Chapter 6: Punyeta, Mahal pa rin kita, Sarah

3734 Words
“Teka lang, ano yan? Bakit bago yung uniporme natin?” tanong ko sa aking roommate na si Stacy. Itinuro ko ang mahabang palda ng checkered black and white na maid uniform namin. Hindi naman ganito ang style kahapon. Bakit pinalitan? “Utos ng nakatataas. Huwag ka na lang magtanong. Utos yan, eh,” mataray niyang sagot sa’kin at umalis na sa harapan ko habang nagdadala ng basket. I think she’s going to the washing room. I sigh and just looked at the uniform beside me. Siya siguro iyung naglagay nito kanina. Nakakainis naman! Sobrang haba ng palda. Ano kami nito? Mga katulong sa sinaunang panahon kung saan buhay pa si Hitler? Urgh! Sobrang init nitong suotin, eh. Pagpapawisan ang legs ko. Wala akong nagawa kung hindi ang suotin ito. Umagang kay bungad, nakita ko si Nixon sa kusina. Siya iyung nagluluto kaya tumaas ang kilay ko. Never thought the heir of the Lopez family knows how to cook. Nakita kong nakatupi ang sleeves niya sa magkabilang siko habang tinatyansa ang apoy ng shellane. He cuts the onions after that like an expert and put it on the casserole after that. Woah. Napailing at napakurap na lang ako dahil sa sobrang titig sa kaniya. Agad akong naglakad papunta sa kanyang kinaroroonan at binate siya. “Good morning, Sir!” masaya kong bati sa kanya, tila ba hindi kami nagkaroon ng argumento kahapon lang. “Morning,” matipid niyang sagot at hindi man lang ako binalingan. Tch. Ang taray ng mga tao sa loob ng mansiyong ito. Wala man lang ngumingiti. Puro poker face. Mapapakanta ka na lang talaga, eh, ng kanta ni Lady Gaga na Po-po-po-ker face. “Ano yang niluluto mo?” tanong ko sa kaniya at sumilip sa kaniyang likod. Naramdaman kong natigilan siya dahil sa ginawa ko kaya agad akong umatras. “Uh, sorry.” He heaved a sigh and shake his head. “Just… don’t ask questions. Tulungan mo na lang ako dito. Ikaw ba ang naka-assign ngayon sa kusina?” “Yep!” “Good. Now, give me the pineapple.” Kinuha ko ang pineapple at binalutan muna ito bago ibigay sa kaniya upang tagain. Napangisi siya sa’kin. “You’re quite handy at this, don’t you? Saan mo natutunan? Sa Spain?” Tch. Huwag daw magtanong pero heto siya at maraming tanong sa’kin. Urgh. “Yes – I mean, no…” bulong ko sa sarili dahil doon ko lang napagtantong hindi dapat niya malaman na ako iyung babae sa Spain! I’m a poor woman, okay? Sinong mag-aakala na ang isang mahirap na babae ay nakapasok sa isang high-class bar sa ibang bansa? s**t. I need to cover that mistake. Right away! “No?” tanong niya at napasulyap sa’kin sa likod. Tinignan ko siya at napangiti. “Sa Spain? Hindi pa ako nakapupunta doon, eh. Maganda ba doon?” Ngumisi siya sa’kin. “Lie better…” “Po?” gulat kong tanong sa kaniya. That’s it, Sarah. Kailangan mo siyang makumbinsi na hindi  ikaw ang babaeng naka-one night stand niya noon sa Spain. Kumunot ang kanyang noo at itinigil ang ginagawa para harapin ako. “Don’t lie to me. I know you’re that woman.” Nag-umpisa siyang maglakad at sakupin ang buo kong katawan. Napaatras ako at naramdaman ko ang malamig na muwebles ng sink sa kusina. Napatingin ako sa likod dahil do’n. “S-Sir…” bulong ko sa kanya at itinulak ang kaniyang dibdib. Hindi man lang siya natinag at deretso lang ang tingin sa’kin. Para akong mawawalan ng hininga dahil sa sobrang lapit niya sa’kin. “Hindi ko p-po alam ang s-sinasabi n-niyo…” dagdag na bulong ko pa sa kaniya at napaiwas ng tingin. Ang intimidating ng kanyang mga mata. Hindi ko kayang titigan ito. Para akong… matutuklaw… anumang oras ngayon. “Hmmm. Let’s see if you can still lie to me, Sarah.” Nanindig ang balahibo ko sa paraan ng pagsambit niya ng totoo kong pangalan. “A-Alexandra p-po yung pangalan k-ko,” pagtatama ko pa sa kanya. Doon lang ako nakahinga ng maluwag nang umalis na siya sa harapan ko at tumalikod sa’kin upang ipagpatuloy ang kanyang niluluto. Shit. Muntik na yun! Tangina, bakit ba kasi ang daming tanong ng lalaking to? Agad akong napaayos sa buhok at damit kong nagusot, at pumunta na sa kaniyang gilid. Hindi ako nagsalita pagkatapos nang nangyari doon. Hinayaan ko lang siyang magluto at ako naman ay mag-a-assist sa kanya. Tahimik lang kaming nagluluto nang bigla siyang nagsalita. “I’m sorry..” paumanhin niya sa’kin dahil sa nangyari kanina. “Okay lang po…marami ding nagsasabi sa’kin ng ganyan. Kesyo kamukha ko raw si ano at si ano. Nakakasakal na nga, eh.” Oh really, Sarah? Kailan pa nangyari iyan sa’yo? Hanep ka sa pagpapalusot, ah? Sana lang ay makumbinsi ko siya kasi kung hindi… hindi ko na alam kung anong mangyayari. “Yeah. It must be hard for you.” “Yep. Sobrang common siguro ng mukha ko, no?” natatawang tanong ko pa sa kaniya. Hindi siya sumagot at napatitig lang sa’kin. “I don’t think so…” bulong niya at hinarap ulit ang kaniyang niluluto para patayin ang shellane. Tapos na siya. Ano nang gagawin ko? Tutunganga na naman? Aalis na sana si Nixon sa kusina dahil tapos na kaming magluto nang biglang bumukas ang malaking pintuan at iniluwa nito ang panibagong Lopez sa bahay. It’s Anthon Lopez. Just the sight of him, kumulo na kaagad ang dugo ko at nabuhay ang galit sa sistema ko. Napatigil sa paglalakad si Nixon at hinintay ang kanyang ama. Nakatayo lang ako doon, hindi malaman kung ano ang gagawin. “Anong ginagawa mo dito sa bahay?” galit na tanong ni Anthon sa kaniyang anak pero mararamdaman mo ang galit at panggigigil. “Pa – “ Hindi natapos ang sasabihin ni Nixon nang bigla na lang siyang sinapak ng kanyang ama. Sa harapan namin! Nanlaki ang mga mata ko doon pero naalala ko sa rules naming na kapag may ganitong eksena ng mga Lopez, mananatiling sirado ang tenga at nakayuko ka lang dapat. “Go back to Spain! Hindi kita kailangan dito!” sigaw na ng kanyang ama at napahangos. It’s like one sight of his son, kumukulo na agad ang kanyang dugo. Katulad lang ng nararamdaman ko kay Anthon, ganoon din siya sa kaniyang anak. Nanatili akong nakayuko sa kanilang tabi habang naririnig ang kanilang argumento. “No. I want to stay here,” matigas na sagot ni Nixon sa kaniyang ama. Napasinghap ulit ako nang kinuwelyuhan ni Anthon si Nixon. “What did I told you before, son? Huwag kang bumalik dito hangga’t hindi pa tapos ang halalan, naiintindihan mo? Hangga’t hindi pa ako nagiging ganap na Presidente! Sakit ng ulo lang ang idadagdag mo sa’kin! I can’t clean you up once you messed up again, naiintindihan mo?” Tinampal ng mahina ang pisngi ni Nixon ng kanyang ama pagkatapos non. Napangisi ako sa kaloob-looban. Damn, there’s a family drama going on, huh? I could clearly see that Nixon is a threat to Anthon Lopez’s running for presidency. “Alexandra?” tawag sa’kin ni Nixon pagkatapos ng ilang minutong pagtitigan ng mag-ama. “Po?” sagot ko kaagad at pumunta sa kaniyang gilid, nakayuko pa rin. “Get my luggages in my trunk. Nasa labas ng bahay naka-park ang kotse ko,” utos sa’kin ni Nixon at napatango naman kaagad ako at wala nang tanong-tanong pa. Ngunit napatigil ako nang biglang magsalita ang kanyang ama. “Don’t do what he said.” Oh God, really? I can’t be feed up with their manly pride! “Alexandra? I am your boss. Listen to me,” sabi naman ni Nixon sa’kin at inumpisahan ko nang maglakad nang bumaling sa’kin si Anthon. “Take a step once again, and I will fire you!” sigaw na sa’kin ni Anthon Lopez. Kaya napatigil ako at tinignan si Nixon. Napailing ako sa kaniya at nakita ko naman ang panlulumo ng kaniyang mukha. “Sorry,” I mouthed because I can’t disobey his father. Napabuntung hininga si Nixon at mabibigat ang hakbang papunta sa’kin. Kinuha niya ang palapulsuan ko at nagmamadaling naglakad papalayo doon. Wait, what? Hindi ko na narinig pa ang boses ni Anthon dahil nakalayo na kami sa kanilang bahay. Dinala ako ni Nixon sa labas ng kanilang bahay at nakita ko na ang sinasabi niyang kotse. Hindi siya nagsasalita. Mas lalo akong kinakabahan dahil dito. Binuksan niya ang trunk ng kaniyang kotse at kinuha ang sinasabing niyang bagahe kanina. Malinaw kong nakikita ang nakaumbok niyang mga ugat habang kinukuha niya ang kanyang mga bagahe dito. “Uhm, so,” pasiuna kong sabi. “Ano pong bubuhatin ko, Sir?” tanong ko at napakamot sa batok. Hindi ako mapakaling nakatayo sa kanyang gilid habang tinitignan lang siyang kinukuha ang kanyang mga bagahe. “Just get…the small one,” nauutal niyang sabi at mukhang wala sa sarili. Agad kong kinuha ang maliit na bagahe at nakita siyang swabe na itinapon sa isang bodyguard ang isang bag na hawak niya. Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Pagkarating namin sa loob ng bahay ay wala na dito si Anthon at ang mga bodyguards nito. Pumasok si Nixon sa isang kwarto dala-dala ang kaniyang mga maleta. Nanatili akong nakatayo sa labas ng pintuan. “What are you still doing there? Get in,” utos niya sa’kin at pumasok na rin ako sa loob dala-dala ang maleta niya. Napabuntung hininga ako pagkatapos non at tinignan ang kabuuan ng kanyang kwarto. It’s too manly. I could tell that his favorite color is black. “Close the door,” bulong niya sa’kin at sinunod ko naman ang kaniyang utos. Napaupo si Nixon sa gilid ng kanyang kama at sinuklay ang kanyang buhok. Napatingin lang ako sa kanya at hindi nagsalita. “Say something…” utos nya sa’kin at nagulat naman ako dito. “Uhm, I…uh, hindi ko alam kung anong sasabihin ko..” sagot ko na lang sa kaniya at napatawa ng peke. “Of course, you can’t. That’s in the rules.” “Definitely,” sagot ko at napangiti ng hilaw sa kaniya. Tumingin pabalik sa’kin si Nixon. “So, what you heard…” Agad akong umiling. “Wala po akong narinig.” “Oh God, stop it. Can’t you be normal please? Act like a normal person. Not a damn maid.” Anong gagawin ko? Maybe I should take this as an advantage para magtanong sa kaniya tungkol kay Anthon Lopez, ang ama niya. Or.. ask about clues about his weakness and about his enemies… lalo na ang mga parents ko. Lopez’s number one enemies. Dahan dahan akong naglalakad papunta sa kaniyang harapan at itinuro ang space sa kaniyang gilid. “Puwede bang umupo…?” “Sure.” “Salamat,” sabi ko at umupo nga sa kaniyang gilid. Napabuntung hininga ako. “Do you hate your father, Nixon?” Natigilan siya nang sambitin ko ang kaniyang pangalan. “Yeah. I hate him. But I want his eyes on me. Gusto kong mapansin niya at… at makita niya ako. I’’ve always been in Spain, hiding. He was hiding me from politics. Heh.” Napatawa siya bigla at napailing ang ulo. “I’ve made a lot of scandals before. s*x. Caught in public area. Women. Prostitute house. Lahat ng mga pictures ko galing sa paparazzi ay naungat sa publiko. That’s why my dad never had been a President before… not until now. I supposed he will be this year.” Ito na yata ang pinakamahabang pagsasalita ni Nixon sa’kin. Sinagot ko siya, “Why don’t you prove to him na hindi na ikaw ang Nixon na iyun? Please him. Ipakita mo sa kaniya na nagbago ka na, at hindi ka gagawa nang ganoong scandal.” “I…I…c-can’t…” bulong niya sa’kin. “Why?” naguguluhan kong tanong sa kaniya. “Basta… you wouldn’t like to hear my answer.” “Sabihin mo sa’kin. I promise, hindi ako magju-judge sa katauhan mo.” Ngumiti siya ng hilaw sa’kin. “I won’t tell you. You’re too innocent for that.” Tch. Kung alam niya lang… Nagtitigan kami ng ilang mga segundo pagkatapos non. “Okay..” sagot ko na lang sa kaniya at agad tumayo doon dahil nahihilo na naman ako sa kanyang tingin. Kumurap ako at pilit inayos ang sarili. Goddamn, focus, Sarah Silva! “Uhm, so, dito ka na ulit titira?” tanong ko. “Yeah. Obviously.” “That’s nice. The more the merrier.” “Yeah.” “Uhm, can I go out now? Sa tingin ko ay hinahanap na ako ng mayordoma – “ “Wait.” Tumayo si Nixon sa kaniyang kama at pumunta sa harapan ako. Nagulat ako nang bigla siyang yumuko sa’kin at konting-konti na lang ay magbabanggaan na ang aming mga labi. “You have something in here..” bulong niya. Naramdaman ko ang marahan niyang haplos sa likod ng tenga ko. Umatras siya para maipakita kung ano ang kanyang kinuha. Damn that petal. Talulot lang pala! Grr! Dahil sa talulot na iyan, muntikan na akong hindi makahinga. “Go now, Alexandra…” bulong niya at binuksan ang pintuan upang makalabas na ako sa kanyang kwarto. Agad kong tinampal ang pisngi ko upang mabuhay ulit ako sa realidad. That was so f*****g smooth. I feel like I am hallucinating. Anong ginawa mo, Nixon? *** “So, any update?” tanong sa’kin ni Archibald pagkatapos kong makipagkita sa kaniya sa day-off namin. It’s Sunday morning. Isang araw lang ang day-off namin kaya isang araw lang din ako makakuha ng tsyansa na makipagkita kay Archibald. Nasa loob kami ng sasakyan niya ngayon. He parked it away from the Lopez mansion so that it won’t get suspicious. “I don’t have any,” sagot ko kay Archibald. “What?!” Nagulat ako dahil sa sigaw niya. Binalingan ko siya ng tingin. “Chill, I’m starting to get into it…” “Ilang araw ka nang nandoon, Sarah! You didn’t get any clues or evidence that we might use in court? Tandaan mo na kung gaano ka katagal na pumapalagi doon, mas mapanganib ang gagawin mo.” “I get it, okay! I said, I’m working on my plan!” “Hmmm. Working, huh? I don’t think so,” may halong sarkasmo ang boses ni Archibald. Napakunot ang noo ko sa kaniya. “Are you jealous, Archibald?” tanong ko sa kaniya. Napangisi siya ng hilaw sa’kin. “Ano sa tingin mo? You’re not doing your plan, Sarah. You’re not focused. No – you’re distracted by someone – “ I cut him off. “Wait… you didn’t put any tracker or cameras on my body, right? Or…. Oh my God. May inilagay ka!” I concluded nang makita ko ang reaksiyon ng kanyang mukha. He looks guilty. Napaiwas siya ng tingin. “Archibald! Damn you! Saan mo inilagay?” tanong ko at napahaplos sa iba’t ibang bahagi ng katawan ko dahil sa takot kung saan niya ito nailagay. “Look, Sarah. It’s not what we’re talking about, okay? Ang sinasabi ko lang – “ “Archibald,” banta ko na sa kaniya. “Saan. Mo. Inilagay. Ang. Camera.” It wasn’t a question but rather a demand. Bumuntung hininga siya at kinuha ang kamay ko. “The bracelet… it wasn’t only a tracker. There’s also a camera inside.” Sinapak ko na siya dahil dito. “Edi nakita mo rin… nakita mo rin ang katawan ko! Oh my God! You are insane!” sigaw ko na sa loob ng kanyang sasakyan at muntikan nang mapaiyak. “I hate you! Get this damn thing away from me! I hate you, Archibald!” sigaw ko na at sinasapak na siya ngayon pero hinuli niya ang dalawang braso ko upang matigil ang pananapak sa kaniya. “I’m sorry, okay? I didn’t think of that! Isa pa… nakita ko din naman lahat yan…” bulong niya pa. Narinig ko yun! Umawang ang bibig ko. Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya at nag-umpisang uminit ang pisngi ko. s**t. Agad kong kinuha pabalik ang aking kamay galing sa kaniya at umiwas ng tingin. “Kahit na… respect your wife. And can you please stop recounting the past?” inis kong singhal. “Yes po…” aniya. I sigh. “Anong plano mo?” tanong niya sa’kin pagkatapos ng ilang minutong katahimikan. “Can I tell you something first?” bakas ang takot sa boses at mukha ko. “Sure,” tumango siya. “Nixon… I had a one-night stand with him.” Umawang ang bibig ni Archibald, tila hindi makapaniwala sa kaniyang naririnig. Napahampas siya sa kanyang manubela at pilit pinakalma ang sarili. Hindi ko maintindihan ang kaniyang reaksiyon pero ipinagpatuloy ko parin. “In spain, of course. Nung nasa Espanya pa ako. I thought hindi ko na siya makikita pa but it turns out he’s the son of Anthon Lopez. Ang bobo ko,” bulong ko sa huling pangungusap. “Nakilala ka niya?” matipid niyang tanong sa’kin. “Oo. Nung una lang. Pero sa tingin ko nakumbinsi ko naman siya na hindi ako iyun.” “Tapos?” “They had an argument with his father one time. Sinabi sa’kin ni Nixon na kaya siya palaging nasa Spain ay dahil ayaw ng kanyang ama na magkaaberya sa paparating na eleksyon. But he decided to came home..” “What’s your point?” “I will take an advantage for this.” “What do you mean?” “Archibald, kung gusto mong mapatumba ang iyong kalaban, magsimula ka sa mga taong nasa paligid niya.” “No, no, no, Sarah, don’t tell me you’re going to – “ “Yes. That’s my plan, Archibald,” matigas kong sabi sa kaniya at ipinakita na seryoso ako sa gagawin. “Nixon will be my pawn. Gagamitin ko siya upang hindi makuha ni Anthon ang inaasam niya…” Seryoso siyang napatingin sa’kin. “Gusto mong hindi manalo sa presidential election si Anthon Lopez?” tanong niya. Tumango ako. “Oo,” sagot ko. “And since Nixon is here, I think I know how to handle him and do that.” “Oh really?” napangisi siya. “Are you sure you can handle him?” tanong niya pa. “Yes, of course.” “How?” “That’s a secret.” “Oh Jesus Christ! Just tell me, Sarah! You’re not planning to seduce him and make him fall on your knees like what you did to all men in high school, right? Because this is not the same. It’s completely different!” “Right. Bingo. That’s what I’ll do, Archibald.” “No, you’re not going to do that.” “Why is that?” “I won’t let you do that,” he said roughly. “Bakit nga?” “Kasi…” Nakita kong tumaas baba ang kaniyang dibdib na para bang sasabog na siya sa galit. I pushed him too hard by asking him. “Kasi ano? Ano, Archibald? Bigyan mo ako ng rason kung bakit.” “Kasi… sa’kin ka lang.” Hindi ko alam kung natutuliro lang ako sa kinauupuan ko o ano, dahil hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi. Parang binuhusan ako ng malamig na balde ng tubig sa narinig. I’m pretty sure I heard it right. Tangina, parang nag-eecho ang sinabi niya sa’kin at hindi na ito mawala sa pandinig. Naguguluhan ko siyang tiningnan. “Oh, Archibald…” bulong ko at agad hinawakan ang kaniyang mukha para halikan siya. Agad kong inihiwalay ang sarili dahil alam kong hindi ito tama. May asawa na siya.. at mahal na mahal niya ito. Pero may nagsasabi sa’king, kung mahal niya nga ang kanyang asawa, bakit nakikipagkita at tinutulungan niya pa rin ako sa plano kong maghiganti sa mga Lopez? Naguguluhan kong tinignan ang kanyang mga mata nang bigla niyang hinapit ang bewang ko at ipinatong ang aking pang-ibabaw na katawan sa kandungan niya. Hinalikan ako ni Archibald na parang wala nang bukas. Uhaw na uhaw kaming dalawa sa paghahalikan at inihiwalay lamang ang mga labi dahil kinakapos na kami ng hininga. Hinaplos ko ng marahan ang kaniyang bangs sa noo at binakas ang kaniyang ilong, labi, at kaniyang umiigting na panga. Hinalikan niya ulit ako. Ngayon ay mas malalim at mapusok. Uhaw na uhaw. Mainit. Para akong sasabog dahil sa kanyang ginagawa lalo na’t gumapang na ngayon ang kanyang mga kamay sa likod ko. He unclasped my bra and in a quick second, wala na akong pang-itaas na damit. Agad niyang minasahe ang nakaumbok kong hinaharap habang ako naman ay napapikit ang mga mata dahil sa sobrang sarap sa pakiramdaman. Hinalikan ni Acrhibald ang magkabilang dibdib ko habang hinihimas ko naman ang kaniyang buhok kung saan ako nakakapit. Ibinalik niya ang kaniyang labi sa akin at nararamdaman ko ang maiinit niyang hininga sa gilid ng tenga. “Punyeta, mahal pa rin kita, Sarah…”          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD