Chapter 5: Nixon Lopez Jr.

3606 Words
“Alexandra Mondragon?” tawag ng mayordoma sa’kin – isang matandang babae na nakakataas sa mansiyong ito. She was the facilitator of this exam. Mataray. Parang kulang na lang kakainin ka na dahil sa sobrang on-fleek ng kaniyang kilay. “Yes! Coming!” sigaw ko sa kaniya at itinaas pa ang braso ko para makita niya kaagad ako. I’m a short woman. High-heels lang ang nagliligtas sa’kin sa mga events na pinupuntahan ko noon sa Spain. Ayoko din namang magsuot ng high heels sa recruitment exam na ito dahil sino ba namang mahirap na babae ang magsusuot ng killer high heels? I constantly remind myself that I’m applying for a maid position. Not a damn high-class escort of a bar. So I should act as a beggar. Iyung walang pera at gustong magkasalapi para may pangtustos sa pamilya. Iyun naman ang kadalasang rason ng mga katulong, hindi ba? Napataas ang kilay ng mayordoma sa’kin at nginitian ko siya ng bongga. “Yes, madame,” sabi ko pa sa kaniya at tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. “Taga saan?” tanong niya sa’kin at tinignan ang resume ko. “Uhm, taga probinsiya po ako.” “Maraming probinsiya, hija. Sabihin mo kung saan.” See? Sobrang taray niya. Gusto kong suklian ang pagtataray niya sa’kin pero pinilit kong ikalma ang sarili. “Marinduque po.” Hindi naman talaga ako taga-Marinduque. Iyan ang nailagay na lugar kung saan ako ipinanganak ayon sa ibinigay ni Archibald. Archibald did it. I don’t know how did he do that. Baka iyung identity ng babaeng ginagamit ko ay missing or whatsoever. Humugot ako ng malalim na hininga pagkatapos niyang tignan ang papel sa kaniyang harapan. “Edad?” tanong niya pa at sinagot ko naman siya na may ngiti sa labi. “18,” sabi ko. Well, I’m innocent-looking. Mapagkakamalan akong menor de edad nang iba dahil sa sobrang lambot ng features sa mukha ko. I don’t look like a normal 26-year old woman. Tumaas ang kilay ng matanda. “Sobrang bata mo pa. Bakit mo napiling pagsilbihan ang pamilyang ito? Alam mo kung ano ang mangyayari kapag natanggap ka na dito.” Tama ang mayordoma. Narinig ko ang usapan ng ibang maid dito bago pumasok. They were telling me that the Lopez family aren’t something you would like to offer your service. Dapat sirado ang tenga at bibig mo kapag may pribadong usapan ang mga tao sa loob. You should act like you didn’t hear anything confidential kung ayaw mong matagpuan na lang ang iyong katawan na palutang-lutang sa dagat. They would definitely kill you if you don’t oblige the rules. Mas lalo akong na-excite sa gagawin ko. Lopez family is something that I should not messed with. But they messed with my family first, wala nang atrasan ito. “Kinakailangan ko po talaga ng pera, madame, para sa pangtustos ng Lola ko sa probinsya. Kaming dalawa na lang ng Lola ko at hindi ko kayang walang gawin para mailigtas siya sa kaniyang sakit. Balita ko malaki ang perang makukuha mo kapag… kapag… sirado lang ang bibig at t-tenga m-mo..” nauutal kong sagot sa kaniyang tanong. Sa wakas, napangiti ang mayordoma sa’kin at tinanguan ako. “Kung ganoon, hindi ka nagkakamali sa desisyon mo. Pumila ka na doon para sa susunod na hakbang.” Ano?! May susunod pa pala pagkatapos ng acting ko na iyun?! Nakakainis naman! Ngumiti lamang ako ng pilit sa kaniya at mahinhin na naglalakad papunta sa mga maid na katulad ko ay tanggap na para sa susunod na hakbang. Ngumiti ako sa babaeng nasa gilid ko pero inisnaban niya lang ako. Edi kayo na lahat ang mataray! Tch. The next part of the exam is the one that I expect the most. Naka-plano na ang lahat at nararamdaman ko ang panindig ng mga balahibo ko dahil sa gagawin. Sinabi ng mayordoma na kailangan naming matutong magluto. Kinakailangan iyun dahil may rounds sa buong mansion. Hindi puwedeng hindi mo mararanasan ang pagluluto. Mabuti na lang at naghanda ako para dito. Nagdala ako ng magic sarap. Ngunit hindi ito ordinaryong magic sarap. Archibald told me that the substance of this will make every dish I cooked taste delicious. Kinakailangan ko lang itong i-estimate. You don’t want them to cry in happiness because of its savory flavor, right? Humugot ako ng malalim na hininga bago tinignan ang mayordoma na may dala-dalang baton. Itinuro niya kaming lahat gamit ito habang nagsasalita. “Alam niyo na naman kung ano ang gagawin niyo. Kailangan niyong matutuong magluto. Itaas niyo na ang inyong kamay kung wala kayong talent sa pagluluto.” Walang nagtaas ng kamay. Napalunok ako. “Kung gano’n, aasahan ko kayong lahat na marunong magluto. Umpisahan na natin.” Binigyan kami ng apron isa’t-isa at agad pumunta sa kitchen. May nakalagay na dito ng mga prutas at mga ingredients sa lulutuin namin. It’s just up to us what to cook. Diskarte na rin sa oras dahil binigyan lang kami ng isa’t kalahating oras. Pagkatapos no’n, time is up. I keep on concentrating how to cook. Mabuti na lang at gamay na gamay ko na ang magluto dahil mag-isa lang ako sa apartment ko at kailangan kong pagsilbihan ang sarili. Nawala ako sa pokus nang may dumating na  naka-tuxedo na mga lalaki. Marami sila. Nakita kong ang iba ay may mga baril sa gilid. Nang makita ko ang matandang lalaki na pinapalibutan ng mga lalaking may baril, nasisiguro kong siya na ito.  It was Anthon Lopez. He is running for presidential position and was a former senator. Kaya ganiyan na lang karami ang kaniyang mga bodyguards para protektahan siya. All of the maids, even the mayordoma, were bowing at him. He laugh and smiled at them like it was okay, no need to do that in front of him. Tch. Napiga ko ang patatas na hinahawakan ko habang masama siyang tinitignan papunta sa ikalawang palapag ng kaniyang bahay. Agad akong bumalik sa realidad nang marinig ang bell, senyales na 15 minutos na lang bago ihain ang niluluto namin. Mabilis kong tinapos ang niluluto ko at nilagyan ng magic sarap. Confident kong tinakpan ang kaserola at bumuntung hininga. It’s done. And… guess what? Nakapasok ako. Nginitian ko ang mayordoma na nakangiti sa’kin dahil sa inihain ko. She definitely likes it. I could see it in her face. My plan is smooth. Nakapasok ako. Pero may isang bagay na hindi ko nahulaan… at iyun ay ang mga katulong ay titira dapat sa loob ng mansion. May mga kwarto sila sa ibaba na para lang sa mga katulong. I need to live here from now on, huh? Tangina. Hindi ko yun alam. So… I should live in this small, ridiculous, and dirty room? Let alone, share it with a maid? Damn it. I don’t want to… pero wala na akong choice. I need to get access in this house to find some evidence for what that bastard senator did to my whole clan and family. May isang oras kaming free time para magliwaliw sa gusto naming gawin. Tinawagan ko kaagad si Archibald pagkatapos no’n. Agad niya itong sinagot. “I need your help,” bungad ko. “Are you okay? Sure, ano yun?” “Kailangan kong tumira dito sa mansion ng mga Lopez. Can you meet me outside the border?” “Sarah… you what? Titira ka diyan? Nahihibang ka na ba? That’s the den of the lion! Kapag nalaman nila kung ano ang plano mo… you’ll be dead.” “I know, alright? Hindi ako papasok dito kung hindi ko alam iyan. Now, please, Archibald? Pumunta ka dito dahil may kukunin pa akong gamit sa bahay. I only have one hour left.” “Fine. Wait for me.” Agad kong itinapos ang tawag namin ni Archibald at bumuntung hininga. Nasa loob ako ng garden ngayon ng mga Lopez dahil ito lang ang lugar kung saan walang tao. Lumingon ako at nangpasiyang umalis na doon nang natigilan ako sa lalaking nasa harapan ko. Nanlaki ang aking mga mata habang tumitingala sa kaniya. “Anong ginagawa mo d-dito?!” naibulalas kong tanong sa kaniya. Nanliit ang kaniyang mga mata nang makita ako. He is wearing a black tuxedo just like what I always saw him before when we met in the bar. Ibang style na nga lang ito. Sabihin mo sa’king nagkakamali lang ako… “Do we know each other?” naliliit na mga matang tanong niya sa’kin. s**t. Does that mean hindi niya ako nakilala? Oh God, anong gagawin ko?! He asked again. “I should ask you that, child. What are you doing in my house?” naguguluhan niyang tanong sa’kin. But there was an amusement in his voice when he saw me with the maid attire. Napaawang ang bibig ko. Tangina, tinawag niya ba akong bata? C-Child? “I’m… uh, I’m a-applying for a maid position,” bulong ko sa sarili at napaiwas ng tingin. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil sa kahihiyan. Damn it. Who wouldn’t be embarrassed? I saw my one-night stand partner once again! Akala ko hindi na kami magkikita pa. At sana lang… hindi niya ako nakilala kung hindi mabubulyaso ang plano ko nito. “Hmmm. I can see that,” bulong niya pa at tinignan ako mula ulo hanggang paa. “If you’ll excuse me…” bulong ko sa kaniya at aalis na sana sa kaniyang harapan pero natigilan ako sa kaniyang sinabi. “Can I ask your name, miss? I met someone whose name’s Sarah… and she looks like you.”  Oh my God! Naaalala pa niya ang pangalan ko! Kilala niya pa ako! Anong sasabihin ko?   Bumaling ulit ako sa kaniya at nahihiyang napatingin. I extend my arms to offer a handshake. “I don’t know. Perhaps we met before? But my name is Alexandra… not Sarah. Nice to meet you,” bulong ko at inilahad ang braso upang makipag-kamay sa kanya. Nagulat ako nang kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ang ibabaw nito. “Pleasure to meet you, Alexandra…” Ni minsan ay hindi ako na-aattract sa mata ng mga lalaking nakilala ko noon pero ngayon… hind ko maiwasang mapaawang ang labi dahil sa paraan ng pagtitig niya sa’kin. His eyes looks mysterious. Parang… ang dami nitong gustong sabihin sa’kin, and daming tanong, pero mananatili itong sirado at tikom. Madilim. Ayaw makipag-usap sa ibang tao tungkol sa kaniyang pagkatao. Marahan kong kinuha ang aking kamay mula sa kaniya at napaatras. “Uhmm sorry, mukhang tinawag na kami ng mayordoma. Heh.” Tumalikod na ako palayo sa kaniya dahil hindi ko na kaya pang titigan siya. Para akong nakukuryente sa paraan ng titig niya. Nangangatog ang tuhod ko. No way in hell that this man in front of me is Nixon Lopez Jr. Bakit ngayon ko lang nalaman? He looks like Anthon Lopez. Syempre, anak niya iyun! Urgh! And to think that I got attracted to him… and had s*x, at most! Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili sa ginawa! Hindi niya dapat malaman ang totoo kong pagkatao. Lumingon ako ulit sa kinaroroonan niya at nandoon pa rin siya. Nakatayo.Dominante. At nakalagay ang mga kamay sa bulsa habang nakatitig pa rin sa’kin. Umiwas ako ng tingin. *** “Thanks, Archibald,” sabi ko sa kaniya matapos niya akong pagbuksan ng pintuan sa kaniyang kotse. Wala ako sa huwisyong naglakad papunta sa mansion namin nang higitin ni Archibald ang braso ko. “Sarah, listen to me.” “Oh, don’t get me started, Archibald. Kaya ko na ang sarili ko.” “It’s too dangerous to be there, Sarah! Hindi mo alam kung ano ang pinasok mo!” “Oh really? I’m sorry. But you have to convince me more. Hindi tumatalab, Archibald.” Nag-uusap pa rin kami habang naglalakad. Pumunta ako sa aking kwarto at isinarado ang pintuan. Doon ako huminga ng maluwag habang nakatayo sa likod ng pintuan. Mabuti na lang at hindi ko pa nabuksan ang mga maleta ko. It’s now ready. Kinuha ko ang dalawang maleta ko at tinawag si Archibald para kunin ito. “Bilisan mo,” utos ko pa sa kaniya at narinig ko ang kanyang malalim na buntung hininga. “Kung ano man iyang plano mo, mahihirapan ka sa gagawin dahil sobrang secure ng mansion ng mga Lopez. They have CCTVs, let alone the rounds of the bodyguards every day and night. They’re – “ “Stop it, okay?!” Lingon ko sa kaniya at tinignan ang kaniyang mukha. “I know, alright? Alam ko dahil galing na ako doon. But you should stop telling me what to do, Archibald. If you just… if you just had courage to arrest that man who killed my parents, then I wouldn’t be here! Hindi ka sana nandito ngayon, inuutusan akong itigil ang gagawin ko dahil delikado!” Napaawang ang bibig ni Archibald at hindi na nagsalita. Pumasok kaagad ako sa kaniyang sasakyan at hinintay siya sa loob. Tahimik lang ang biyahe namin papunta sa Lopez family. “Just stop here. Makikita nila ang sasakyan mo kapag pumasok ka pa.” “No, I’ll go – “ “They will be suspicious.” I cut him off. He sigh. “Give me your hand.” “Ano?” naguguluhan kong tanong sa kaniya. Hindi na siya nag-aksaya ng oras para kunin ang kamay ko at isinuot sa’kin ang isang silver na bracelet. It has “Sarah” my name on it. Nagulat ako dahil dito. “Archibald, para saan ‘to – “ This time, he cut me off. “It’s for your safety. Trust me.” “Wait. Huwag mong sabihin sa’kin na may inilagay kang tracker sa bracelet na ito?” Tumango siya. “I can’t let you leave me again, Sarah.” Kumunot ang noo ko dahil sa kaniyang sinabi. “Sinasabi mo ba ito dahil feeling guilty ka o dahil – “ “Yes. It’s what you think..” O dahil… nag-aalala ka talaga sa’kin… Napailing ako doon at pilit na kinukumbinsi ang sarili na wala ibang meaning ang kanyang sinabi. Archibald unbuckled my seat belt and kisses my forehead. “For the nth time, Sarah, mag-iingat ka.” Of course, he always treated me as his little sister. Hindi niya papakasalan ang asawa niya ngayon kung mahal nga niya ako… gaya ng ipinangako niya sa’kin noon… It was a rough day for me. Kinakailangan kong mag-adjust sa mga taong nakapalibot sa’kin. And when I say nakapalibot sa’kin, I meant my room mate. It was the woman who was so mataray. I think she’s younger than me. Pero kung makapagtaray sa’kin, akala mo kung sino iyung matanda. Well, she must’ve thought that I was still an eighteen years old. I woke up when someone tapped my shoulders. Nakita ko ang mukha nang roommate ko. “Gising na, Cinderella! Kailangan na nating maglinis! Huwag kang feeling diyan.” “H-Huh?” wala sa sariling usal ko at napatingin sa kabuuan ng kwarto. It’s not my apartment… “Na-assign ka raw sa living room. Bilisan mo. Mukhang gagamitin ito dahil may meeting sila Sir ngayong alas dies.” “Okay!” sagot ko sa kaniya at nagbihis na nga.I wore our usual maid outfit and went to the living room after cleaning myself up. Tanghali na akong magising noong nasa Espanya ako kaya ang dami kong hikab na pinakawalan habang nagsisimulang maglinis sa kanilang sala. Ang lawak ng sala. Ako lang ba talagang mag-isa ang na-assign dito? Aabutin ho ako ng siyam-siyam! Pero bawal magreklamo. Nasa rules iyan. Wala akong magawa kung hindi ang mag-mop doon. Pagkatapos kong mag-mop, pumunta ako sa glass wall at inumpisang maglinis. Ang sakit na ng likod ko. Hindi pa nga ako tumatagal sa isang oras. Napatingin ako sa labas nang may narinig akong tawanan ng mga babae. Nanliit ang aking mga mata nang makita ang isang pamilyar na lalaki na may kasamang dalawang babae. They were whispering to Nixon over something pero wala man lang pakialam si Nixon sa kanila. Tch. Ang landi talaga ng lalaking to. Dinala niya pa talaga sa loob ng kanilang bahay ha? Naramdaman niya sigurong may tumitingin sa kaniya kaya napatingin siya sa aking banda. Agad kong itinutok ang tingin pabalik sa mga bintana at bumuntung hininga. “Kaya mo yan, Sarah. Just focus on the goal, okay?” Narinig ko ang mahihinang tawa nang mga babae papalapit sa kinaroroonan ko. I looked at my back again and saw Nixon and his girls sitting on the sofa, across to where I am. “You don’t mind we’re sitting here, right?” biglang tanong ni Nixon. Nakatingin siya sa kaniyang iPad habang nakapandekwatro ang posisyon sa sofa. “Po?” tanong ko sa kaniya. Tumingin siya sa’kin. “I asked you,” he said. “Yeah, sure, sure. Okay lang…” sabi ko with matching hand gestures pa sa kanilang tatlo. Napatingin ang dalawang babae sa’kin at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Napataas ang kilay ko dahil sa paraan ng kanilang titig sa’kin. Kulang na lang patayin na ako. Tch. “Are you a new maid?” Wow ha. Diniinan pa talaga ang salitang ‘maid’? Ngumiti ako sa kaniya ng hilaw. “Yes po,” magalang kong sagot sa kaniya. “You looked like you should be in high school.” Napaawang ang bibig ko dahil sa kaniyang sinabi. Grrr! Nakakainis ang babaeng to, ah! Hindi nila alam kung ano ang totoo kong edad. Gayunpaman, nginitian ko pa rin siya at sumagot. “Oo nga po, pero kailangang-kailangan kasi talaga ng pera, eh…” sagot ko sa kaniya. “Oh? So you think applying for a maid will help you earn more income?” Mas lalong kumulo ang dugo ko dahil sa kaniyang sinabi kahit hindi naman totoo. I just hate this woman. She is degrading someone. “Wala pong choice, eh,” ang tanging sagot ko na lang sa kaniya. “Hmmm. You should apply another job. A stripper or an escort maybe in a club? Makinis ka. Maganda din ang hubog ng katawan mo.” Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa basahan ko. I looked at her in awe. Tila hindi makapaniwala na nasabi niya iyun sa harapan ng mga tao. Malalim ang buntung hininga na pinakawalan ni Nixon at inilagay ang kanyang iPad sa lamesa. “What? I’m just stating facts! Maganda naman talaga siya and I’m just suggesting – “ “Get out, Monica,” Nixon growled. Napabitiw sa pagkakahawak si Monica kay Nixon at napatawa ng mahina. “Relax, Nixon. Are you siding with this maid in front of me?” “Don’t make me drag you out here,” bulong ni Nixon pero rinig na rinig naming tatlong mga babae sa loob ng living room. The other woman beside Nixon told Monica to just get out and do what Nixon told him. Napasuklay ng buhok si Monica at tumayo na sa sofa. Binigyan pa niya ako ng matalim na tingin bago siya umalis ng bahay. I could hear the clicking of her heels outside. “What are you still doing? Get out of here, too,” bulong ni Nixon at tumingin sa’kin. “Po?” gulat kong tanong sa kaniya. Teka lang, bakit mukhang galit siya sa’kin? Wala naman akong ginagawang masama! “Join with Monica outside so that you can continue your little chit-chats. Ayoko ng ingay.” Napabuga ako ng hangin dahil hindi ako makapaniwala sa kanya! Kaya pala, ha? Akala ko ipinagtatanggol niya ako sa Monica na iyun, pero hindi pala! Gusto niya lang pala kaming palabasin! “But I-I’m s-still cleaning…” bulong ko na lang sa sarili at tinignan ang naumpisahan ko. Napakamot ng ilong si Nixon habang nakatutok pa rin ang mga mata sa kaniyang iPad. “I don’t care. You can continue later when I’m finished.” “Pwede naman pong magpatuloy ako sa paglilinis habang nandiyan ka. Promise, hindi ako mag-iingay!” Ibinaling niya ang tingin sa’kin at napailing. “Hey girl, don’t talk back to your boss. That’s one of your rules in here…” sabat ng babaeng nasa gilid ni Nixon. “S-Sorry…” mahina kong usal at napa-bow ng konti ang ulo upang humingi ng tawad. “Damn it,” bulong ni Nixon sa kaniyang sarili at kinuha na ang kaniyang iPad upang umalis sa kinauupuan niya. What? Bakit siya umalis? “Patay ka sa amo mo, ineng,” pang-aasar ng babae kanina at ngumisi sa’kin. Napatawa ako sa kaloob-looban ko dahil sa sinabi ng babae kanina? Ineng? Oh come on, hindi niya alam na magka-edad lang kami. Tch. Nixon is hot-tempered. I should probably note that.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD