Few more weeks finally makagraduate na ako. After all the sleepless nights, late submition of activities and three part time jobs just to pay my tuition fee is all worth it.
I'm taking up Bachelor of Science in Business Administration Major in Financial Management, it's always been my dream to work in a bank or in a company. Sitting in the office doing paper works is quite interesting for me.
Pumipila ako ngayon para bayaran ang remaining balance ko, sobrang saya ko ngayon habang yakap yakap ang bag ko kung saan nakalagay ang pera ko.
Kailangan isecure ang pera baka mawala pa ito o baka maholdap pa ako. Malas kasi ako, pero paminsan minsan lang talaga promise.
Naalala ko yung unang sahod ko sa isang part time job ko. Pagkalabas ko sa banko hinablot bigla yung bag ko. Riding in tandem ang peg, hinabol ko ito pero hindi ko naabutan. Umiyak ako buong araw dahil don, ibabayad ko yun sa tuition ko upang maka take ako ng exam.
Buti talaga hindi pa final exam, kaya ayun naka take ako. Pero kinakailangan pang kausapin ang dean namin bago ako makatake. Nakakatakot paman din kausapin yun, suplada kasi buti naawa saakin. Kaya napermahan ang promissory note ko.
"Good morning po Maam" Sabi ko sa cashier, habang naka ngiti at masiglang tono.
"Good morning" bati rin nito sa akin, kinuha ko ang pera at ID ko atsaka inabot ito sakanya. Sobrang laki ng ngiti ko habang tinitignan siyang nagtatype.
Soon, ganyan na rin ang trabaho ko nakaupo lang buong araw, napahagikhik ako dahil sa naisip ko. Pagkatapos maprint ang receipt binigay niya na ito pati ang ID sakin.
"Salamat po Maam" sabi ko rito pagkatanggap sa resibo at ID, ngumiti naman ito sa akin.
Ang gandang tignan nung zero balance sa resibo sobrang gaan sa pakiramdam. Napatalon ako sa tuwa at hinalikan ang resibo. Napatawa ako sa ginawa ko, para akong ewan. Nilagay ko na ito sa bag at umalis na ako doon.
Salamat talaga kay Sister Lily binigyan niya ako ng pera kahapon pangdagdag raw sa bayad sa tuition ko.
At may konti pera pang naiwan sakin kaya magcecelebrate ako mamaya, magluluto ako ng spaghetti. Gusto ko sana sa bahay ampunan magcelebrate kasama ang mga bata siguradong matutuwa ang mga yun.
Malayo kasi ang bahay ampunan at ilang oras pa ang byahe. Atsaka busy pa ako ngayong buwan hindi pa tapos ang ibang activities namin at magcle-clearance na rin kami.
Okay lang yan, konting tiis nalang. Para namang hindi sanay na ako lang magisa mag celebrate, napangiti ako ng mapait.
Di bale na basta ang importante makakausad na rin ako sa buhay, at matulungan ko na rin sila Sister Lily sa mga ibang gastusin sa orphanage. Dapat think positive lang palagi.
Iniwan ako ng mga magulang ko sa orphanage noong limang taon gulang palang ako. Sa kadahilanan na bata pa sila at sobrang hirap ng buhay. Hindi na raw nila ako kayang buhayin, naawa si Sister Lily sa akin dahil sobrang payat ko raw noon at halatang hindi na alagaan ng mabuti.
May naiwan sa akin picture naming tatlo, nasa park at mukhang masaya. Wala na kasi akong naalala noon. Yung iniwan nilang litrato sa akin may pangalang nakalagay sa likod nito kaya natatandaan ko pa ang pangalan nila.
Three years ago, hinanap ko sila sa f*******: nalaman ko na nag-asawa pala ang mama ko ten years ago at may tatlong anak na ngayon. Yong ama ko naman pamilyado na rin at may dalawang anak, twelve years ago sya nag-asawa. At ang saya saya nilang tignan kasama ang bagong pamilya. Isang linggo akong umiiyak, kasi umasa parin ako na babalikan nila ako.
Ang sakit sakit lang kasi, kahit hindi ko aminin umasa parin ako. Deep inside, nandoon parin eh. Na sana maalala nila ako at kunin na nila ako. Na mabuo yung pamilya namin. Maging masaya ulit kami, magkakaroon ako ng mga kapatid.
Ang sakit sa dibdib, minsan nawawalan na ako ng ganang mabuhay dahil sa sobrang sakit. Hindi ako pinabayaan ni Sister Lily, sabi niya sa akin manalig lang tayo palagi sa diyos pagsubok lang daw ito. Malalampasan ko rin ito at maging masaya na habang buhay. Kaya pag nakaramdam ulit ako ng sakit at mawalan ng pag asa sa Diyos ako tumatakbo.
Nagtanong ako kay Sister Lily na may sinabi ba ang mga magulang ko kung kukunin ba nila ulit ako. Pero wala raw itong binitawang salita tungkol doon. At sabi pa nito, hindi raw ito taga doon, bagong salta raw mga ito. Hindi kasi pamilyar ang mga mukha nila.
For seventeen years hindi man lang nila ako naisipan bisitahin sa orphanage o kaya kamustahin man lang if buhay pa ba ako. Kahit kamustahin lang nila ako, okay na ako doon. Pero wala talaga, hays. Ngayong twenty-two na ako, hindi na ako umasa pang hahanapin nila ako, baka nga pag nagkita kami sa mall or kahit saan hindi na nila ako mamukhaan.
Tama na nga drama, pupunta nga pala ako ngayon sa isang part time job ko, which is waiter sa isang café shop, every weekend lang ang duty ko dito marami kasing student nagtatambay dito every weekend malapit kasi sa school at sa mga dorms at condo.
Kaya kailangan nila magdagdag ng staff every weekend, buti nirecommend ako ng kaklase ko kaya natanggap ako. Kaya sobrang pasalamat ko sa Diyos dahil nabiyayaan niya ako ng mabubuting kaibigan at kaklase.
Sa backdoor ako dumaan para diretso na sa locker namin. Hindi naman mabigat yung trabaho ko dito. 8 hours yung duty ko, at sakto lang yung sweldo.
Yung sweldo ko dito yun ang ginagamit ko sa pagkain ko at sa transportation. Minsan hindi kasya naglalakad nalang ako.
Yung dalawang part time job ko kasi nakalaan nayun pang tuition at ibang gastusin. Yung isang part time ko nagbebenta ako ng mga damit sa online o mga gamit.
Yung isa naman is online teacher, nagustuhan ko naman ang pagtuturo dahil mahilig ako sa mga bata, parang tinuturuan ko lang ang mga bata sa bahay ampunan.
Hindi na kasi ako pwede sa bahay ampunan manatili dahil malaki na ako. Pag eighteen ka na dapat ka ng umalis, yun kasi ang protocol nila.
Nagapply ako ng scholarship sa sikat na school, bakit doon? sabi sabi kasi pag sikat yung school na pinag aralan mo malaki ang chance na matatanggap ka agad sa trabaho na applyan mo.
Kaya walang dalawang isip akong nag apply at salamat sa Diyos nakapasa ako, yun nga lang walang allowance kaya naghanap ako ng part time job. Sobrang hirap maghanap ng trabaho noon. Naging dishwasher ako, janitress upang makaipon agad ako para ibayad sa apartment ko.
Nahirapan din ako magbalance sa oras ko, minsan nakatulog ako sa klase at napapagalitan ng professor dahil late makapasa ng activities.
Yung ibang prof naman naawa sakin kaya tinatanggap nila ang activities kahit late na, yung iba naman hindi bumabawi nalang ako sa mga oral atsaka sa mga quizzes and exams.
Binibigyan ako paminsan minsan ni Sister Lily noon ng pera pero 2 years ago nawalan ng sponsor sa bahay ampunan kaya natigil. Kaya naghanap ako ng ibang pagkakitaan.
Dahil dun nawala ang scholarship ko, nabagsak ko yung tatlong subject ko. Sayang naman kung hindi ko ipagpatuloy ang pag aaral ko kaya naghanap uli ako ng paraan. Sa tulong ng Diyos nakaraos rin ako at ngayon graduating na.
"Mars bilisan mo na diyan marami ng orders kailangan iserve." Sabi ng kaibigan ko at staff din sa Cafe na si Jane.
"Oo" sagot ko dito at pumunta na sa may counter para maserve na ang mga orders.
Margareta Tesla ang pangalan ko, sabi ng mama ko noon dahil sa margareta nabuo raw ako. Kaya yun ang pinangalan nya sa akin, buti nga hindi empi or tanduay eh, medyo sosyalin rin maderlan ko.
Ang pangit lang pag yun ang pangalan ko, lasengera ang dating.
After 8 hours of serving orders, cleaning tables and hearing many complains tapos na rin. Hays kakapagod, ang sakit ng balikat ko.
Kinuha ko na ang gamit ko sa locker at nagbihis para maka alis na ako. Nagpaalam ako sa ibang staff bago umalis, dumiretso na ako sa supermarket.
It took me 30 minutes dahil sa haba ng pila marami rin ang namili. Sumakay na ako ng jeep, pagkababa ko sa babaan sumakay ako ng tricycle dahil mabigat ang dala ko. Usually kasi nilalakad ko lang.
Pag karating ko sa tapat ng apartment ko may taong nakatayo sa may pintuan. Madilim kasi sa parteng tinatayuan niya.
'Sino kaya yun' wala naman akong inaasahang bibisita sa akin, atsaka gabie na rin. Pagkatapos kong magbayad bumaba na ako sa tricycle dala dala lahat ng pinamili ko.
"Sino ho sila? Ano pong kailagan nyo?" Sunod sunod kong tanong dito. Habang dahan dahang lumalapit sa may pintuan.
Paano pag masamang tao to, baka bigla nalang ako nitong saksakin. Mas mabuti ng mag ingat. Wala naman atang may galit sa akin para gawin iyon.
Pero Margareta hindi dapat tayo magkampante, hindi natin alam ang mangyayari. 'Pero mama nakakatakot naman ito. Lord wag niyo po akong pababayaan.'
Lumakad ito papalapit sa akin, huminto naman ako sa paghakbang habang hinihintay ito magsalita. Bumilis ang tibuok ng puso ko, nanginginig na rin ang mga kamay ko. Hinigpitan ko ang kapit sa mga dala ko.
'Pag ito masamang tao, sisigaw talaga ako'. Luminga linga muna ako para tignan may tao bang mahihingan ko ng tulong pag nagkataon.
Pero wala, sobrang tahimik ng paligid, kahit asong pagala gala wala rin. Asan na ba yung maiingay na nag iinoman sa kanto bakit ngayon pa kayo wala.
"M-Marga, ako to si Shella."