ko pero sobrang sikip na. Wala akong kabinet, yung lalagyan ko ng gamit ay yung box na nabibili sa department store, dalawang box lang binili ko atsaka kasya naman lahat dahil konti lang ang damit ko at hindi ako mahilig bumili. "Pasensya na hindi ako naka paglinis, sobrang busy kasi sa school at sa mga raket." Sabi ko rito at dumiretso na sa kusina at nilagay na sa dapat kalalagyan ang mga pinamili ko. "Tamang tama lang ang pagpunta mo magcecelebrate ako ngayon" kwento ko naman dito, habang busy sa pag arrange ng pinamili. "Pagtumatawag si Sister Lily hinahanap ka niya at kinakamusta." Nilingon ko ito, nakita ko itong nakatingin sa nakasabit na picture frame sa pader. Lumapit ako sakanya at niyakap ito patagilid. "Namiss kita, nang sobrang sobra" Sabi ko rito habang pinipilit na hindi umiyak. Tinitigan niya yung picture namin lahat sa labas ng bahay ampunan. Kuha yon bago kami umalis. Umiiyak naman ito habang nakatitig sa picture atsaka hinimas himas ang tiyan niya. Kumalas ako ng yakap at hinagod hagod ang likod nito. Makalipas ang sampung minuto, kumuha ako ng tubig at binigay dito. Tinanggap naman niya ito, ngumiti at nagpasalamat bago niya ininom ang tubig. Umupo ako sa upuan at uminom din ng tubig. Lumapit naman ito sa misa atsaka umupo sa tapat ko. Binaba niya ang baso at yumuko. Tinignan ko lang siya, ang laki ng binawas ng timbang niya. Si Shella kasi yung chubby na sexy pero ngayon ang payat na niya. Anong nangyari sayo Shella? Tumingin ito sa akin at uminom ng tubig. Umayos na ako ng upo dahil alam ko magkwekweto na ito. "Kamusta ka na Marga?" "Okay lang ganun parin, ikaw kamusta kana?" tanong ko rito. Bumuntong hinga ito at tumingin sa mata ko. "Nagmahal ako ng isang delikadong tao Marga." lumunok ito ng laway at napangiti ng mapait. "Malaki ang agwat ng edad namin. May a-asawa na ito. Pero walang anak. Hindi yun naging hadlong para sa akin." Yumuko ito, malaki ang agwat ng edad? "Ilang taon na ba siya?" tanong ko dito. "Thirty eight" nakayuko niyang sagot sa akin. Napatango ako ng wala sa oras, ang layo nga. Binigyan ko siya ng senyalis upang ipagpatuloy ang pagkwento. "Hindi sya mabigyan ng anak ng asawa niya. Gusto niyang magkaroon ng anak na lalaki kaya pumupunta siya sa bar na pinagtratrabahoan ko. Nagbabakasakali na may mahanap na babae mabibigyan siya nito. Doon kami una nagkakilala, habang nagseserve ako ng drinks nilapitan niya ako. Gusto niyang kilalanin ako, pero hindi ko ito pinansin dahil sa matanda na ito at baka manyak din. Kaya lumayo ako sakanya. Pero pinagtatanggol niya ako sa mga nang babastos sa akin. Inalagaan niya ako Marga. Nagbobook siya ng VIP room at ako ang kinuha niya para magserve doon. Pero walang ibang tao doon kami lang dalawa. Pero walang nangyari sa amin Marga. Wala." Kwento niya habang tumutulo ang luha at hinawaka niya ang kamay ko senyales na paniwalaan ko siya, hinawakan ko rin ang kamay nito at ngitian ito. Alam kong hindi ganung klaseng tao ang kaibigan ko, kilala kita. "Nagbobook siya ng VIP room upang makapagpahinga ako dahil sa sunod sunod na duty. Nagkwekwentuhan lang kami doon. Dahil doon nahulog ako sakanya. Iba siya sa ibang lalaki. Kahit kailan hindi niya pinakita o pinaramdam na katawan ko lang ang habol niya. Nirespeto niya ako. Inalagaan. Nagkwekweto rin siya sa mga lugar na napuntahan na niya." Kwento niya ng nakangiti habang umiiyak. "Nakalipas ang ilang linggo niyaya niya akong magdate pumayag naman ako kahit mali. Mas nahulog ako sa paraan ng pag aalaga niya sa akin. Hulog na hulog na ako sakanya. Pagkalipas ng dalawang buwan, niyaya niya akong maging girlfriend niya. Tumanggi ako dahil mali, may a-asawang naghihintay sakanya." Humahagulgol ito ng iyak kaya nilapitan ko ito at niyakap. Hinagod hagod ko ang likod nito. "Sge lang Shella, ilabas mo lang ang lahat. Nandito lang ako. Hindi kita iiwan." Sabi ko dito habang tumutulo ang luha ko. Pagkalipas ng ilang minuto kumalas na ako sa yakap at pinunasan ang luha ko. "Bukas mo nalang ipagpatuloy ang pagkwekwento Shella. Magpahinga ka muna." Tumayo na ako at kumuha ng tubig at binigay dito. Pinunasan niya muna ang mga luha niya bago tinggap ang tubig. "Hindi Marga kai-kailangan ko sabihin sayo ang lahat." Ani ni Shella habang tinitignan ako sa mata kaya napabuntong hininga ako at umupo sa tabi niya at nakinig sa kwento nito. "Sabi niya sa akin na hihiwalayan niya ang asawa niya. Hindi niya na raw ito mahal. Sabi ko sakanya putulin mo ang kailangan putulin ayaw ko nang may sabit. Tumango siya at sabi niya bigyan ko siya ng isang linggo upang ayusin ito. Pumayag ako at hinintay ko siya ng isang linggo." Kwento nito habang hinimas himas ang kanyang tyan habang nakangiti. "Bumalik siya sakin Marga. Mahal niya talaga ako. Sobrang saya ko nun. Dala dala niya ang divorce papers. Napaluha ako sa saya habang tinitignan ang papeles. Sa wakas makasama ko na rin ang mahal ko ng walang pangamba. Akala namin okay na, pero makalipas ang limang buwan bumalik ang asawa niya. Sinugod niya ako sa bahay na tinitirhan namin. Umalis siya dahil sa negosyo, matatagalan daw siya ng ilang araw doon. Hindi ako sumama dahil hindi maganda ang pakiramdam ko. Ako, ang mga kasambahay at mga guards lang ang naiwan nun. Nakatakas ako, takbo lang ako ng takbo. Hindi ko alam na buntis na pala ako." Humahagulgol ito at yumakap sa akin. Kaya ginantihan ko naman ito ng mahigpit na yakap. Ramdam ko ang takot at sakit niya kaya hinagod hagod ko ang likod nito. Pagkalipas ng limang minuto, kumalas ito ng yakap at uminom ng tubig. Pero nahirapan itong huminga. "Shella breathe in, breathe out" Sabi ko dito habang sinasabayan ko itong huminga. Nakahinga naman ito ng maayos pagkalipas ng ilang minuto. "Muntik na ako makunan Marga." Patuloy nito sa pagkwento habang pinipigilan ang mga luha. "Bago ako nakatakas sabi niya sa akin na papatayin niya rin ako. Gaya ng pagpatay niya kay Victor. At doon ko rin nalaman ang ibang negosyo nito ay illegal. Pero ang asawa niya ang namahala nito pagkadivorce nila. Nalaman ko rin na peke yung divorce papers. Kasal pa rin sila Marga, naging kabit pa rin ako. Pinaniwala niya kaming totoo ang documents, naloko kami ng asawa ni Victor." Humagulgol ulit ito, pinupunasan niya ang luha niyang walang tigil sa pag agos. "Hinahanap niya pa rin ako hanggang ngayon. Takot na takot ako Marga." Sabi nito habang nanginginig. Napahagulgol na rin ako. Naawa ako sa sinapit ng kaibigan ko alam kong nagkamali siya pero hindi tama na humantong pa sa p*****n. "Nandito na ako, hindi kita pababayan. Tatakas tayo, aalis tayo dito ha. Hahanap ako ng paraan." Sabi ko dito habang tumutulo ang luha ko at hinahawakan ang mukha niya pero hindi niya ako sinagot. Yumuko lang ito at umiling iling. "Marga ayaw kita idamay sa gulo ko. Ayaw kitang mapahamak pero wala na akong malalapitan at mapagkatiwalaan." Sabi nito habang yumuyuko at hinimas himas ang tiyan niya. "Shella nangako tayo sa isa't isa na walang iwanan kahit anong mangyari dba? Hindi kita iiwan, lalo na ngayon na kailangan mo ako." Sabi ko ulit dito at hinawakan ang balikat nito. Nakayuko parin ito. "Marga hindi rin ako magtatagal dito." Sabi nito na nagpatigil sa akin. "Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko dito habang tumutulo ang luha at sipon ko. Tumingin na ito sa akin at napatingin rin ito doon. "Punasan mo nga yang sipon mo, kahit kailan talaga siponon ka parin" sabi nito at tumawa habang kumuha ng panyo sa bag niya. "Gaga, akin na nga yan" Kinuha ko sakanya ang panyo at pinunasan ang sipon kong walang tigil sa pagtulo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD